ligaya

Post Info 8 months, 3 weeks ago by karmi

pilit mang abutin ang mga tala
basta sa akin wag kang mawawala

ako’y alipin mo kahit hindi batid
aaminin ko minsan ako’y manhid
sana ay iyong naririnig
sa ‘yong yakap ako’y nasasabik

gusto kong batuhin ung radyo eh. sa lahat naman ng mga patutugtuging kanta, yan pa ang napili ng DJ. madami tuloy akong naalala. mga nangyari noon na pilit ko nang kinakalimutan. akala ko rin nakalimutan ko na, pero heto ako ngayon at nagda-drama-dramahan na naman dahil lamang sa isang kanta.

nais ko sanang iparating
na ikaw lamang ang aking iibigin

ako lang ang iibigin eh bakit mo ako niloko? bakit mo ako pinaiyak? bakit ang dami ngayong pangakong di naman natupad? yan ba ang sinasabi mong ako lang ang iibigin mo? bulkrap pala un eh, kasi asan ka na? bigla ka na lang nawala at iniwan akong nagiisa.

hay naku, titigilan ko na nga ang pagiisip, baka ma-late pa ako sa lakad ko. ayoko namang paghintayin sya.

nakasakay na ako ng jeep nang maalala ko kung san ako patungo. sh*t na naman. bakit pa kasi dun ko pa sinabing magkita kami. lugar kasi natin un dati eh, lugar na kung san nagtapat ka ng pagmamahal mo sa akin. tapos ngayon babalik ako dun matapos lang ang ilang buwan. ayos naman na araw ito, bakit parang lahat na lang eh nagpapatungkol sayo? ikaw na gusto ko nang kalimutan. ikaw na gusto ko nang mabura ng tuluyan sa buhay ko. ikaw na.. ah ewan, wala na rin namang patutunguhan ito.

gusto ko lang namang maging masaya eh. gusto lang ng taong magaalaga sa akin. ung taong di lang mangangako, kundi gagawin talaga nya lahat ng sinasabi nya. akala ko noon nakilala ko na sya, pero nagkamali ako.

ano ba tong iniisip ko? nakaraan na naman, pano naman ba ako magiging masaya nito? haay, iiwas na lang muna ako sa mga kanta na makakapagpaalala sa kanya.

one missed call.

may tumawag pala, di ko tuloy narinig. sino kaya to?

ikaw pala.

ang hirap nang magtiwala ngayon, lalo na kapag ilang beses ka nang nasaktan at naloko. magingat ka na ngayon ha?

yan ang sabi ng kaibigan ko habang nagkukwento ako tungkol sayo. sinabi ko kasi na masaya ako ngayon at ikaw ang dahilan. sa tuwing naaalala kasi kita, di ko mapigilan ang ngiti. masaya ako sa tuwing nakakausap ka, masaya kapag paulit-ulit kong binabasa ang mga mensahe mo. minsan nga, di ko na maipaliwanag kung gaano ako kasaya. basta masaya un na un.

gusto kitang alagaan habambuhay.

sana nga mangyari. sana nga di mo ako iwan. dahil sa kakaunting panahon na nakilala kita, natutunan na kitang mahalin.

mama, para po.

naku, late na ata ako sa usapan natin. sensya na, trapik kasi. habang naglalakad ako, narinig ko ang boses ni Ebe Dancel, ang lakas kasi ng patugtog sa isang bahay.

Alaala ng lumuluhang kahapon
Dahan-dahan ko na ring kinakahon
Natagpuan ko na ang tunay kong ligaya
Lumabas ako ng kwarto’t naroon siya..

natigilan ako at di ko namalayang nagring ang telepono ko.

o bakit ka natigilan dyan?
huh? anong natigilan? pano mo nalaman?
tingin ka sa may tindahan.

hinanap ko ang tindahan at andun ka. napangiti na lang ako nang makita kang papalapit sa akin.

di ko na kailangang alalahanin ang nakaraan dahil andyan ka na. hindi na rin ako kayang saktan ng sino man dahil alam kong ipagtatanggol mo ako. di na ako kelangan malungkot pa, dahil sayo. ngayon, masasabi kong natagpuan ko na ang tunay kong ligaya.

at ikaw un.

