9 months ago by karmi ang pangit sa pakiramdam ung alam mong may tampo o galit sayo ang isang tao pero di mo naman alam kung bakit. ang hirap, dahil hindi ako manghuhula para malaman ko kung ano man ang iniisip ng iba. pero di ako manhid para di ako makaramdam.
nakakalokang magisip. apektado ako. alam kong di dapat pero may pinagsamahan kasi tayo. tapos bigla na lang ganito? may tampo ka pala? san nanggaling un?
gusto kitang kausapin, pero sabi mo di mo pa kaya. ganon na lang ba kalalim ang tampo mo? ano ba kasing nagawa ko sayo? sana sabihin mo na. para kung kasalanan ko talaga, ma-explain ko naman ung side ko.
gusto kong mainis sayo. gustong-gusto. pero di ko magawa.
bahala ka na. sabi mo, darating din ung oras na magiging ready ka nang kausapin ako. sana lang di ako mapagod maghintay.