instructions: blog about 10 weird/random facts/habits/goals about myself. at the end choose 10 people to be tagged, listing their names and WHY you chose them.
last month pa ito ti-nag sa akin ni yods, at ngayon ko pa lang gagawin. message to yods: sensya na kung antagal ha. bc-bchan ever kasi. ^_^
sampung bagay tungkol sa akin. nuninuninuni. mahaba-habang pagiisip ito, buti na lang walang magawa dito sa trabaho. hmmmm.. here goes…
1. music lover na ako since birth. kahit anong genre pwede kong pakinggan, mula rock, pop, alternative, r&b, christian music hanggang cheesy love songs. syempre, depende sa mood kung anong pakikinggan ko. nang mapunta ako dito sa San Antonio, na-appreciate ko na rin ang country music. akala ko kasi noong una kapag country music eh mala-Old MacDonald had a farm eieio lahat ng kanta. hehe, mali ako.
2. certified bookworm. paborito kong author sina sir Bob Ong, Nicholas Sparks, Mitch Albom and Jerry Spinelli. mahilig nga akong magbasa ng libro, pero madalas eh panay love stories ang nababasa ko. mahilig din akong magbasa ng mga self-help books pero wala pa ring naitutulong sa akin ang mga iyon hanggang ngayon. hehe. manga, inspirational books, comics, lahat yan nababasa ko.. pwede nga akong mabuhay lang sa loob ng bookstore at library eh. ayoko lang basahin ung mga sci-fi saka suspense. matatakutin kasi ako.
3. crush ko si Vhong Navarro. hahaha. oo, pramis. ewan, basta ang cute nyang tingnan. kaya lang naman ako nanonood ng ASAP eh dahil sa kanya. gustong-gusto ko kapag sumasayaw sya. galing-galing. kaka-inlab. makita ko lang sya, napapangiti na ako. kwela pa.. haay Vhong.. ^_^ pero kahit na crushness ko sya, ni isang episode ng Lastikman, hindi ko pinanood. crush ko lang siguro sya kapag sumasayaw na.
4. paboritong movie ko? ‘The Wedding Singer’ – Adam Sandler and Drew Barrymore. kahit na ilang beses ko nang napanood un, lagi pa rin akong naiiyak. lalo na dun sa part na nasa eroplano na sila. ung kinantahan ni Adam si Drew ng Grow old with you. waaaaa.. pag-ibig nga naman. ‘i just always envision the right one being someone i can see myself growing old with.’ – Drew Barrymore. i’ve memorized that line by heart.
5. iyakin. oo, iyakin ako. kahit na nanonood lang ako ng TV, basta touching ung kwento, di ko mapigilang hindi maiyak. madalas akong asarin ng mga kapatid ko dahil dun. umiiyak din ako kapag sobrang asar na ako. ung tipong wala akong magawa kaya iiiyak ko na lang. di ako umiiyak dahil sa naaawa ako sa sarili ko, siguro its my way of releasing pain and anger. naranasan ko na ngang magmura habang umiiyak. o diba, tumutulo na ang luha ko, nagagawa ko pang sabihing ‘t*ngna mo’..
6. madaling akong mainlove. pero mahirap makalimot. kung lagi kang napapadpad dito sa blog ko, malamang madami ka nang nabasang mga love istories. karamihan dun eh mga nangyari sa totoong buhay. iba’t-ibang lalake, iba’t-ibang mukha ng pag-ibig. ilang beses na rin akong masaktan. kaya rin siguro ako madaling masaktan eh dahil sa madali akong mapapaniwala. pero iba na ngayon, natuto na ako. :) i still continue loving pero i keep some for myself. i just don’t give it all. sa ngayon, masaya ako. ^_^ and i hope na sya na nga talaga. kasi sya na ang gusto ko.
7. love my black nails. yup, i paint my nails black. =) nagsimula yun, last year. badtrip ako nung araw na un. kaya napagtripan kong bumili ng itim na nail polish. ayos naman, di naman maduming tingnan kahit na itim. sa tuwing badtrip ako, laging itim ang kuko ko. hehehe. pero ngayon, kahit hindi ako badtrip, itim pa rin ang kuko ko. nasanay na rin kasi. nakita un ng pinsan ko, tinanong ako kung emo daw ba ako. haha. oo emo. lol
8. kaya ko ng walang tulog for 24 hours. minsan, more than pa nga. adik. panggabi kasi ako sa trabaho. 12mn-9am ang pasok ko. at kapag wala akong pasok kinagabihan, madalas, di ako natutulog maghapon. anong ginagawa ko? online lang ako maghapon o di kaya sumasama sa gala ng mga tita ko. pagdating ng gabi, para akong naka-drugs sa sobrang sakit ng ulo.
9. ate karmi? nung magsimula akong magblog, ako pa ung tumatawag ng ate at kuya sa mga ka-blag ko. ngayon, ako na ang tinatawag na ate. gudlak, feeling ko tuloy ang tanda ko na. ok na rin naman sa akin na may tumatawag na ate. nasanay na rin. =)
10. problema ko daw ung pagiging sobrang mabait. di ko kasi kayang magtaray, tapang-bahay nga lang daw ako. hehe, sa bahay lang ako nakakapagsungit. minsan nga di pa epektib ang pagsusungit ko. ayoko rin kasi ng away, kaya rin siguro nananahimik lang ako. disadvantage ng pagiging mabait? madami. isa na ang ma-take for granted ka.
hala. ang haba. =) masyado akong naaliw dito. hehe.. salamat sa tag, yods. kanino ko ipapasa? kahit kanino na lang na gusto gumawa nitong tag. ^_^