instructions: blog about 10 weird/random facts/habits/goals about myself. at the end choose 10 people to be tagged, listing their names and WHY you chose them.
last month pa ito ti-nag sa akin ni yods, at ngayon ko pa lang gagawin. message to yods: sensya na kung antagal ha. bc-bchan ever kasi. ^_^
sampung bagay tungkol sa akin. nuninuninuni. mahaba-habang pagiisip ito, buti na lang walang magawa dito sa trabaho. hmmmm.. here goes…
1. music lover na ako since birth. kahit anong genre pwede kong pakinggan, mula rock, pop, alternative, r&b, christian music hanggang cheesy love songs. syempre, depende sa mood kung anong pakikinggan ko. nang mapunta ako dito sa San Antonio, na-appreciate ko na rin ang country music. akala ko kasi noong una kapag country music eh mala-Old MacDonald had a farm eieio lahat ng kanta. hehe, mali ako.
2. certified bookworm. paborito kong author sina sir Bob Ong, Nicholas Sparks, Mitch Albom and Jerry Spinelli. mahilig nga akong magbasa ng libro, pero madalas eh panay love stories ang nababasa ko. mahilig din akong magbasa ng mga self-help books pero wala pa ring naitutulong sa akin ang mga iyon hanggang ngayon. hehe. manga, inspirational books, comics, lahat yan nababasa ko.. pwede nga akong mabuhay lang sa loob ng bookstore at library eh. ayoko lang basahin ung mga sci-fi saka suspense. matatakutin kasi ako.
3. crush ko si Vhong Navarro. hahaha. oo, pramis. ewan, basta ang cute nyang tingnan. kaya lang naman ako nanonood ng ASAP eh dahil sa kanya. gustong-gusto ko kapag sumasayaw sya. galing-galing. kaka-inlab. makita ko lang sya, napapangiti na ako. kwela pa.. haay Vhong.. ^_^ pero kahit na crushness ko sya, ni isang episode ng Lastikman, hindi ko pinanood. crush ko lang siguro sya kapag sumasayaw na.
4. paboritong movie ko? ‘The Wedding Singer’ – Adam Sandler and Drew Barrymore. kahit na ilang beses ko nang napanood un, lagi pa rin akong naiiyak. lalo na dun sa part na nasa eroplano na sila. ung kinantahan ni Adam si Drew ng Grow old with you. waaaaa.. pag-ibig nga naman. ‘i just always envision the right one being someone i can see myself growing old with.’ – Drew Barrymore. i’ve memorized that line by heart.
5. iyakin. oo, iyakin ako. kahit na nanonood lang ako ng TV, basta touching ung kwento, di ko mapigilang hindi maiyak. madalas akong asarin ng mga kapatid ko dahil dun. umiiyak din ako kapag sobrang asar na ako. ung tipong wala akong magawa kaya iiiyak ko na lang. di ako umiiyak dahil sa naaawa ako sa sarili ko, siguro its my way of releasing pain and anger. naranasan ko na ngang magmura habang umiiyak. o diba, tumutulo na ang luha ko, nagagawa ko pang sabihing ‘t*ngna mo’..
6. madaling akong mainlove. pero mahirap makalimot. kung lagi kang napapadpad dito sa blog ko, malamang madami ka nang nabasang mga love istories. karamihan dun eh mga nangyari sa totoong buhay. iba’t-ibang lalake, iba’t-ibang mukha ng pag-ibig. ilang beses na rin akong masaktan. kaya rin siguro ako madaling masaktan eh dahil sa madali akong mapapaniwala. pero iba na ngayon, natuto na ako. :) i still continue loving pero i keep some for myself. i just don’t give it all. sa ngayon, masaya ako. ^_^ and i hope na sya na nga talaga. kasi sya na ang gusto ko.
7. love my black nails. yup, i paint my nails black. =) nagsimula yun, last year. badtrip ako nung araw na un. kaya napagtripan kong bumili ng itim na nail polish. ayos naman, di naman maduming tingnan kahit na itim. sa tuwing badtrip ako, laging itim ang kuko ko. hehehe. pero ngayon, kahit hindi ako badtrip, itim pa rin ang kuko ko. nasanay na rin kasi. nakita un ng pinsan ko, tinanong ako kung emo daw ba ako. haha. oo emo. lol
8. kaya ko ng walang tulog for 24 hours. minsan, more than pa nga. adik. panggabi kasi ako sa trabaho. 12mn-9am ang pasok ko. at kapag wala akong pasok kinagabihan, madalas, di ako natutulog maghapon. anong ginagawa ko? online lang ako maghapon o di kaya sumasama sa gala ng mga tita ko. pagdating ng gabi, para akong naka-drugs sa sobrang sakit ng ulo.