Post a Response Comment icon Posted March 12th, 2008 at 3:21 am

21 Responses to “ ligaya ”

  1. Pahn

    wag ka na maxadong makikinig ng mellow music,, hahaha,, kala ko nung una sariling compose,, kaya pala pamilyar ung salita,, nyahaha

    ====

    hahaha, nakakaloko ba? lol
    oo nga, iwas muna sa mellow music.. pampam kasi eh.. hehe..

  2. Apple

    ay, ang sweet naman :)

    ====

    *kilig mode* :)

  3. Apple

    hello karmi! musta? i’m back :)

    at sinong pinaparinggan mo sa post na to aber? hahaha. just kidding :p

    ====

    welkam back ganda.. :D

    sino hmmm.. ^_^

  4. arvin

    Sana’y siya na talaga ang tunay mong ligaya. Masaya ako para sa inyo:D

    ====

    sana talaga ikaw este sya na. :)

  5. camilleeee

    ayihiiii… (tinutusok na naman ng milyong karayom ang likod ni ate) :D

    basta… yun na yown! ;) weeeiiiiii

    ====

    oo, un na un ate! :D ayihiieee.. hehehe..

  6. noime

    Waaah! Kilala ko yun! Kilala ko yun! Diba Kuya Arvin? Diba?! Ahahaha. Inlahbb na ang ate ko talaga. Hehehe. <3

    ====

    oo si kuya arvin! hehehe.. :)

  7. rio
    rio

    naks karmi!!! inlove?? hehehe…enjoy every single moment of it!! kalimutan mo na yung si past!!…

    ingat lang tayong madadaling ma inlove..dami kasi tao ngayong nagtatake advantage e!..

    —-gusto ko lang namang maging masaya eh. gusto lang ng taong magaalaga sa akin. ung taong di lang mangangako, kundi gagawin talaga nya lahat ng sinasabi nya. akala ko noon nakilala ko na sya, pero nagkamali ako…… ok lang na paminsan minsan nagkakamali tayo…mas lalo tayong nagiging matatag at wais kapag nadadapa tau…=)

    ====

    inlove ba ate? :) hehe.. opo, kinalimutan ko na si past.. ^_^

    korak, sa bawat pagkakamali natin, natututo tayo.. :D

  8. boggs
    boggs

    natisod lang and i find your post so cute. tama nga po sila just forget kung anumang bad things happened to you in the past so you can enjoy your relationship right now. Though we all know that its hard to do forget once in a while it strucks in our mind. Let’s just think he/she was not worthy of your love and kawalan niya yun. Just always be careful of yourself not to be hurt again and enjoy your relationship right now.
    Sensya na at di napigilang magcomment. Enjoy always!

    ====

    salamat po sa pagtalisod dito sa blog ko at sa pagiiwan ng comment. :)

    mahirap ngang makalimot sa nakaraan pero nakapagmove on na po ako.. ^_^ opo, magiingat na ako this time.. :)

  9. Kandis

    Yon eeh. Namiss ko ang mga ganitong post mo Ate Karmi. :D Miss you. I’m back na pala. :D Yehey!

    ====

    un un!! hehehe.. namiss rin kita kandis! welkam back.. :D

  10. yeye

    anak ng…alipin ng shamrock hahaha. may naalala tuloy ako. haha natawa tuloy ako sa sarili ko hhehehe

    kilala ko siya. hehehehe
    :) labyu karmi

    ====

    oo tol, alipin. badtrip na kanta yan! lol

    kilala mo ba sya? :D ayihieee…

  11. janelle

    gustung-gusto ko yung song na yan kahit wala akong pinagaalayan. (naks! ang lalim ata ng tagalog ko ngayon) paniguradong maraming kababaihan ang nakakarelate sa “senti” post mo na ito dahil tanong yan ng karamihan sa mga girlaloo :D haha! bakit nga ba ganon no? nakakaasar! hay!

