panatik.

Posted almost 4 years ago LSS, starstruck

sis: ano balita?
sis: sis out na new album ni yeng
karmi: oo nga sis!

Yeng Constantino - Journey

sa wakas. naglabas na rin ng second album si mama Yeng! :D oo, Yeng fanatic na talaga ako noon pa. mula pa lang nung nasa loob sya ng Academy hanggang ngayon. galing-galing. sobra. haay.. ah basta, Yeng rocks! ^_^

30 mins. na lang papasok na ako, pero dahil sa gusto ko na talagang mapakinggan ung album nya, ginalugad ko ang buong world wide web para lang makakuha ng mga kanta galing sa album nya. sa awa naman ni papa God, eh nakakuha naman ako.. yahoo!! ^_^ so happy.. :D ilang kanta pa lang ang napapakinggan ko, gusto ko na agad.. galing talaga ni yenggay.. ^_^

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

Ikaw Lang Talaga

yan ung bago nyang single..

Ikaw lang talaga
At wala ng iba
Kung hindi ipagsisigawan tila di mo malalaman
Di mo ba alam? O talagang manhid ka lang
Kaya hindi mo maintindihan
Ikaw lang talaga . . .

oo, ikaw lang talaga.. *yakap* ^_^

paguwi ko ng June, bibili talaga ako ng album ni Yeng! :D

BO

Posted almost 4 years ago Uncategorized

Walang klase, malawakang eleksyon kasi para sa student council at iba’t ibang clubs and organizations para sa susunod na taon. Walang tao sa loob ng classroom at dumating siya. Seatmates kami para sa huling quarter ng schoolyear, ok na ring pangwakas ng aking highschool life.

“Alam mo ba ito?”

May hawak siyang isang green na libro, na dalawang linggo ko na atang nakikitang pinagpapasa-pasahan ng aking mga kaklase. Hindi naman talaga ako palabasa ng libro kaya hindi ako naging interesado kung anu nga ba iyon. Meron pang isa, kulay dilaw na ewan ko ba kung nagjojoke ang mga nagbabasa, baligtad kasi.

Tinanong na rin niya ako kung kakilala ko si Bob Ong at sagot ko naman ay hinde. Dapat ata ay umoo na lang ako dahil hindi na niya itinuloy ang kanyang kwento dahil sa sagot ko. Umupo siya sa tabi ko at inaya akong makibasa sa kanya.

Bukas ang bintana at sa bawat pag-ihip ng hangi’y nalalanghap ako ang halimuyak ng kanyang mahabang buhok. Ang bango, sa kanya lang naging ganito kabango ang vaseline shampoo. Nakibasa ata ako ng kaunti ngunit mas makatuon ata ako sa mga daliri niyang nakahawak sa mga pahina nitong maliit na libro.

“Gutom na ko, bili lang ako ng pagkain ha. Dito ka lang, basa ka muna. Balik ako.”

Ewan ko ba kung bakit hindi ko siya sinamahang pumunta sa canteen, siguro’y tuliro pa ako’t nanaginip pang gising sa pag-iisip na siya’y muling magbabalik sa aking tabi.

Wala na siya, at hawak ko ang libro kaya sinumulan ko na talaga siyang basahin. Nakakatuwa’t nakakatawa ang kanyang mga kwento at swabe ang pagkakalahad sa bawat istorya, na parang isang palabas na walang patalastas.

Nagustuhan ko kaagad ang libro sa iilang linya pa lamang ng pagbabasa. Wala akong kaide-ideya na ito ang simula ng aking paglalakad sa landas patungo sa kanya.

Oo nga pala, hindi na niya ako binalikan.

 

Isang taon na ring akong nagbablog sa tabulas, at sa hindi ko na matandaang dahilan ay naisipan kong gumawa ng isang webservice (hindi pa uso ang salitang widget nuon), ngunit hindi ko alam kung paano. Hanggang sa nakita ko sa isa sa mga estante ng National Bookstore ang librong ito: Internet and World Wide Web How to Program.

Inaral ko kung paano magprogram for the web. At nabuo ang plano kong paglalagay ng daily Gospel readings sa mga blogs. Ngunit hindi ito naging madali dahil wala akong makitang formula kung paano nalalaman kung anong Gospel reading para sa isang specific na araw. Kaya’t napunta na lang ako sa Bible quotes, ang unang kategorya ng komski quotebox.

At bigla ko na lamang naaala ang isang librong naging paborito ko at alam kong marami ring tulad kong natawa’t nainspire sa mga linyang nakapaloob dito, ang ABNKKBSNPLaKo?!. At siyempre ay nabasa ko na dati pa ang faq ni bob ong kaya’t nagpaalam muna ako sa paggamit ng kanyang mga isinulat.

At 11:08 AM 8/5/2005 +0800, you wrote:
> From: arvin castro
> Date: Thu, 4 Aug 2005 18:55:54 -0700 (PDT)
> To: visprint@pacific.net.ph
> Subject: quote bob ong books
>
> pwede po bang kumuha ng mga limampung linya
> o higit pa mula sa mga libro ni bob ong?
> gagamitin ko po sana na random html sa aking website,
>
> may demo page po sa http://komski.blogista.com/quote
> para makita niyo ang guto kong mangyari,
> kung may oras kayo.
>
> ang mangyayari, pwede rin pong kopyahin
> ng ibang web authors ang code para
> maglagay ng ganung quotes sa kanilang webpages .
> sana naman ay ako’y payagan ninyo. ok lang po ba?
>
> o pwede akong makulong sa binabalak kong gawin?

magkakaroon ba ng sariling category button ang bob ong quotes? kung oo, okay lang. ang importante may acknowledgment. optionally, kung may space rin sana para sa maliit na note na “with permission” saan man sa website, mas ok para alam din ng iba na gagaya sayo ang gagawin nila. hindi legal issue yon, pero paggalang na rin yon sa mga trabaho ng writer. at sa pangkalahatan ikinakatuwa rin naman ng mga writer na makita ang trabaho nilang nagagamit ng iba. (basta’t hindi lang lalabag sa intellectual property law!)

suggestion lang, pwede mo bang dagdagan ng kahit tatlong segundo pa ang quotes? masyado kasing mabilis para mabasa yung iba. saludo ako sa pagtuturo mo ng script sa iba. ipagpatuloy mo lang yan, arvin! =>

-BO www.visprint.net

Oo, nakausap ko na si Bob Ong, hehe:D Nagawa ko na nga ang widget at inadvertise ko siya sa aking tabulas. Nag-ikot-ikot ako sa mga tagboards upang mang-ispam, all-out. Meron ngang mga nagalit, pero mas marami ang natuwa. At umabot sa 250+ ang nakagamit ng aking random quotes.

Wala akong kaide-ideya na nakilala ko na pala siya nang hindi ko man lang namamalayan.

 

Sabi ng aming instructor dati ay isa lang daw sa mga manunulat sa Filipino department ng Unibersidad ng Pilipinas ang nagtatago sa pangalang Bob Ong. Sino nga ba siya nang makapagpasalamat, dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi siguro ako ganito ngayon.

oo, sobrang salamat kay bob ong, kasi pinakilala nya ang isang taong nagpapasaya sa akin ngyon.

Siguro nga’y hindi lang si Bob Ong ang naging dahilan, panigurado’y marami pang iba, kundi man lahat ng mga nangyari sa buhay ko’y naging aking daan patungo sa kaniya, at sa aming pagkakakilala.

Sino siya?

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.