dear blog.

Add comments March 20, 2008 » 731 days ago
blog update

idlip,

ang tagal ko rin palang hindi nakapagupdate dito. alam mo naman, masyadong busy ang schedule. kasi diba, OT ever sa trabaho, kaya wala akong oras magblog kahit saglit. sensya na ha. alam ko napapabayaan na naman kita.

oo na, sabi mo nga, kapag gusto maraming paraan at kapag ayaw maraming dahilan. gusto ko pa rin namang magblog, wala lang talagang oras. minsan din kasi, wala akong maisip na i-update. ung tipong kahit na tumitig ako maghapon sa harap ng computer eh wala talagang ideya na lumalabas. tigang na nga ata ako sa ideya. pero promise ko sayo, makaisip lang talaga ako ng topic, ibo-blog ko agad. kahit na tungkol sa pag-ibig na naman yan. :) alam mo naman ako laging inlab diba?

actually, dapat magu-update na ako kahapon eh. naisip ko na un bago pa ako umuwi galing trabaho. bibihisan kita ng bagong theme at magu-update na din sa wakas. kaso, nagkaproblema ka naman. tuluyan ka na atang nagtampo kaya bigla kang nawala. grabe, di ko alam ang gagawin ko ng mga oras na un. kahit na nasa trabaho ako, talagang kinontak ko pa ung host ko para lang malaman kung anong problema. kaso, wala silang matinong naisagot. maghintay na lang daw ako ng 5 oras at magiging maayos ka na ulit. 5 oras? sa isip-isip ko, bakit kaya? at paano na lang kung tuluyan ka nang mawala? mawawala ang idlip ko. :(

habang wala ka, naisip kong lumipat ng ibang blog. sobrang inis kasi ako sa host ko na lagi na lang atang may problema. nagtataka ako kasi bakit sa tuwing sinisipag akong magupdate, saka ka naman nawawala. nakakainis. nakakabadtrip. oo idlip, gusto na kitang iwanan ng tuluyan. ang balak ko nga, kapag naging ok ka na, eh kukunin ko na lang ung files ko at lilipat na lang ulit sa mga free blogs na nagkalat dyan. pero, may parte pa rin sa akin na ayaw umalis. napamahal ka na kasi sa akin kaya’t di ko talaga kayang iwan ka. ikaw nga ang buhay ko eh.

matapos ang isang buong araw ata kahapon, naging OK ka na ulit. yehey! ok na ang idlip ko. muli akong nabuhayan. kausap ko ata si ate melai nang maayos ka na. sabi nya, pwede na raw akong matulog. tama sya. di na ako dapat magalala pa.

sorry ulit kung di kita napapansin nitong mga nakaraang araw. basta babawi ako sayo! aalagaan na kita. pramis yan! ^_^

– karmi

Mga Kahalintulad na Posts



11 Responses to “ dear blog. ”

  • misyel says:

    mahirap talaga iwanan ang mga bagay na sobrang napamahal sa atin. alagaan mo na si idlip mo karmi ha! ;)

    ====

    opo ate misyel. aalagaan ko na po. :) pramis.

  • wawa naman si idlip mo..
    buti nalng naging ok nah!!!
    kung nangyari man ang kinatatakutan mo, sus, pati ako parang nawalan na din…wala na kong mababasang post ni chinitah! tsk!! buti nlng talga ok na!! yahuuu!!

    ====

    grabe. talagang chinitah na tawag mo sa akin! hhehehe, tuwa naman ako. :D

    oo nga, buti na lang talaga, ok na ulit.. ^_^

  • noime says:

    aw. aylabyu din daw ate, sbi ng idlip.
    hehe. wag ka na sad ate, di ka iiwan ni idlip. parang kame. :)
    labyuh!

    ====

    labs na ako ni idlip, kasi lagi ko na syang pinapansin ngyon.. hehehe.. nagselos ata eh.. :P
    lab yah too noi! mwah!

  • nga pala..gawing mo yun tag..wag mong subukan (demanding)…aheheh..subukan mo lng, pag di kaya..subukan mo parin…eheheheh!!! tama na nga..baka makulitan ka na sakin…

    ====

    hahaha. subok lang ng subok.. lol
    eh pano yan, ‘C’ na ung ginamit ni ate cams?! la na akong magamit na ibang letter para sa pangalan ko.. hehe..

  • Laarni says:

    Nakakainis at nakaka stress nga pag may unexpected downtime ang site mo eh noh? hehe.

    :)

    ====

    sobra! buti na lang at ok na ulit. :)

  • irish says:

    ngak.. pure tagalog aah.. muntik muntikan mo na pala iwan toh kahit ako pag down yung site ko agad lipat walang pakundangan.. naman lalim ata nun.. haha anyways ingat lage

    ====

    pure tagalog ba? masyado nga atang madrama ung post ko. hehe, pero i love it! ^_^
    wow, walang pakundangan. lalim nga.. hehe..
    korak, kakainis kasi kapag down ung site.. gusto mong lumipat agad.. haaaayyy….. :|

  • willing akong ampunin si idlip. hahaha.. ;d lols…

    anyway, supapapahlicious dance lang ang katapat niyan.

    anlupit mo pala sumayaw. hindi halatang nahihiya ka. hahaha…

    ====

    hehe. di ko na po ipapaampon c idlip eh.. :D

    di ba halatang mahiyain? di naman talaga. hehehe

  • nyahahahaha..eh di..”C” nlng ulit..”J” naman ang gamit ni cams…hehehe..pwede ring “K” nlng…kaw bahala!!! chinita!! wee!!

    ====

    hahaha. wala talagang lusot. ^_^
    cge po, try ko.. :D hehe..

  • arvin says:

    Ikaw kasi e:) ang pagbablog kasi hindi yung kung kelan mo lang maalala, kung kelan lang may oras, kung kelan pwede. Dapat sa blog, inaalala, hinahanapan ng oras, ginagawang pwede. Hehehe:D Ang drama.

    Pero buti naman at ok na ang idlip. Kasi naman, chat nang chat palagi, hehe. Ala na tuloy oras sa blog:)

    ====

    oo nga po kuya arvin. ngayon po maglalaan na ako ng oras sa blogging. :)

    oo nga, buti na lang ok na, kasi ung iba dyan, naghahanap na ng ibang malilipatan. hehe. ^_^

    chat ba ng chat? hmm.. ngayon, pagsasabayin ko na ang blogging at chat. ^_^

  • cc says:

    Hello just dropping by here…care to xlinks?

    ====

    hi thanks for dropping by. :) sure..

  • yeye says:

    sulatan ko nga din ung blog ko hehehe

    ====

    nagtatampo na rin ba? hehe.. ^_^

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.