kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

Chat with Us

Plugoo: karmi | komski: 1, 2
Y! Messenger: karmi | komski

  • glesy the great: ahehe… kaw naman.. di naman ineng… basta ba may nakakacarry pang magbasa ng post mo okay...
  • joshmarie: isan-libo at isang tears i mean 3 tears para sa Lamentations of a Withered Tin Can ni ron. :) hindi pwede...
  • joshmarie: 3 tears for longing by ice :) hindi pwede na dalawang entry ang bigyan ng 3 tears.
  • dzerom: 2 tears for enday…
  • rio: 3 tears for yods 2 tears for teresa 1 tear for ice gudluck sa lahat ng sumali=)
  • andeng: i vote for enday =) vote counted.

Thank you!

Subscribe to my feed




February 10th, 2008 | blog update

muntik-muntikan nang mawala ang idlip.

nakakaloka talaga.

nasa trabaho ako, pero itong blog ko ang inaasikaso ko. kasi naman, nagsimula sa trojan na yan. di ko alam kung san nanggaling ung script, bigla-bigla na lang sumusulpot. feeling ko dahil dun sa dati kong theme. kaya eto, palit theme na naman.. haaay, kung kelan naman gusto ko na ung theme ko, saka naman nagpaproblema.. hopefully, matapos na ung problema ko sa virus na yan.. sana talaga.

matapos ung trojan, bigla namang nagkaroon ng internal server error. kahit ung kausap ko eh na-windang dahil nagde-delete lang naman daw sya ng plug-ins eh bigla na lang nagerror ang idlip. ayan kasi, hiatus nga dapat eh, kung anu-ano kasi kinakalikot sa blog.. hehehe.. dahil sa error na yun, kinausap ko na ung host ko. at ka-swerte ko nga naman, di daw ako matutulungan ng kausap ko sa problema ko. mag-open daw ako ng ticket sa support center.

mag-open ng ticket sa support center.

gudlak, naisip ko, ilang araw kaya bago maayos ung blog ko. di ito maaari.. kaya lang, wala namang magagawa, kaya nagopen na rin ako ng ticket. mas gugustuhin ko nang maghintay kesa sa di maayos ung blog.

ilang minuto pa ang lumipas, kinabahan na ako. putek, di ko naback-up ung wordpress ko. di ko rin nabackup ung sa mga hostee ko. gudlak, kapag nasira ang idlip, wala. wala na, titigil na lang ako sa blogging. syet un! badtrip.

pero, ayaw pa ata akong patigilin sa pagbo-blog… :)

dahil sa awa naman ni Papa God, eh naayos ang idlip. after 30 mins. ata na down eh, up na ulit!

salamat talaga. kakaloka! hehehe.

di ko na kakalimutang magback-up mula ngayon! pramis po…

o nga pala, salamat kina kuya Pepe at gandang Roselle.. ^_^

syempre, share ko ‘to sa hostee(s) ko at sa lahat ng nasa blogroll ko.. ^_^ Happy Valentines sa inyo… :)