March 1.
ate, ilan na views mo?
ewan ko, teka, check ko.
…1 profile view daw.
haha. isa pa lang? loser.
eh ikaw ba?
1 lang din bakit?
haha mas loser.tanungin mo si kuya carlo kung ilang views na sya.
kuya carlo…
naging contest na sa aming magkakapatid kung ilang ang profile views namin sa friendster. paramihan, na madalas eh ako ang panalo. minsan nga, di na nila ako tinatanong.
Last month.
kuya, ilan na views mo sa friendster?
107. ikaw?
hater. 89 pa lang.ako, 140 views na.
*sabay pa sila* don’t care.
di ko na maalala kung kelan nagsimula yan. basta bigla na lang nagpaparamihan kami ng views. mas marami ibig sabihin mas pinupuntahan ng tao ung friendster profile. may friendster profile din tatay ko, at minsan syang sumabat sa paguusap namin.
kaya dumarami ung mga views nyo kasi lagi kayong naglalagay ng pictures. malamang bibisitahin un.
may point nga naman ang tatay ko. sa tuwing may bago akong update eh mejo madami-daming tao ang naliligaw sa page ko. bihira na nga rin akong magbukas ng friendster eh, kapag may new message o kaya comment, na lang saka ko nabubuksan ung account ko. o kaya kung trip kong maglagay ng bagong picture, baguhin ung nasa shoutout ko, o kaya nama’y palitan ang music na nasa page ko. matagal-tagal na rin akong di nakakapagadd ng friends. hmm, mga last week ata ung huli. hehe.
nasusukat ba sa dami ng views mo kung kilala ka? mas madaming views ibig sabihin mas sikat ka? o marami lang talagang tao ang walang magawa kaya napapadpad sa profile ko? hmmm.. madaming pwedeng dahilan. at kung ano man ang dahilan nila….
teka, ilang views na ba ako?
… kung ano man ung dahilan nila, salamat sa kanila dahil parati akong nananalo laban sa mga kapatid ko. :D
ikaw, ilan na friendster profile views mo?












