kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

Chat with Us

Plugoo: karmi | komski: 1, 2
Y! Messenger: karmi | komski

  • glesy the great: ahehe… kaw naman.. di naman ineng… basta ba may nakakacarry pang magbasa ng post mo okay...
  • joshmarie: isan-libo at isang tears i mean 3 tears para sa Lamentations of a Withered Tin Can ni ron. :) hindi pwede...
  • joshmarie: 3 tears for longing by ice :) hindi pwede na dalawang entry ang bigyan ng 3 tears.
  • dzerom: 2 tears for enday…
  • rio: 3 tears for yods 2 tears for teresa 1 tear for ice gudluck sa lahat ng sumali=)
  • andeng: i vote for enday =) vote counted.

Thank you!

Subscribe to my feed




February 15th, 2008 | emo daw, writings

…eto mahal pa din kita, kahit 8 buwan nang di kita nakikita. love you pare!
– Jan. 01, 2006 7:21:36pm

yan na siguro ung pinaka-sweet na sinabi/tinext mo sa akin.

naalala na naman kita. pero this time, wala nang galit. di na rin kita minumura. wala lang, naisip lang kita. naalala ang nakaraan, naalala lahat ng magagandang moment na magkasama tayong dalawa. marami-rami rin pala un. mga kulitan, harutan. ano na nga kaya ang nangyari sayo noh? buhay ka pa naman siguro.

Maraming salamat.
– Jan. 22, 2008 8:14am

yan ung reply mo sa akin nung tinext kita ng Happy Birthday. pormal na pormal ung text. pero salamat na rin at nagreply ka, di ko na rin kasi ine-expect na magre-reply ka pa.

gusto ko lang ding magpasalamat. sa lahat-lahat. oo nga’t sinaktan mo ako, pero natuto naman ako. madami-dami rin akong luhang naubos dahil sayo pero alam kong magiging masaya rin ako pagtagal. salamat sa pagmamahal mula noon, hanggang sa ito’y tuluyan nang mawala. natutunan kong wala talagang permanenteng bagay sa mundo at lahat ng bagay ay nagbabago lalo na ang damdamin ng tao. minsan, gusto kitang kausapin, pero iniisip ko, para san pa. madami lang kasi akong gustong linawin, gustong malaman. pero, di na rin siguro un mangyayari. there are things better left unsaid. basta salamat na lang.

expect for the worst.

yan ang paborito mong kasabihan. pero, sana lang wag naman lagi. hangad ko rin na maging masaya ka. sana nga maging masaya ka.

salamat.