…eto mahal pa din kita, kahit 8 buwan nang di kita nakikita. love you pare!
– Jan. 01, 2006 7:21:36pm
yan na siguro ung pinaka-sweet na sinabi/tinext mo sa akin.
naalala na naman kita. pero this time, wala nang galit. di na rin kita minumura. wala lang, naisip lang kita. naalala ang nakaraan, naalala lahat ng magagandang moment na magkasama tayong dalawa. marami-rami rin pala un. mga kulitan, harutan. ano na nga kaya ang nangyari sayo noh? buhay ka pa naman siguro.
Maraming salamat.
– Jan. 22, 2008 8:14am
yan ung reply mo sa akin nung tinext kita ng Happy Birthday. pormal na pormal ung text. pero salamat na rin at nagreply ka, di ko na rin kasi ine-expect na magre-reply ka pa.
gusto ko lang ding magpasalamat. sa lahat-lahat. oo nga’t sinaktan mo ako, pero natuto naman ako. madami-dami rin akong luhang naubos dahil sayo pero alam kong magiging masaya rin ako pagtagal. salamat sa pagmamahal mula noon, hanggang sa ito’y tuluyan nang mawala. natutunan kong wala talagang permanenteng bagay sa mundo at lahat ng bagay ay nagbabago lalo na ang damdamin ng tao. minsan, gusto kitang kausapin, pero iniisip ko, para san pa. madami lang kasi akong gustong linawin, gustong malaman. pero, di na rin siguro un mangyayari. there are things better left unsaid. basta salamat na lang.
expect for the worst.
yan ang paborito mong kasabihan. pero, sana lang wag naman lagi. hangad ko rin na maging masaya ka. sana nga maging masaya ka.
salamat.













same here
yan dn lgi nsa utaq ko
expect for the worst :)
===
Saklap naman ng post mo Ate. :( Naiiyak tuloy ako. May naalala ako bigla.Ouch!
===
Walang Anuman… :)
===
wag ka ngang ganyan! naaasar ako pag nalulungkot ka..
tsk tsk tsk
===
wag mo na siyang isipin ate. LOL. kasi hindi naman niya naisip kung gano ka niya nasaktan. haha.
wow. bagong ate sa idlip. naks!
===
Alam mo mas ok kung masasagot lahat yung mga tanong mo, mahirap yung parang hindi tapos at walang period. Pero sa situation nyo naman may idea ka naman yata ng tunay na reason di ba?
Wish you goodluck sa next relationship. Marami pang darating.
===
awww.
bad breakup?
at least okay ka na ulit diba :)
tska byaan mo na,
there are still lots of fishes in the sea :)
===
Naalala ko tuloy ng makipagbreak si Edward kay Bell *teka, sino sila? Sila yung characters sa libro ni Stephenie Meyer*
Yan yung sinabi ni Edward kay Bella nun. Nakakasakit sa puso. Kung ako nasabihan niyan, ewan ko na lang, gunaw na mundo ko, umiiyak na ako ng walang humpay. Hayy. Pero naging sila Edward at Bella pa rin, basta mahabang storya. HAHA. Sorry ah, pati addiction ko sa librong yun, dinala ko pa dito. Pero nung binabasa ko yung post mo, yan yung natandaan ko eh. HAHA.
Parang ganyan din si Edward sa storya. Mahilig siya sa mga parang ganyan na linya pero mas marami siyang sinasabi kung gaano niya kamahal si Bella kahit bampira siya at tao si Bella. (:
Ayun, sana maging masaya ka pa ate. :D Btw, Link Ex?
===
patay naka-relate ako hehehe
kanta n lang tayo
teardrops on my guitar hahaha
===
eeeewwwccccchhh!!! isa pa. ewwwwcccchhhh!!! as in.
===