YM

11 Comments » February 8, 2008 » 769 days ago
inlove

p28-01-08_1241.jpg

buzz?
hello =)
musta?

walang ibang ingay na naririnig
kundi ang tunog ng pagtipa sa keyboard.
ang simpleng tanong na ‘musta?’
ay syang simula ng mahaba-habang kwentuhan at kulitan
dalawang oras na naman itong usap natin.
o higit pa.

he invited you to view his webcam

kung kanina’y puro lamang pagty-type ang ginagawa
ngayo’y makikita na kita
makikita mo na rin ako
makikita ko na ang iyong reaksyon
sa bawat kwento, at bawat pang-aasar ko sayo
natutuwa talaga ako kapag naaasar ka
ang cute mong tingnan. ^_^

gusto na kitang makita

simula na naman ata ng drama
ayoko ring magdrama
pero nagsimula ka
ikaw kasi
ako kasi
tayo kasi
di na ata mawawala ang sisihan sa atin
bakit nga ba ang layo ko sayo
bakit ngayon lang

alam mo bang gusto na rin kitang makita?
gusto ko
at alam kong mangyayari naman un
kailangan nga lang maghintay
sana nga ikaw na. :)

masaya ako sayo

ako rin, masaya
lagi mo na lang akong napapangiti
laging napapatawa
korny ka minsan, pero ok lang
masaya talaga ako kapag kausap kita

late na, puyat ka na naman.
teka, 15 mins.
matulog ka na
oo, mamaya

bakit parang ang hirap magpaalam?
sa totoo lang ayoko pang matulog ka
gusto pa kitang kausapin ng matagal
marami pa akong gustong malaman
tungkol sayo
pero may bukas pa naman
saka ayokong napupuyat ka
ayokong sisihin mo ako
kaya ka napupuyat. :P

he stopped viewing your webcam.
he is now offline.

offline ka na
ewan
di ko maialis ang ngiti sa aking labi
masaya ako, kahit madrama tayo pareho
gusto ko na lagi kang kinukulit
wag ka lang sanang mapikon na sa akin. ^_^

di na kita kausap
miss na kita agad.
basta.
magkikita rin tayo
saka makakausap pa naman kita
bukas
sa YM. =)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.