9. ate karmi? nung magsimula akong magblog, ako pa ung tumatawag ng ate at kuya sa mga ka-blag ko. ngayon, ako na ang tinatawag na ate. gudlak, feeling ko tuloy ang tanda ko na. ok na rin naman sa akin na may tumatawag na ate. nasanay na rin. =)
10. problema ko daw ung pagiging sobrang mabait. di ko kasi kayang magtaray, tapang-bahay nga lang daw ako. hehe, sa bahay lang ako nakakapagsungit. minsan nga di pa epektib ang pagsusungit ko. ayoko rin kasi ng away, kaya rin siguro nananahimik lang ako. disadvantage ng pagiging mabait? madami. isa na ang ma-take for granted ka.
hala. ang haba. =) masyado akong naaliw dito. hehe.. salamat sa tag, yods. kanino ko ipapasa? kahit kanino na lang na gusto gumawa nitong tag. ^_^













ate karmi ko! ahaha. wag naman sanang magalit mga kapatid mo sakin at inaangkin kita. lol. ayun. pareho tayo, bookworm din ako at si Nicholas Sparks ang pnkagsto kong author. :D hehe.
gena ate! mauna na ako ah! hehe. basta, babalikan kita. maguupdate pa rin ako sa idlip. pero puro private na talaga lahat. :D lahbyuh ate! ;)
====
noime ko! hahah.. :P
hay naku, di ata magagalit ung mga un sau.. matutuwa pa nga. lol.. at oo, pareho taung gusto si Nicholas Sparks.. :D
magblog ka pa rin ha!!! ^_^ mwah!
haha. hi ATE KARMI. :P bookworm din ako! ok ba si jerry spinelli? anu-ano ba mga libro niya. di ko kasi siya kilala. nagbabasa ka ba ng harry potter? pramis, ang saya! :D
nakyu-kyutan din ako kay vhong pero sige na, sayo na yun. haha. sayang, di ko pa napapanood ang the wedding singer. tsk.
====
eumi-lot, akin na si vhong! hahaha.. hmm, cge share na lang tau. =)
oo, ok si jerry spinelli.. sya ung author ng stargirl.. galing.. ^_^
harry potter? hehehe, ung first book pa lang nababasa ko.. maganda nga daw kaya lang ang kakapal kasi ng mga libro nya.. hhaha, tamad akong magbasa kapag ganon kahaba.. =)
1.aba.. mukhang may component ata sa kuna mo nung bata ka.
2.naku nagbabsa rin ako ng bob ong apir tayo girl..
3.di ko sya crush.. gusto ko lng sya sumyaw
4.ay kakailig tlga yang movineg yan.. aww
5.apir ulit tyo.. iyakin rin ako pag nanaunuod
6.naku girl katakot ka pla.. dami mo n cgurong nging bf???
7.emo ka b?
8.dati gawain ko yan kso ngayon.. anemic na ako kya.. cannot be na..
9.naku.. okey lng yan girl at list angdami mo ng kapatid
10.apir ulit tyo dyan girl mabait rin ako… heheheh.lol
girl ayan hinimay-himay ko pa isa-isa ha… grabe ang ganda na ng bhay mo.. at kabog ang picture mo dito.. ang tarush
====
salamat sa paghimay-himay. hehe.. ^_^
madami akong naging bf? di naman.. assuming lang ata talaga ako.. hehe..
