drama mo talaga. just saw your friendster profile.
message sent.
single ka na pala, ayon sa friendster profile mo. madrama rin ung nasa status message. ibig sabihin ba eh wala na kayo? akala ko ba gagawa ka ng paraan para di sya mawala sayo? akala ko pipilitin mong ayusin? eh bakit ganon, parang sumuko ka na ata?
simula pa ata last week eh nagpapalitan na tayo ng text tungkol dun. valentine’s day pa nga nung buong araw ata tayong magkatext. kahit nasa mall ako at kinukulit ng mga kapatid ko eh hindi ko sila pinapansin. naglalabas ka kasi ng sama ng loob. nagtampo ka sa kanya dahil valentine’s day at monthsary nyo pa pero di ka man lang nya binati. lahat na ata ng paliwanag na naisip ko eh sinabi ko na sayo. pero parang di ka nakikinig at pansin ko na sobrang galit ka na. ako na nga rin ung sumuko eh, dahil di ko na alam ang sasabihin ko sayo. natawa ka lang at sinabing salamat dahil may napaglabasan ka ng sama ng loob. wala un, sabi ko na lang.
ngayon, ilang araw lang matapos ang valentines, wala na ata kayo.
bigla ko tuloy naisip, sana ako na lang ang pinili mo dati. dahil kung ako ung pinili mo, di kita sasaktan. magiging masaya tayo. kaso, di mo ako gusto kaya sya ang napili mo. nagkamali ka ba? sana hindi, dahil alam kong sya talaga ang mahal mo.
sana magkabalikan pa kayo. sana maayos nyo pa yan. magusap lang kayo, un naman ang kelangan. ako ang nanghihinayang sa inyong dalawa eh. dahil kaibigan ko kayo pareho. ayokong nakikita kayong malungkot. lalo ka na.
kaibigan kasi kita, kaya ayoko na nasasaktan ka..
….kung ako ung pinili mo, mamahalin talaga kita.












