feeling covergirl.

Posted 4 years ago meme

 if given a chance na maging covergirl ng kahit anong magazine, eh papatusin ko na! hehehe. kaya naman pinatulan ko na ung meme na pinasa sa akin ni ate melai at mia.. :)

(medyo sisimulan ko na ring sumagot ng mga meme ngayon… dami ko nang utang eh.. ^_^)

640d0b578d4a15b63246a718f6a11438_seventeen_sm.jpg f292e7a3e23157810977e59364f826ea_nationalgeo_sm.jpg 
http://magmypic.com

1st magmypic: madami akong litratong itinatago dito sa aking laptop, pero wala ni isa akong napusuang gawing cover ng magazine. kaya naman, humingi talaga ako ng permiso sa aking nakababatang kapatid na babae na i-post ko ung picture naming dalawa.. sakto naman sa mag, kaya ok na rin. :)

2nd magmypic: paborito ko talaga itong picture na ito. unang-una dahil nakatalikod ako. pangalawa, hmmm, wala na akong maisip. basta gusto ko sya. parang ‘im the queen of the world’ ang drama. photo caption: (P)UP Oblation. hehe.

madami pa akong sinubukang magazine covers at litrato, pero itong dalawa lang talaga ang nagustuhan ko.

kanino ko ‘to ita-tag? kahit kanino na lang na gustong gumawa nito. ^_^

===

one meme down. a lot more to go!

happy birthday sis!

Posted 4 years ago heart-to-heart

YM convo: Feb. 12, 2008 9pm (Central time) / Feb. 13, 2008 11am (Philippine time)

karmi: sis, how does it feel to be 24?
sis: wala ganon pa rin
karmi: ay, bukas pa pala kita tanungin..
karmi: hehehe
sis: ganon pa rin isasagot ko sayo
karmi: sabi ko nga eh.

i know, i know late na ‘tong greeting ko. Feb. 15 na kasi sa Pinas, pero since Feb. 14 pa rin dito sa lugar ko, eh abot pa rin sa greeting! ^_^ Happy birthday sis!!! mwah!!

besis.jpg

i just wish you happiness, good health and of course wish ko din na mabili mo ung Macbook na inaasam mo!! ^_^ sabi mo nga kahit na walang jowa basta magpayaman muna.. hehehe.. or better yet, humanap ka na lang ng mayamang mapapangasawa!! hmm, sige wish ko na rin na magka-bf ka na, para paguwi ko sa June eh makilatis ko na! ^_^

i love you sis, and i really do miss you!

*hugs*

o nga pala, another reason kung bakit ngayon lang ako nakagawa ng post eh dahil ang tagal naman nang batian portion na ginawa ni Mariel sa Wowowee.. :P ito na ung vid sis!! tarush, kasabayan sina Roxanne, Kris, Heart and John Pratts.. artistahin talaga.. ^_^

YouTube Preview Image

Happy birthday ulit sis! kita na lang tayo sa June!! love yah.. mwah!

me labs you.

Posted 4 years ago heart-to-heart, inlove

litrato678.jpg

ito ay… 

para sa inlove.
para sa malapit nang mainlove.
para sa mga gustong mainlove.
para sa heartbroken.
para sa moving on.
para sa one-sided love.
para sa madaming crush.
para sa mga nag-giveup na.
para sa umaasa.
para sa may inspirasyon.
para sa NBF/GFSB (no bf/gf since birth).
para sa lovers ‘the second/third/fourth time around’.
para sa brotherly/sisterly love.
para sa puppy love.
para sa mga bitter.
para sa na-love at first sight.
para sa forbidden love.
para sa hopeless romantic.
para sa loveless.
para sa two/three/four-timer.
para sa torpe.
para sa pakipot.
para sa nerbiyoso.
para sa bolero.
para sa nabasted na ng ilang beses.
para sa martyr.
para sa mga naghihintay.
para sa nagnanais na sana ay dalawa ang puso nya.
para sa mga nasa long distance relationship.
para sa may mga first love.
para sayo, na kahit ilang ulit nang nasaktan eh patuloy na nagmamahal.

Happy Valentine’s Day.  ^_^

mismo. =)

muntikan na.

Posted 4 years ago blog update

muntik-muntikan nang mawala ang idlip.

nakakaloka talaga.

nasa trabaho ako, pero itong blog ko ang inaasikaso ko. kasi naman, nagsimula sa trojan na yan. di ko alam kung san nanggaling ung script, bigla-bigla na lang sumusulpot. feeling ko dahil dun sa dati kong theme. kaya eto, palit theme na naman.. haaay, kung kelan naman gusto ko na ung theme ko, saka naman nagpaproblema.. hopefully, matapos na ung problema ko sa virus na yan.. sana talaga.

matapos ung trojan, bigla namang nagkaroon ng internal server error. kahit ung kausap ko eh na-windang dahil nagde-delete lang naman daw sya ng plug-ins eh bigla na lang nagerror ang idlip. ayan kasi, hiatus nga dapat eh, kung anu-ano kasi kinakalikot sa blog.. hehehe.. dahil sa error na yun, kinausap ko na ung host ko. at ka-swerte ko nga naman, di daw ako matutulungan ng kausap ko sa problema ko. mag-open daw ako ng ticket sa support center.

mag-open ng ticket sa support center.

gudlak, naisip ko, ilang araw kaya bago maayos ung blog ko. di ito maaari.. kaya lang, wala namang magagawa, kaya nagopen na rin ako ng ticket. mas gugustuhin ko nang maghintay kesa sa di maayos ung blog.

ilang minuto pa ang lumipas, kinabahan na ako. putek, di ko naback-up ung wordpress ko. di ko rin nabackup ung sa mga hostee ko. gudlak, kapag nasira ang idlip, wala. wala na, titigil na lang ako sa blogging. syet un! badtrip.

pero, ayaw pa ata akong patigilin sa pagbo-blog… :)

dahil sa awa naman ni Papa God, eh naayos ang idlip. after 30 mins. ata na down eh, up na ulit!

salamat talaga. kakaloka! hehehe.

di ko na kakalimutang magback-up mula ngayon! pramis po…

o nga pala, salamat kina kuya Pepe at gandang Roselle.. ^_^

syempre, share ko ‘to sa hostee(s) ko at sa lahat ng nasa blogroll ko.. ^_^ Happy Valentines sa inyo… :)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.