pilit mang abutin ang mga tala
basta sa akin wag kang mawawala
ako’y alipin mo kahit hindi batid
aaminin ko minsan ako’y manhid
sana ay iyong naririnig
sa ‘yong yakap ako’y nasasabik
gusto kong batuhin ung radyo eh. sa lahat naman ng mga patutugtuging kanta, yan pa ang napili ng DJ. madami tuloy akong naalala. mga nangyari noon na pilit ko nang kinakalimutan. akala ko rin nakalimutan ko na, pero heto ako ngayon at nagda-drama-dramahan na naman dahil lamang sa isang kanta.
nais ko sanang iparating
na ikaw lamang ang aking iibigin
ako lang ang iibigin eh bakit mo ako niloko? bakit mo ako pinaiyak? bakit ang dami ngayong pangakong di naman natupad? yan ba ang sinasabi mong ako lang ang iibigin mo? bulkrap pala un eh, kasi asan ka na? bigla ka na lang nawala at iniwan akong nagiisa.
hay naku, titigilan ko na nga ang pagiisip, baka ma-late pa ako sa lakad ko. ayoko namang paghintayin sya.
nakasakay na ako ng jeep nang maalala ko kung san ako patungo. sh*t na naman. bakit pa kasi dun ko pa sinabing magkita kami. lugar kasi natin un dati eh, lugar na kung san nagtapat ka ng pagmamahal mo sa akin. tapos ngayon babalik ako dun matapos lang ang ilang buwan. ayos naman na araw ito, bakit parang lahat na lang eh nagpapatungkol sayo? ikaw na gusto ko nang kalimutan. ikaw na gusto ko nang mabura ng tuluyan sa buhay ko. ikaw na.. ah ewan, wala na rin namang patutunguhan ito.
gusto ko lang namang maging masaya eh. gusto lang ng taong magaalaga sa akin. ung taong di lang mangangako, kundi gagawin talaga nya lahat ng sinasabi nya. akala ko noon nakilala ko na sya, pero nagkamali ako.
ano ba tong iniisip ko? nakaraan na naman, pano naman ba ako magiging masaya nito? haay, iiwas na lang muna ako sa mga kanta na makakapagpaalala sa kanya.
one missed call.
may tumawag pala, di ko tuloy narinig. sino kaya to?
ikaw pala.
ang hirap nang magtiwala ngayon, lalo na kapag ilang beses ka nang nasaktan at naloko. magingat ka na ngayon ha?
yan ang sabi ng kaibigan ko habang nagkukwento ako tungkol sayo. sinabi ko kasi na masaya ako ngayon at ikaw ang dahilan. sa tuwing naaalala kasi kita, di ko mapigilan ang ngiti. masaya ako sa tuwing nakakausap ka, masaya kapag paulit-ulit kong binabasa ang mga mensahe mo. minsan nga, di ko na maipaliwanag kung gaano ako kasaya. basta masaya un na un.
gusto kitang alagaan habambuhay.
sana nga mangyari. sana nga di mo ako iwan. dahil sa kakaunting panahon na nakilala kita, natutunan na kitang mahalin.
mama, para po.
naku, late na ata ako sa usapan natin. sensya na, trapik kasi. habang naglalakad ako, narinig ko ang boses ni Ebe Dancel, ang lakas kasi ng patugtog sa isang bahay.
Alaala ng lumuluhang kahapon
Dahan-dahan ko na ring kinakahon
Natagpuan ko na ang tunay kong ligaya
Lumabas ako ng kwarto’t naroon siya..
natigilan ako at di ko namalayang nagring ang telepono ko.
o bakit ka natigilan dyan?
huh? anong natigilan? pano mo nalaman?
tingin ka sa may tindahan.
hinanap ko ang tindahan at andun ka. napangiti na lang ako nang makita kang papalapit sa akin.
di ko na kailangang alalahanin ang nakaraan dahil andyan ka na. hindi na rin ako kayang saktan ng sino man dahil alam kong ipagtatanggol mo ako. di na ako kelangan malungkot pa, dahil sayo. ngayon, masasabi kong natagpuan ko na ang tunay kong ligaya.
at ikaw un.