paborito ko ang American Idol. aliw na aliw ako dito, lalo na ung episodes nila na auditions ung pinapakita. nakakatawa. nakakaaliw. minsan, nakakainis ung mga sumasali dahil di naman marurunong kumanta pero nagpupumilit mag-audition. tapos, magagalit pa sa judges kung di sila makakalusot. gudlak naman kasi, alam mo naman ata kung maganda ba o hindi ang boses mo diba? malakas lang talaga ang loob nila. naalala ko, last year, nagpunta dito sa San Antonio ung American Idol. magau-audition sana ako, pero wala akong lakas ng loob! haha..
lahat ata ng contestants eh may kani-kanilang dahilan kung bakit sila sumali sa AI. dahil sa gusto nilang kumanta, dahil sa pangarap na nila ito noon pa, o dahil din sa mahal nila sa buhay.. kanina lang, napanood ko ung audition nila sa Atlanta. ok naman. nakakatawa, at meron namang magagaling din talaga.. pero may isang audition akong napanood na na-touched talaga ako.. na hindi ko napigilang maiyak…
nakakaiyak. di ko talaga mapigilang maluha. buti na lang at wala ung mga kapatid ko, kundi panay na naman ang asar sa akin pag nagkataon.. sino ba namang hindi maiiyak.. namatay ung tatay mo, habang ikaw eh nakapila para mag-audition.. :( how sad.. tapos, dine-dicate pa nya ung kanta para sa tatay nya.. waaaaa, kakaiyak talaga.. di ko alam kung kakayanin ko un, kung sa akin mangyari un… *sob* basta bilib ako sa kanya.. and i know magiging proud nga ung tatay nya sa kanya.. ^_^
===
ayon, kung mapapansin nyo (sana), eh 4 na ang hostee ng idlip.net.. ^_^ masaya dahil nadagdagan na naman ang mga bebe ko.. =) at dalawang babae naman sila ngayon.. welcome to idlip — noime and theyz.. ^_^ bisitahin nyo din sila ha.. :D



![E[kwento]MO: bawat emo, may kwento.](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small.png)







