AI + other updates + kwento

Add comments February 6, 2008 » 768 days ago
blog update, heart-to-heart, so random

paborito ko ang American Idol. aliw na aliw ako dito, lalo na ung episodes nila na auditions ung pinapakita. nakakatawa. nakakaaliw. minsan, nakakainis ung mga sumasali dahil di naman marurunong kumanta pero nagpupumilit mag-audition. tapos, magagalit pa sa judges kung di sila makakalusot. gudlak naman kasi, alam mo naman ata kung maganda ba o hindi ang boses mo diba? malakas lang talaga ang loob nila. naalala ko, last year, nagpunta dito sa San Antonio ung American Idol. magau-audition sana ako, pero wala akong lakas ng loob! haha..

lahat ata ng contestants eh may kani-kanilang dahilan kung bakit sila sumali sa AI. dahil sa gusto nilang kumanta, dahil sa pangarap na nila ito noon pa, o dahil din sa mahal nila sa buhay.. kanina lang, napanood ko ung audition nila sa Atlanta. ok naman. nakakatawa, at meron namang magagaling din talaga.. pero may isang audition akong napanood na na-touched talaga ako.. na hindi ko napigilang maiyak…

YouTube Preview Image

nakakaiyak. di ko talaga mapigilang maluha. buti na lang at wala ung mga kapatid ko, kundi panay na naman ang asar sa akin pag nagkataon.. sino ba namang hindi maiiyak.. namatay ung tatay mo, habang ikaw eh nakapila para mag-audition.. :( how sad.. tapos, dine-dicate pa nya ung kanta para sa tatay nya.. waaaaa, kakaiyak talaga.. di ko alam kung kakayanin ko un, kung sa akin mangyari un… *sob* basta bilib ako sa kanya.. and i know magiging proud nga ung tatay nya sa kanya.. ^_^

===

ayon, kung mapapansin nyo (sana), eh 4 na ang hostee ng idlip.net.. ^_^ masaya dahil nadagdagan na naman ang mga bebe ko.. =) at dalawang babae naman sila ngayon.. welcome to idlip — noime and theyz.. ^_^ bisitahin nyo din sila ha.. :D

===

ate, tingnan mo ung babae, ang ganda.
titingin naman ako. sabay iiling
di ba maganda?
tol, di ako tumitingin sa babae ng tulad ng pagtingin mo. saka mas maganda pa ako sa kanya noh.

may dalawa akong kapatid na lalake. masasabi kong close ako sa kanila kasi lagi nila akong inaaway at lagi ring kinakausap tungkol sa mga babae. lagi na lang, kahit nasan kami, kahit na anong ginagawa nila, titigil sila sa ginagawa nila para lang sabihin sa akin na maganda ung babae. malay ko. kapag sasabihin kong pangit, babatukan pa ako. kamusta naman un?! minsan, gumanti ako. nakakita kasi ako ng gwapo sa mall.

tol, ang gwapo.
so?
tingnan mo bilis.
ayoko nga. mapagkamalan pa akong bading.
wag ka nang maarte, bilis na.
tumingin naman.
pangit naman eh. mas gwapo pa ako.

binatukan ko sya. nakaganti na rin sa wakas!

===

ash wednesday pala ngayon. ano nga ba ang willing akong i-give up? kausap ko si kuya igno kanina, sabi ko igi-giveup ko ang pagco-computer.. kaso, di ko ata kakayanin un.. di talaga.. kaya iba na lang siguro.. =)

===

lapit na balentimes. kelangang magpost ng malupet na balentimes post. ^_^ sana lang magkaroon na ng inspirasyon para magsulat.. :D

narinig ko ‘tong kanta ni mama Toni G. sapul! hehehe.

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

Catch Me, I’m Falling

How can something so wrong
Feel so right all along
Catch me I’m falling for you
How can time be so wrong
For love to come along
Catch me I’m falling for you
How can love let it grow
When it has no place to go
And I can’t go along pretending
That love isn’t here to stay
Catch me I’m falling for you

ewan. masaya naman eh. =)

Mga Kahalintulad na Posts



16 Responses to “ AI + other updates + kwento ”

  • joanna says:

    ate! gusto ko yung kantang yan! hehehe. :)

    ===

    hay ako rin! hahaha.. sapul na sapul ako ganda!! lol

  • theyz says:

    ..tol! kakatatouch nga ung video.. hay..pero buti nlng hnde ako naiyak..hehe..

    ..onga..lapit na ang balentimes..hmmm…well, haha.. gudlak sa atin… :P

    ===

    ay sus, may bebe ka! hahaha.. :P samantalang ako, wala.. lol
    iyakin lang ata talaga ako tol! hehehe..

  • igno says:

    Welcome sa mga bagong kapatid na si theyz at si princessa. hahaha.. nakow, tama lang yung mga kapatid mong huwag tumingin sa pogi. nyahaha… hmmmmmn… tama ateng, di mo kaya yon. wag mag-sacrifice ng hindi naman kaya. =)

    ===

    eh kuya, sana naman ako titingin?! hahaha.. lol
    opo kuya..

  • yoshke says:

    waaaaaaaaaaaaaah. naiyak din ako. waaaaaaaaah. ang galing nya, kaya hindi masasabe na dinaan sa emo yung audition.

