who’s viewed me?

Post Info 9 months ago by karmi

March 1.

ate, ilan na views mo?
ewan ko, teka, check ko.

1 profile view daw.

haha. isa pa lang? loser.
eh ikaw ba?
1 lang din bakit?
haha mas loser.

tanungin mo si kuya carlo kung ilang views na sya.

kuya carlo…

naging contest na sa aming magkakapatid kung ilang ang profile views namin sa friendster. paramihan, na madalas eh ako ang panalo. minsan nga, di na nila ako tinatanong.

Last month.

kuya, ilan na views mo sa friendster?
107. ikaw?
hater. 89 pa lang.

ako, 140 views na.
*sabay pa sila* don’t care.

di ko na maalala kung kelan nagsimula yan. basta bigla na lang nagpaparamihan kami ng views. mas marami ibig sabihin mas pinupuntahan ng tao ung friendster profile. may friendster profile din tatay ko, at minsan syang sumabat sa paguusap namin.

kaya dumarami ung mga views nyo kasi lagi kayong naglalagay ng pictures. malamang bibisitahin un.

may point nga naman ang tatay ko. sa tuwing may bago akong update eh mejo madami-daming tao ang naliligaw sa page ko. bihira na nga rin akong magbukas ng friendster eh, kapag may new message o kaya comment, na lang saka ko nabubuksan ung account ko. o kaya kung trip kong maglagay ng bagong picture, baguhin ung nasa shoutout ko, o kaya nama’y palitan ang music na nasa page ko. matagal-tagal na rin akong di nakakapagadd ng friends. hmm, mga last week ata ung huli. hehe.

nasusukat ba sa dami ng views mo kung kilala ka? mas madaming views ibig sabihin mas sikat ka? o marami lang talagang tao ang walang magawa kaya napapadpad sa profile ko? hmmm.. madaming pwedeng dahilan. at kung ano man ang dahilan nila….

teka, ilang views na ba ako?

… kung ano man ung dahilan nila, salamat sa kanila dahil parati akong nananalo laban sa mga kapatid ko. :D

ikaw, ilan na friendster profile views mo?

http://www.friendster.com/karmi

Post a Response Comment icon Posted March 6th, 2008 at 1:27 pm

17 Responses to “ who’s viewed me? ”

  1. noime

    HAHAHA. talagang tinignan ko pa yung FS ko para makita ko kung ilang views na. :P

    120 times since 3/1/2008 ang nakalagay. Di na siguro masama. Ahaha. kasama ka rin dun sa mga nagview sken .hehe. labyu te! :D

    ====

    hahaha. lalo pa lang magagalit sayo ung mga kapatid ko.. :P
    susme, 60 views pa nga lang ako eh.. hehehe

    love you too noi! mwah!

  2. rHo
    rHo

    lolz! talo kita… hahahaha! minsan nakaka-300 views ako pero titingan ko yung face sila-sila pa rin! di kaya may bug na rin to gaya ng sa celfon mo?? hehehe!

    e teka… pag-uwi ko pala mamayang hapon sa bahay titingnan ko kung ilang views meron ako! (hahaha! adik ah!) alam mo naman… blocked dito yan! nyahahha!

    ====

    hahaha. adik. :P buti ka pa 300 views.. ang dami.. :D oo nga, sila-sila pa rin, ewan ko ba kay mr. friendster..

    malamang, blocked talaga yan ganda.. back to work na! hahaha..

  3. abou

    hay naku loser talaga ako…. 30 profile views pa lang daw. since 03/01/08. i delete ko na lang kaya to?

    ====

    nu kaba, di ka loser noh. :)
    add kita.. ^_^

  4. irzh

    ako medyo madami rin nagviview sa akin 427 Profile views: 3/1/2008

    ====

    grabe, ang dami nga ganda.. :D

  5. komski kuno

    36 lang ang akin. mga dalawa ata per day, pero yung isa dun e regular nang nagviview sa profile ko, hehe:D

    ====

    siguro may crush sayo ung nagvi-view ng profile mo lagi.. adik. hehe.. ^_^

  6. vanny

    sis!! ^_^

    nakahanap din ako ng magandang proxy na pwdeng gamitin d2 sa office. hehe..

    hmmm.. ilan na nga ba views ko? ewan.. di na ako nag oopen ng frndster ko eh. haha. lazyVanny. ^^,

    ====

    yehey! so makakapagblog ka na? :D

    hahaha, oo nga, di mo na chine-check ung friendster mo.. :P lazy vanny!! hehe..

  7. rio
    rio

    huhuhu!! kung sakali palang sasali ako ako ang pinaka kulelat!! 21 palang nag view sa akin..wala naman kasi kwenta fs ko e…

    Karmi, thank u sa pagdalaw mo sa bahay ko at pag leave ng comment=)

    ====

    wala un ate rio. :) salamat din sa laging pagbisita dito.. ^_^

  8. janelle

    ayyy adik :P paramihan daw ba ng page views :)

    may friendster ako pero kahit kelan hindi ako na-adik dyan :( wala nga akong care kung may nakakaalam ba na nasa friendster ako eh :D wahaha XD

    ====

    hehehe. oo nga eh mga adik. lol

  9. dakilangtambay

    ilan na ba akin? haha.. as of march 1, nasa 169 na view na ung akin.. adik kasi ako sa friendster.. hihi..

    ====

    hahaha, madaming gusto makita ung pics mo mia.. :D

  10. Chezka

    127 sa akin as of mar.1 :P

    ang adik huh? paramihan daw ba ng ng views? :P

    ====

    hehehe, parang paramihan na nga ang nangyayari ngayon.. ^_^

  11. Holy Kamote

    may friend akong 20,000 profile views ang average niya per month. 1,500+ din ang contacts niya. hahahaha. mga adik sa prengster.

    ====

    haha. grabe naman ung friend mo. adik nga sa friendster…

  12. kingdaddyrich

    naku.. parang wala akong maalala na naging ganyan ang number of profile views ko.. wala naman kasing wenta ang prenster ko. ni hindi ko nga inaapdeyt yun eh.

    ====

    ganon ba? hehe, sayang naman.. ia-add pa naman kita.. :D

  13. jhoana

    huh! ako 42 palang! add mo naman ako!=)

    ====

    ano ba e-add mo ganda? :)

  14. shane

    hahaha… ou nga naman… pag-upload lagi ng pix dami magview..

    ====

    oo nga. :) laging may update eh.. ^_^

  15. lalaine

    waaahh.. ang dadami naman nyong views… hahaha.. ako nde ko pa chine-check :D yoko na malaman pa at malamang na talo din ako. hahaha

    ====

    hehe, o nga ate, ang dami ng views nila. :D

  16. yeye

    pinakaloser pla ako
    26 views lang since march 1
    hehehe
    keberkulosis. hahaha

    c ano lang ata nagvview skin tol..ehehehe

    ====

    keberkulosis. hahaha..

    ay, lovelife ang nagvi-view.. lol

  17. randomdemeanor

    wui..nag message ako sayu sa pwenster…hehehe..
    wla na ring kwenta pwenster ko..
    once a month nalng ako naga-update at kung mag-update man, wla kwentang update rin…hhehehe..wawa talga pwenster ko..

    ====

    ayan, friendsters na rin tayo!! :D

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.