Sa piling mo’y ang oras ay nawawalan ng halaga.

Add comments March 12, 2008 » 480 days ago
Uncategorized

Naniniwala akong mayroong panahong nakalaan para sa ating dalawa. Panahon kung kailan, hindi na natin kailangan pang umasa. At ang mga “sana”, “sana ngayon” at “sana talaga”, sa ating pag-uusap ay maglalaho’t ang kanilang saysay ay mawawala.

Hinihintay ko ngayon ang panahong ikaw ay akin nang makakasama.

At sa pagdating nitong pinakamimithi’y masasabi kong akin ka na talaga, dahil nilisan mo nang tuluyan ang mundo ng aking panaginip; at sa pagdating ng araw na yao’y yakap ko’y iyo nang tunay na madarama. Kaya’t mga salitang *yakap* ay siya na ring mawawalan ng kanyang halaga, ‘pagkat mga kamay ko’y abot na ang katawan mong sa bisig ko’y hahayaan kong ikaw ay mahiga’t makapagpahinga.

Alam kong itong umusbong sa pagitan nati’y hindi magtatapos dahil sa ikaw ay akin nang nahanap, nakita. Ito’y simula lamang sa pagtahak natin sa daan patungo sa isa’t isa at sa tamang panahong tunay nating ikaliligaya.

Darating din ang panahong hindi na natin kailangan pang mangarap at umasa, dahil sa panahong yao’y ang ikaw at ako, ay wala na; dahil tayo ay magiging isa.

Mga Kahalintulad na Posts



12 Responses to “ Sa piling mo’y ang oras ay nawawalan ng halaga. ”

  • Noime says:

    *melts*

    hanakngkabayo. mga inlabb talaga oh! HAHA. Yaan mo kuya, magkikita na kayo sa June. ;) tcGb!

  • carme says:

    Darating din ang panahong hindi na natin kailangan pang mangarap at umasa, dahil sa panahong yao’y ang ikaw at ako, ay wala na; dahil tayo ay magiging isa.

    oo, darating din un. :) handa rin naman syang maghintay eh..

    at alam kong kapag magkasama na talaga kayo, mapapasaya mo pa sya lalo dahil ung ganito nga lang na di kayo nagkikita eh masaya na sya sa iyo.. alam kong di ito maiintindihan ng ibang tao dahil imposible pero, ganito ung nangyari eh..

    sana talaga makasama mo na sya. :)

  • carme says:

    binasa ko ung comment ko.. hehe, di ko mawari kung 3rd person pa rin ba ung tinutukoy ko o sarili ko na.. :P

    adik.

    ah basta masaya. hehe. ^_^

  • yeye says:

    @noi: tama! tama! hehehe…EB na ang idlip…kanya2 pakner…pakner tau noi hahaha :lol:

    @karmi: napansin mo pala
    @komski: la lang. ismayl. hehehe. kchat na kita kagabi. ayan ba ang epekto. hehehe. parehas lang talaga tayo. pero kahit sabihin mo na mas malapit ung akin, mahirap pa din. sabi mo nga mas maganda pag nakakasama. hehehe. come what may. c Lord na bahala. :)

  • arvin says:

    @noime: ganun talaga:) oo sa june.

    @carme: Handa rin ba siyang maghintay? Makakausap naman niya ako lage e:) kaya makakaya namin yan:D Kasi naman, pathird-third person pa e, hehe. Sana mapasaya kita lagi:D

    @yeye: Minsan nga, parang ayokong magtiwala sa tadhana, nakakatakot. Ayokong mawala siya.

  • juvil says:

    sweetness..hehe 8-)

  • Noime says:

    @ate yeye: sure ate! partner kita! hehehe. LOL.

    @kuya arvin: HAHA. malapit na yun. ;)

  • yeye says:

    hehehe yehey di ako ma-oo-P hahaha joke yehey noime yehey

    arvin, lam mo, trust in HIM….un na lang…wag sa destiny..sa Kanya lang. malay mo di ba..pero faith without action is dead. you have to do something. ayt? :) geh lapit na magtime bounz na ako byeee

  • mia says:

    napakasweet :) grabe talaga ang mga inlab..hihih

  • vanny says:

    uyy. inlove? hmmm. parang ganto din ang feeling ko ah.. naghihintay sa panahong ang “sya” at “ako” ay maging “kami” =)

  • maenoodle says:

    awz. inlab wew. pambihira. sarap naman nyan?? lapit na un oh.. june? :)

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.