    ===

    *sob* oo.. magaling talaga sya, di dahil sa naawa ung judges sa kanya kaya sya nakapasok.. :)

  • finch says:

    the best pa rin si reynaldolapuz haha

    ===

    hahaha.. *kanta mode* you are my brother, my bestfriend forever!! lol

  • noime says:

    yey! welkam sa amin ni ate thea. :)

    ang cute niyo pa lang magkakapatid. nagbabatukan. wahaha. :)

    ===

    welkam! :D
    oo, sign of love namin un! hahaha..

  • kengkay says:

    ang aga aga napaiyak din ako. mas naiyak ako kasi nung nakita ko yung emote ni paula tapos nung narinig ko yung title nung kanta, waaa, tisyu! singhot

    ===

    oo nga ate.. :’( touched talaga silang lahat.. pero ang galing pa rin nya!! ^_^

  • jeniffer says:

    haikz.. parehong pareho tayo, luv ko talaga ang AMERICAN IDOL.. nakakatawa kasi.. let’s support the girl hu is like jasmine trias.. FILipina din..
    Ayun,dapat nagsimba ka kasi ash wednesday nun hehe.. KUNG HEI FAT CHOI GIRL!!!

    ===

    oo nga, Malubay ung last name nya diba? nakalimutan ko lang ung first name.. ^_^
    na-leak sa internet ung Top 24 ng AI eh, kasali sya dun!! :D

  • jeniffer says:

    pwede me sumama sa idlip family? hehe.. kung ok lang.. kaya lang medyO di me makapag blog parati kasi, lam mO naman.. graduating.. TODO POWER na ang projects.. tnx in adavance..

    ===

    gusto mong pa-host? hmmm, try natin.. :)
    sabihan kita kapag ok.. ^_^

  • misyel says:

    Paborito ko din ang American Idol kaya nakatutok din ako sa T.V. kapag yan na ang show. Tulad mo napaiyak din ako nung makita mapanood ko yung girl, bilib ako sa kanya kasi ang brave niya. Maganda voice niya ha, malamang makapasok siya sa top 12.

    Ang kulit ninyong magkakapatid, buti nakaganti ka din hehehe!

    ===

    sana nga makapasok sya! :)

    hehehe.. bihira lang akong makaganti sa kanila.. as in!! ^_^

  • chelsea says:

    nakakatuwa talaga ang mga tao. naaalala ko ang mga pinoy pag nanunuod ako ng american idol. nakikita kasi sa kanila yung gawain nating mga pinoy na “try and try until you die.” di mo malaman kung dahil sa kahirapan na gusto nilang maging singer or talagang feel lang talaga nilang ipahiya nila ang sarili nila in public. suicidal anoh?

    ===

    actually, kaya rin ako nanonood ng AI eh dahil nagaabang ako ng mga Pinoy na baka sumali.. :)
    i think ung iba kaya sumasali eh para na rin magkaroon sila ng 15 seconds of fame.. ^_^

  • Apple says:

    Aughhh.. It swept me away, I swear! Nakakaiyak. Huhu.

    Yeah, I agree, magaling sya and she got in not because of her situation.

    Nice blog you have here. Have a nice day :D

    ===

    tuwing pinapanood ko nga ung vid, di ko talaga mapigilang di maluha.. kaka-touch talaga..
    thanks for dropping by.. ^_^

  • Apple says:

    So dito na talaga ako nagreply. Haha. Syempre para madami kang comments! LOL.

    Gusto ko na rin talaga magkaroon ng iphone, i think yun ang next project ko after my new laptop and digicam. I’ve been obsessing with these things lately. LOL

    i wonder if talagang natouch si paula or what. haha.

    anyway, thanks for the comment. magcomment ka lang sa mga post ko. ex comments tayo. heehee.

    ===

    hmmm, i think na-touch naman sya talaga. :) madalas, kapag nagdadrama sya, inaasar sya nina randy and simon.. pero this time, hinayaan lang nila si paula. :)

  • yeye says:

    hello po hehehe

    gusto ko din panoorin ung mga audition sa AI. sarap pagtwanan ung mga feeling na pathetic talaga na mga amerikano aynako hahahahaha

    gusto ko din dito sa idlip. ihost mo nga ko. hahaha joke. la padin internet sa bahay namin. sa comp shop lang ako lage. hehehehe

    hayz

    ===

    nkakatawa talaga ung mga audition na un! hahaha..
    gusto mo rin dito sa idlip? :D
    gudlak sa studies yeye!!! ^_^

  • jessie says:

    karmi,

    sana magkaron na tayo ng American Idol champion. Sayang si Jasmine Trias, she almost made it. Let’s just hope for the best dahil magaling ang Pinoy at pasasaan ba’t makukuha rin natin ang kampeonato.

    ===

    sayang talaga si Jasmine Trias kuya.. i also hope na manalo ung isang Pinay na nakapasok this year.. :D

  • Aisha says:

    haha and alamo minsan
    kung cnu ang maganda.. un pa tlga ang hnd maganda pra sa guys.. lol un lng napansin ko haha

    ===

    alam mo sis, tama ka..
    minsan, ako na nga mismo ung nagsasabi sa kapatid ko na maganda ung babae, pero pangit daw..
    weird.. hehehe..

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.