9 months, 2 weeks ago by karmi musta ka naman karmi? tagal mong nawala ah.
ngek, tagal ba un? 2 days lang naman akong di nakapagonline.
matagal na rin un ha. natiis mo?
oo nga eh, natiis kong hindi magblog. himala.
so, kamusta ka naman?
teka, natanong mo na yan kanina ah.
alam mo na ang ibig kong sabihin.
hmm, hindi eh. ano ba ang kinukumusta mo sa akin? kung susumahin mo, masaya at OK naman ako ngayon.
ah, eh di mabuti. walang problema?
hmm, ngayong tinanong mo, meron.
ano?
ikaw ang problema ko. ang kulit mo eh, tanong ka ng tanong. sabi na’t ok ako.
fine. fine. nagtatanong lang naman.
*beep* *beep*
uy, may nagtext. sino yan?
sikret.
ay sus, ang arte, pasikret-sikret pa. eh parang kilala ko na kung sino yan. ngiti ka dyan.
hehe. bakit ba? eh sa masaya ako eh. masama bang ngumiti?
hindi. teka, bakit ang taray mo? meron ka noh?
wala.
uy basahin mo ung text nya.
kung makokonvert lang sa pera tong sayang dulot mo sa akin, edi nakabili na ko ng ticket papunta sayo. :) hehe, sobra pa pabalik.
ayihhii.. kaya pala di matanggal yang ngiti mo sa labi.
ang sweet nya. sobra. di ko na talaga alam kung anong sasabihin ko sa kanya. *speechless*
eh di sabihin mo kung anong sinasabi ng puso mo.
hmmm, alam naman nya.
eh di kayo na?
di ko masasabing ganon na nga. pero, special sya para sa akin.
inlove ka na naman noh? aminin mo na kasi.
basta, gusto ko syang nakakausap. napapasaya nya ako. inlove na ba ang tawag dun? siguro…
ayiihiii.. kinikilig naman ako.
kilig ka dyan.
di ka pa ba matutulog?
matutulog na nga.
ahh, eh di matulog ka na.
oo nga, kulit mo kasi kinakausap mo pa ako.
ok fine. di na kita iistorbohin.
*beep* *beep*
matulog na karmi.
oo saglit, magrereply lang ako.
ok. sabi ko nga eh.
hindi daw inlove sus.
narinig ko un!
haaaaay ang mahiwagang text msg. haru. hahahaha
ang sweet nung msg..hahaha la lang
ayiii
===
inlababo talaga si ineng! kinikilabatutan ako sa kilig.
===
siguro naman hindi na niya kailangan yung pabalik pa, dahil kasama ka na niya=) hehe
===
mushy..hehe ang cute..Ü
===
Einubeh.. dapat ito ang entry mo sa lovestruck.. hehe
===
ahahahaha. mga inlab talaga. garabe. ang sarap mainlab noh ate? AYIHIE! (ikaw lang yung kinomentan ko kahit may exam ako. hehe.)
===
miss ko na ang kilig feeling na yan kapag in lab :-)
===
aruuu… ahahayyy… kinikilig din ako. :lol:
basta yun na yowwwn ;)
labyu karms! mwah!
===
pag na convert mo na ung saya a pera sabihin mo sakin kung panu ha,, hehehe aus un.. madali kikita ng pera,, woo,, haha
===
Anak ng katuray naman! Ang sweet nung quote na yun ah! Yiheeee! :D
====
eherm….ayan na..sarap ng feeling pag inlove noh?? (aminin mo na kasi)..nyahaha..
pero bakit hindi ganun kasarap pagnasaktan na…tsk tsk tsk…oo nah, nega ako ngayon…lols!
====