00:02am na andito pa rin ako sa daan.
sana lang di ako ma-late sa trabaho.
kasi naman, di nakaalis kaagad.
hirap kasing gising ng kapatid ko.
kailangan ko na ata talagang matutong magmaneho.
para di na ako mangiistorbo sa bahay.
00:09am, sakto makakaabot pa ako.
di pa ako late.
wag lang sana akong daldalin ni manong guard.
….
wala rin, kinausap pa talaga ako.
hirap naman kasing hindi pansinin.
mabait naman kasi si kuya.
di pa naman siguro ako male-late.
kung male-late man, isa o dalawang minuto lang.
“hello.”
00:11am.
aun, one minute nga lang.
pwede pa.
dahil sa pagmamadali ko.
di ko napansin na may nag-hello pala.
nginitian ko naman sya eh.
cute. ang cute pala nya.
di nya lang siguro napapansin na tinitingnan ko sya.
dahil abala syang kumukuha ng pagkain sa vending machine.
ang cute talaga nya.
tingin ka ulit. please.
buti na lang matagal tong elebeytor.
buti na lang din at nakapagclock-in na ako.
kahit siguro tumambay muna ako dito eh di na rin masama.
kuha kaya ako ng makakain din?
wag na, obvious.
“ding”
badtrip na elebeytor.
bat ngayon pa dumating.
di pa ako nakakapagbabay sa kanya.
di ko pa natatanong ang pangalan nya.
di ka ba sasakay?
iho-hold ko ba tong elebeytor para sayo?
malamang hindi na, nakatalikod ka na kasi. kumakain.
magsasara na ang pinto.
tingin ka na please.
one last time.
tumingin ka nga.
natuwa naman ako.












