torn between a Mac & PC

Posted almost 4 years ago gadget and stuff

XPS M1530nak, kausap ko tita mo kanina.
kamusta daw dad?
ok naman daw. nga pala, diba nabanggit mo dati na balak mong bumili ng bagong laptop?
opo. bakit po?
eh kasi, kung un nga ang balak mo, baka pwedeng ibigay na lang natin ung laptop mo sa kanya.
ahhh. eh dad, ung kay carlo na lang po ibigay natin tapos kay carlo na lang ung laptop ko.
pwede rin un. sige.
ok po.

ayos. mawawalan na pala ako ng laptop sa June. dapat matuloy na ung ‘balak’ ko. simula na naman ng paghahanap ng kung ano bang laptop ang maganda. hmmm.. ano nga ba?

dell.JPG

Dell XPS ung laptop ko kaya una akong tumingin sa dell.com. nakita ko ung XPS M1530. ok na rin. parang kapareho lang nung luma ko. ang kaibahan lang, Vista ung OS. AYOKO ng Vista. ewan, basta ayoko lang. mas mahal ko pa rin ang XP. hehe. pero, since ala na atang laptop ngayon na naglalabas na XP ung OS eh, ok na rin siguro ung Vista. ok rin ung presyo, $1,324.00. sakto dahil may $1,500 na credit ang nanay ko sa Dell. pwede na. pwede ko nang bilhin ng oras na un. kaso, di ko ginawa. kasi naman..

nagbukas ulit ako ng browser at nagpunta sa apple.com. gusto ko rin kasi ng MacBook. simula pa ata nung nagisip akong bumili ng laptop last year eh gusto ko na ng MacBook. sa tuwing mapupunta ako sa Apple Store dito sa malapit sa amin, lagi akong nagpupunta dun sa mga laptops. waaa, ang ganda kasi. ganda ng itsura. hehe. basta. infatuated nga siguro ako sa itsura ng MacBook, pero sino ba namang di magkakagusto dito?

MacBookapple.JPG

 

kaso, iba kasi ang interface ng Mac. iba ang OS. iba lahat. sabi nga ng bestfriend ko, adjustment lang talaga. kaya ko naman sigurong intindihin un noh? hehe. baka ma-bobo ako dun.

$1,099.00 – $1,499.00 ang presyo. halos ka-presyo lang din sya nung gusto kong laptop sa Dell. ang hirap nga lang, wala akong account sa Apple. di ko naman kayang maglabas ng $1,500 ng ganon na lang. hmm, pwede ata akong magapply ng credit sa kanila. sana lang ma-approve ako.

Mac or PC? naalala ko tuloy ung mga commercials ng Apple, na laging talo ung PC. ano nga ba ang mas maganda?  ano nga ba ang gusto ko? di ko rin alam. kahit ano siguro. hehe. basta meron akong magamit na computer pagbalik ko dito galing Pinas.

ate, ung MacBook na lang bilhin mo.
bakit naman?
la lang, para iba lang.

nga naman. para iba lang. hainaku talaga. di ko alam. lahat na lang prinoblema ko. hehe.

ano nga bang mas OK? Mac o PC? para sayo ano? ^_^

haaaay.

Posted almost 4 years ago emo daw, so random

di ko alam kung bat ako biglang nalungkot. simula pa kagabi ito eh. wala naman talagang dahilan.
hainaku, topak na naman ito.

i need a break.
maybe a loooong break.

wag na lang sana.

Posted almost 4 years ago emo daw, writings

nanaginip ako. at tungkol sayo un.
pero sana..

sana hanggang panaginip lang ito.

isang ordinaryong araw. nasa mall daw ako, sa Mega. naka-puting t-shirt ako’t naka-maong na palda. tanghaling tapat sa labas kaya naman napakadaming tao sa loob ng mall. di matanggal ang ngiti sa aking labi dahil nakapunta ulit ako ng Mega. 2 taon na rin pala ang lumipas. madami na rin ang nagbago. para akong batang tuwang-tuwa sa nakita ko sa aking paligid.

nasa tapat ako ng Powerbooks. gusto kong pumasok sa loob, pero di ko ginawa. iniintay ko rin kasi ung mga barkada ko na malapit na ang lunch break sa trabaho. ilang minuto na lang ay makikita ko na sila ulit. miss na miss ko na ang mga kaibigan ko. miss ko na ang daldalan, ang mga kwento. nakatayo lamang ako sa gilid ng powerbooks at pinagmamasdan ang mga taong dumadaan. ilang beses ko na ring tinitingnan ang aking celphone baka kasi tumatawag na ung barkada ko. 1:30pm, sabi sa orasan ng celphone ko. antagal nila.

di ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan. habang nakatayo kasi ako’t naghihintay, may nakita akong pamilyar na mukha. kahit sa malayo pa lang ay alam ko nang sya nga un. ang kanyang tindig, kanyang paglakad. positibo, sya nga iyon. ngayon ko naisip na sana pala eh sa loob na lang ako ng powerbooks naghintay. sana andun na lang ako sa loob para di ko sya nakita. para di ko sila nakita. sya at ung gf nya.