emo? oo, emo ata ako. lol
naks, kabog ka dyan. hahaha.. ^_^
hahah. da best! :D yun lang :P
====
the best.. hehehe.. alin? lol
parehas tayo sa 1 at 5. lol. comments off sa taas eh. hehe. bakit? anong nangyari ever? lol. gusto mo pala si vhong. haha. ako natatawa lang ako sa kanya. hehe
====
hehe, oo crushness ever ko si vhong.. ^_^
ung about sa taas. la lang un.. hehehe, drama ever.. :)
1. music is life…tama tama hehehe
2. hindi ako bookworm. hahaha. pero nabasa ko na ilang libro ni bob ong. aun. hahaha
3.parehas tau. kras ko din si vhong. ankyut nia pag sumasayaw
4.di ko alam yan hehe
5.iyakin din ako. kaya nakakahiya manood ng drama ag kasama kapatid ko hahaha baka asarin lang ako
6. madali din ako mainlove, madali din ako mafall-out of love :)
7. buti ka pa. ako kahit clear na nail polish di ko mailagay. bawal eh hehehe
8. ako nakaya ko 48 hrs straight pero may cat nap in between mga 5mins cguro haha
9. ou nga ate nga unang tawag ko sau pero now hindi na…parang kasing age lang kasi kita hehehe
10. maraming nababaitan skin eh hindi naman. hahaha kaw karmi mabait ka talaga hehehe muwah :-*
bakit comments off sa taas??karmi anu un…care to share??
====
oo nga, wag mo na akong tatawaging ate! hehehe, di rin ako papayag. :P
hmmm, ala lang yan, kadramahan ever.. hehehe.. ok na po ako.. salamat.. :D
salamat sa paggawa nitong tag karmi. enjoy ako basahin mga sinulat mo. at least mas madami pa kami uli nalaman tungkol sa yo. favorite ko din yung wedding singer. dalawang eksena dun ang gusto ko, yung andun sila sa eroplano sa ending tsaka yung part na kumanta yung lola ng to the hip, to the hop. basta yung may sayaw pa. kaaliw yun. hehe.
para sa post mo sa taas na naka-off ang comments. “CHEER UP AND JUST SMILE!” :)
====
hehe, kakahiya nga, after 1 month ko na nagawa.. :)
hehe, ang kyut nung lola dun.. kulit! talagang rap kung rap.. ^_^
salamat ulit yods.. :)
haha naksss c vhong pla ah! haha
but vhong is cute – - have a nice smile and most of all
funnY! hahaha dba dba dba!
====
naman! me love him! hahaha..
> Music lover ako since 2nd year highschool, hehe=) Una kong component e yung sa Jabi na may retractable single earpiece, kulay red.
> Bookworm ako pero hindi sa fiction. Salamat talaga kay Bob Ong:D
> Hindi ko crush si Vhong Navarro, ayoko ng payat e, hehe. Pero gusto ko yung marunong sumayaw:D There is this one girl, may video pa siya na sumasayaw, nilagay ko talaga sa phone ko, hehe, adik.
> Wedding singer? Hindi ko alam yun e, pero napanood ko yung 50 First Dates sa bus nung isang araw, ok yung concept, nakakatuwa. Di ko nga lang natapos, bumaba na ako e.
> Iyakin ako nung bata;_;
> Madaling mainlove? Hmmmm, sana.. ano. sana :)
> Nagulat nga ako sa nails mo dati, nung pinatest mo yung cam mo, hehe. Ok yan, emo.
> E natry mo na bang 24 hours tulog? Grabe, di kinaya ng biogesic ang sakit ang ulo ko. Hehe, joke lang ‘to, di ko kaya yun.
> Buti na lang hindi kita naging ate, hehe.
> Naku, sa bahay lang nagsusungit. Paano pa kaya yung phrase na “feel at home”? Hehe:) Hindi kita ite-take for granted *yakap*
====
ok, san ba ako magsisimula? hehe. ^_^
oo, sobrang salamat kay bob ong, kasi pinakilala nya ang isang taong nagpapasaya sa akin ngyon. :) sino naman yang babaeng yan? hehehe, adik nga. itim na ba ung nail polish ko nun? hehehe.. di ko na naalala.. di mo talaga ako ate, ayoko.. hahah..
salamat kung di mo ko ite-take for granted. ^_^
hi karmi, friend ko si lalaine..lagi akong nagbabasa ng mga articles mo dati nung wala pa akong blog at naaliw ako sa mga kwento mo..ginawan ako ni lalaine ng blog kaya pwede n akong mag comment sau..minsan naman dalaw k sa bahay ko…e2 ung site ko..www.riotooth.blogspot.com o kaya diary of a dentist..favor din po pala pwede po ba p share ng tag na yan..para may malagay din po ako sa blog ko..thanks..hope u can visit me..tc =)
====
hi ate rio. ^_^ sure, pwede nyo pong gawin tong tag.. salamat po sa laging pagdaan dito sa blog.. :)
welcome to the blogging world.. ^_^
ak okaya ko tatlong araw na walang tulog,, haha talo kita :P
====
ahaha.. talo mo nga ako. :P