elebeytor

Posted 4 years ago inlove, writings

00:02am na andito pa rin ako sa daan.
sana lang di ako ma-late sa trabaho.
kasi naman, di nakaalis kaagad.
hirap kasing gising ng kapatid ko.
kailangan ko na ata talagang matutong magmaneho.
para di na ako mangiistorbo sa bahay.

00:09am, sakto makakaabot pa ako.
di pa ako late.
wag lang sana akong daldalin ni manong guard.

….
wala rin, kinausap pa talaga ako.
hirap naman kasing hindi pansinin.
mabait naman kasi si kuya.
di pa naman siguro ako male-late.
kung male-late man, isa o dalawang minuto lang.

“hello.”

00:11am.
aun, one minute nga lang.
pwede pa.

dahil sa pagmamadali ko.
di ko napansin na may nag-hello pala.
nginitian ko naman sya eh.
cute. ang cute pala nya.
di nya lang siguro napapansin na tinitingnan ko sya.
dahil abala syang kumukuha ng pagkain sa vending machine.
ang cute talaga nya.
tingin ka ulit. please.

buti na lang matagal tong elebeytor.
buti na lang din at nakapagclock-in na ako.
kahit siguro tumambay muna ako dito eh di na rin masama.
kuha kaya ako ng makakain din?
wag na, obvious.

“ding”

badtrip na elebeytor.
bat ngayon pa dumating.
di pa ako nakakapagbabay sa kanya.
di ko pa natatanong ang pangalan nya.

di ka ba sasakay?
iho-hold ko ba tong elebeytor para sayo?
malamang hindi na, nakatalikod ka na kasi. kumakain.

magsasara na ang pinto.
tingin ka na please.
one last time.

tumingin ka nga.

natuwa naman ako.

17 Responses to “ elebeytor ”

  • karmi said,

    sana makita ko sya ulit bukas. :)
    papa-late ulit ako. hehehe

  • manilenya said,

    ano puti o pinoy? o itim. indyan? chinese? latino? puerto rican? hehehehe di mo sinabi kasi e kaya ayan nagtatanong ako :) sana nga bukas magkita ulit kayo.

    ===

    chinese ate.. =) hehehe… ang kyut talaga. sana nga ate.. sana magkita kami ulit.. ^_^

  • manilenya said,

    hehehe sige pagbutihan mo kapatid ha lol!

    ===

    gudlak sa akin ate! hehehe…

  • camille said,

    hehe naka-relate ang ate dito.

    kung ako, kasehodang ma-leyt por eber nyahaha :D

    ===

    hahaha.. oo nga, ok lang na malate ate, badtrip lang talaga ung elebeytor eh!

  • malaya said,

    ikaw sa elebeytor, ako sa c.r. hehehe ( ano ba yan)

    ===

    sa CR ate? pano un? inabangan mo? hehe..

  • jlois said,

    uy! ano yan? crush mo? hehehe

    ===

    kuya!!! nadalaw ka.. namiss kita ah..

    opo, isa sa mga crushness ko.. hehehe..

  • ignoramous said,

    Hmmmmmn… gaano nga kaya kagwapo yun?

    ===

    GWAPO kuya. as in! hehehe..

  • kengkay said,

    bakit hindi mo sinitsitan at biglang inamo ng iyong daliri papasok sa eleybaytor, hahaha.

    ===

    haha. nahiya ako ate?! o diba, sa daming araw na mahihiya ako, non pa nangyari! kamusta! hehe,,

  • yoshke said,

    ang landi ha!

    joke lang.

    waaaaaah, nakakatuwa naman ang post na ‘to. for a moment there, i imagined a romantic comedy. ahihihi. nangyari na rin saken ‘to. :)

    ===

    haha, landi talaga ung word. lol :P
    one-sided love ata ito.. hehehe..

  • vanny said,

    ayiiii!!! dalaga na si karmimay!! hahaha. ;)

    ===

    hahaha.. nagdadalaga eh noh. :P

  • ayiiii… kerengkerng,, ha hah aha..

    pag hindi nakuha sa santong dasalan, kidnapin tapos rape-in! ha ha ha

    ;))

    ate nag hohost ka pala.. libre ba? pwede ba pa host?! :)

    ===

    ewan ko ba, naging dalagang pilipina pa rin ako! lol.. hehehe, next tym na makita ko sya, lagot na! lol

  • Pahn said,

    waaa,, si anime girl na meet ko sa elevator,, and we did talk, kaso bitin.. oh my,, san kaya ako makakakuha ng box para sa ibibigay ko sa kanya sa valentines?/? XD I missed her na,, gusto ko ulit makauap, kaya bibigyan ko ng gift sa feb 14,, sana tangapin nya XD

    ===

    cute naman ng name, anime girl.. =)
    ano bang ibibigay mo sa kanya? at gaano kalaking box ang kailangan mo? :)

  • joanna said,

    mwrehehehe. lapit na ng balemtyms! hehehe

    ===

    oo nga lapit na. la pa rin akong date.. *hikbi*

  • Kandis said,

    Chinito? Apir! haha Wrong timing elevator. :) Sana hinulog mo gamit mo, malay mo tulungan ka. :)) haha joke lang.

    ===

    oo, chinito!! cutie… :D
    haha, wala akong gamit na pwedeng ihulog eh.. sayang… hmm, nxt tyms! :D

  • repah said,

    wow.. ganu kya kakyut sya… ako ok lng maleyt mkausap lng sya.. hehehhe.. nakacurious sna piniktyuran mo man lng,,

    ===

    hahaha. sana nga napikturan ko, kaso nakakahiya naman kung kukunin ko ung camerapone ko. lol..
    cute talaga! as in. :D

  • yods said,

    ayan tamang tama yan sa paparating na balentayms. tinamaan ka ni kupido. hehe
    by the way you have been tagged! just check my blog. hehe

    ===

    haha. sana lang maka-date ko sya sa valentines diba? :D hehe..
    cge, check ko yang tagay mo. ^_^

  • janus said,

    LOL. Hay love. hehe… bloghopped! care to link ex? :D

    Galing mo namang managalog…

    ===

    wow, salamat.. ^_^
    magaling ba akong nagalog? hehehe…

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.