    ====

    maganda naman kasi ung meaning nung kanta eh. :) lalo na kapag dine-dicate sau.. madami bang makakarelate? pare-pareho lang kasi tau ng gusto.. :)

  12. pam
    pam

    nye. alam mo before, super humaling ako sa song na yan. kaso nung nagtagal, hindi ko na rin kinaya. hahahahaha. kakabore na rin. hehe. xD pero maganda message niya. :)

    ====

    aling song ba? ung alipin ba? hehehe.. oo, kakabore nga un!! lol

    gustong-gusto ko rin sya dati eh, ngayon ayoko na. hehehe..

  13. bluep

    hehe, senti ka kapatid ngayon ah. ayus yan. pang aliw sa mga pusong nananaghoy.

    ====

    salamat sa dalaw kapatid na panjeet (hehehe, gaya-gaya kay ate melai)..

    senti-sentihan mode nga po eh.. naks, nananaghoy.. deep.. :D

  14. kingdaddyrich

    emo ka na naman! :)

    ====

    nye, di naman po.. hehehe..

  15. randomdemeanor

    teka lng. dalawang lalake ba to o iisa lng?…nalilito ako…sana sabihin mong dalawa..kasi kung iisa lng…masasabi kong martyr ka nga…tsk tsk…wag na magpaloko wokey..

    ====

    dalawang lalake yan ganda. martyr ako dati, pero ngayon hindi na..

    opo, di na po ako papaloko. :)

  16. Apple

    Reply: Thanks karmi. Yes, I’m so back :D

    Haha. Model-modelan talaga eh noh. LOL. yeah, dami ko ngang raket ngayon eh pero hindi gimik. I barely go out na nga with my friends coz i’m supah busy :p

    ====

    mukhang masaya naman ung raket mo.. :D so kahit busy, parang gimik na rin.. hehehe..

  17. vanny

    c karmi ba ang nagsulat nito, o c vanny? hmm.. same sentiments tayo sis! hheehe. kaso ikaw, meron ng “sya”, ako mukhang di makawala sa “kanya”.. tipong kala ko tapos na.. haayz. ewan.. gusto kong ipost yun sa blog ko, kaso dami napaparanoid sa mga post ko eh.. kaya sinasarili ko na lang.. hehe

    ====

    grabe, lagi na lang taung pareho ng nararamdaman.. haaay vanny-van-van..
    hmm, di ka ba makawala sa kanya? eh ayaw ka rin ata kasi nyang pakawalan..

  18. bittersweetcollide

    sigh.. tama si kuneho at least ikaw… merong “sya” = saya

    ====

    napaisip pa ako kung sino si kuneho.. si vanny pala.. :)

    *hugs* i know makikilala mo rin ’sya’ na magpapasaya sayo.. ^_^

  19. lalaine

    love is in the air ba? hehehe… mukha ngang inlababo ka karmi ;)). sana sya na talaga ang magbibigay sau ng kaligayahan.

    hindi mo na kelangan balikan pa yung mga panget na nakaraan.. pero syempre dapat matuto din sa past, hehehe.. naglelecture na ba ako?

    ahhh basta… enjoy your moment… im happy for you :).

    ====

    salamat ate. :) oo nga, kelangang matuto rin sa past.. ^_^

    sana nga sya na ate. :)

  20. Elie

    nakakarelate ako sa post mo.. dapat kalimutan, dahil niloko ka. iniwan.. sinaktan.. isang walang kwentang pangako.. napako na ng tuluyan.. pero bakit nga ba ganun? kahit gusto mo siya mawala… pilit na ipinapaalala sayo ng tadhana ang nakaraan.. ang hirap no? hmm..

    ====

    mahirap talaga eh. may mga bagay talaga na magpapaalala sa nakaraan.. haaayyy.

  21. juvil

    pakinggan mo kanta ng mojofly yung simula. hehe 8-)

    ====

    peborit ko nga po un. :D

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.