gusto kong pumasok sa loob ng bookstore pero huli na ang lahat. nakita nya na ako, nakita ko sa mga mata nya ang pagkabigla. di nya rin siguro inaasahang makikita nya ako dun. natigilan sya sa paglakad, di ko na alam kung anong susunod nyang gagawin. nagring ung celphone ko.

nagising na ako.

ayoko. ayokong mangyari un. ayoko nang makita ka. oo nga’t nakalimutan na kita, pero di ko pa rin alam kung anong pwedeng mangyari kapag nakita kitang muli.

wag na lang sanang magkrus muli ang mga landas natin. wag na sana.

Wala diyan, nasa likod na yung akin.

Posted almost 4 years ago Uncategorized

2005. Sabado ng hapon. Walang pasok pero lumuwas ako para samahan pauwi ang kaklase ko na unang beses napunta sa aking iskul. Sinundo ko ata siya, yun ata ang tawag dun.

May pinanood kasi silang isang dance performance sa may University Theater, home of the Miss Earth Beauty Pageant at ng STI at AMA Graduation. Ewan ko lang kung bakit ang layo pa ng naging venue ng kanilang event, e ang layo nito mula Taft. Alas tres ang tapos pero pumunta ako doon ng bandang alas-dos, excited kasi. Maaga pa nuon kaya umupo muna ako sa isa sa mga bench sa acad oval, sa may tapat ng Carillon, at naghintay.

Hindi mapagkakamalang may kakaiba sa araw na iyon sa loob ng UP sa tapat ng theater. Nakahilera kasi sa magkabilang panig ng kalsada sa harap nito ang hindi mabilang na kotse, magaganda, magagara, makikintab. May blue, black, yellow, red, white, green. Kakaiba. Kakaiba dahil ngayon lang ako nakakita ng ganuon karaming kotse na sama-sama sa iisang lugar… sa loob ng UP. Nakapagtataka talaga.

Meron ngang dumaan na magsyota na nagjojogging ‘tas biglang lumakad na lang sila nung nasa tapat na nitong eksena. At narinig ko silang pinag-uusapan kung ano nga kaya ang meron. Alam ko, kasi nang tumapat sila sa akin ay tinanong ako nung lalaki kung anu nga bang meron. Sabi ko naman,

Ano, dance ewan… Wala, mga taga-La Salle yan.

Parang naging susi ang aking nabanggit sa pinto patungo sa kalinawagan sa kanilang pag-uusap. Napa-”aaaah” na lang yung lalaki. Nga naman, kaya pala. E mga taga-LaSalle kaya ganyan karami ang mga kotse, na nadaig pa ang dami ng mga dahong nakakalat sa kalsada.

Nakaupo pa rin ako sa may bench nang makita ko sa may malayo ang isang UP police na sakay sa isang mobile patrol motocycle at habang iniisa-isa ang mga kotse. Nuong una’y hindi ko mawari ang kanyang ginagawa ngunit ng malapit-lapit na siya’y nakita ko na ang kanyang sadya. May sinusulat siya sa isang may kulay na papel at pagkatapos ay iniipit ito sa may windshield wiper ng mga kotse. Isinisilid pa nga niya ito sa plastic para hindi mabasa. No parking tickets.

Ang laki-laki naman kasi ng parking lot sa likod. E dito pa sila lahat humilera.

Narinig kong sinabi ng isang lalaking nagbibisikleta na huminto malapit sa akin. Kinausap niya ang pulis na nakarating na halos sa tapat ng aking kinauupuan. Hindi raw ba nila nakita ang mga No Parking signs na nakakabit sa lahat ng poste? O talagang gusto lang nila ibalandra ang marami nilang kotse. E malaki naman daw ang parking lot sa likod. Siguro’y hindi lang nila alam o tinamad lang sila sabi niya.

Ako nama’y walang kaimik-imik na nakaupo at nakikinig sa kanilang pag-uusap. nang bigla na lang niya akong pinagbalingan ng atensyon at ako nama’y nagulat sa kanyang itinanong,

Ikaw, baka meron kang isa dito? Ilipat mo na habang di pa natitiketan.

Nakakabigla. Ako, may kotse??? I wish. E wala nga akong laptop o matinong pc man lang, hindi nagtataxi, at pati dalawam-pisong discount sa pamasahe e nakikipag-giyera para makuha. ‘Tas magkakaroon ako ng kotse bigla? Hmmm, bakit nga naman ba hinde. Kayat dahil lang nga sa aking mabilis na reflexes ay isinaagot ko sa kaniya ang title ng post na ito,

Wala diyan, nasa likod na yung akin.

Natawa ang mga magulang ko nang ikinuwento ko sa kanila ito pagkauwi ko. Bakit ba, hindi naman niya malalaman. Gusto mo idescribe ko pa e, hehe.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.