9 months, 1 week ago by karmi drama mo talaga. just saw your friendster profile.
message sent.
single ka na pala, ayon sa friendster profile mo. madrama rin ung nasa status message. ibig sabihin ba eh wala na kayo? akala ko ba gagawa ka ng paraan para di sya mawala sayo? akala ko pipilitin mong ayusin? eh bakit ganon, parang sumuko ka na ata?
simula pa ata last week eh nagpapalitan na tayo ng text tungkol dun. valentine’s day pa nga nung buong araw ata tayong magkatext. kahit nasa mall ako at kinukulit ng mga kapatid ko eh hindi ko sila pinapansin. naglalabas ka kasi ng sama ng loob. nagtampo ka sa kanya dahil valentine’s day at monthsary nyo pa pero di ka man lang nya binati. lahat na ata ng paliwanag na naisip ko eh sinabi ko na sayo. pero parang di ka nakikinig at pansin ko na sobrang galit ka na. ako na nga rin ung sumuko eh, dahil di ko na alam ang sasabihin ko sayo. natawa ka lang at sinabing salamat dahil may napaglabasan ka ng sama ng loob. wala un, sabi ko na lang.
ngayon, ilang araw lang matapos ang valentines, wala na ata kayo.
bigla ko tuloy naisip, sana ako na lang ang pinili mo dati. dahil kung ako ung pinili mo, di kita sasaktan. magiging masaya tayo. kaso, di mo ako gusto kaya sya ang napili mo. nagkamali ka ba? sana hindi, dahil alam kong sya talaga ang mahal mo.
sana magkabalikan pa kayo. sana maayos nyo pa yan. magusap lang kayo, un naman ang kelangan. ako ang nanghihinayang sa inyong dalawa eh. dahil kaibigan ko kayo pareho. ayokong nakikita kayong malungkot. lalo ka na.
kaibigan kasi kita, kaya ayoko na nasasaktan ka..
….kung ako ung pinili mo, mamahalin talaga kita.
Bagay sa entry na’to yung kantang “kung ako na lang sana”. hahaha. Wala lang.
Sana maging okay na sila nung gelpren niya ikaw kasi yung nahihirapan ate eh. hmp.
====
“she better hold him tight
give him all her love
look at those beatiful eyes
i know she’ s lucky cause…”
amf teardrops on my guitar!
anu ba yan karmi! (karmi na lang tawag ko sa yo ah alangan na ako sa ate hahaha)
patama ba ito?
bakit ko to nabasa?
haaay
ok lang
ganun talaga
nakarelate ako. sobra. parang ako ikaw. sobra
====
mali.
parang sinabi ko na ikaw ung nasa kwento.
sorry
i mean
ako ata ung knekwento mo hahahaha
spammer mode hahaha
===
ang sakit. bakit di ka niya pinili? masaklap talaga ang pag-ibig. hayy.
o, may pahabol pa. masakit talaga. *sigh*
===
haaayz pag-ibig nga naman, masakit.
===
c’mon now let’s fall in love siguro ang sasabihin sayo..
naks…
pang lovestruck sana ang mga susunod na pangyayari..
====
awwness parang feel na feel ko yung nararamdaman mo..
hayyz, ganun talaga ang love,
lahat ng bagay pwede pero hindi lahat dapat :)
link ex nga pala? link ko na ikaw hah? :)
====
aww. atleast you are not bitter. unlike others who curses the girl whom the boy they fancy really love. clap clap for you!
====
ay grabe.
icompile mo to mga ganito mo
at pwede ka na magpublish ng book.
===
nice tagalog na tagalog.. tsk sayang nga ayan tuloy hihirapan siya eh kung ikaw sana masaya din mga post dito.. hehe
====
Nako. Love story. Ayoko na magbasa ng love story, minsan kasi sapul ee. :)) HAHA Btw, pano ate yung may reply sa comment. Di ko lam, turuan mo ko Ate.
====
“Kung ako nalang sana ang iyong minahal, di ka na muling luluha pa, di ka na mangangailangan pang, humanap ng iba….. narito ang puso ko, nag hihintay lamang sayoo. kung ako nalang sana. ” ;;) Na alala ko yung kanta. :P
====
naalala ko tuloy ung kadramahan ko dati ng dahil sa friendster,, hahaha
====
Kung ako nalng sana ang yong minamahal..
Di ka na muling mag-iisa..
Kung ako nalng sana ang yong minamahal..
Di ka na muling luluha pa..
Di ka na mangangailan pang…humanap ng iba….
Narito ang puso ko…naghihintay lamang sayo..
Kung ako nalng sana….
-ayan, kinantahan nlng talga kita….bakit kasi di ikaw ang piliin nya…
====
bullseye na nmn ako.
kung ’siya’ na lang sana ang minahal ko nun… di na siguro ako mag iisa ngayon..
haayyyss..
may na miss daw ako bigla ;) ahahahayyyy
====