mahal na mahal kita
natigilan ako sa aking ginagawa at napatitig lang sa monitor. tama ba itong nakikita ko? mahal na nya ako? hindi nga? teka, teka, di ba ako nananaginip?
hindi gumagalaw ung paguusap sa chat window namin. iniisip ko kung naghihintay ba sya ng sagot o natigilan din sya dahil hindi rin sya makapaniwala na nailagay nya un. o baka naman nawalan na naman ng internet connection. mahal na mahal kita. grabe. dalawang mahal un. sa ingles eh i love you very much na un. may very na, may much pa. ewan ko na. hanggang ngayo’y nakatitig lang talaga ako sa screen. di malaman ang gagawin.
eh pano yan, mahal na rin kita.
yan ang gusto kong isagot sa kanya. pero di ko alam kung tama ba.
posible nga kayang mahalin mo ang isang taong di mo pa talagang nakikilala ng personal? posible bang magustuhan mo sya ng dahil lang sa kung ano ang nabuong image nya sa utak mo? pwede. posible siguro. dahil sa lagi kayong magkausap, unti-unti mong nalalaman ang ugali nya. ang mga gusto at ayaw. sa inyong pagkukwentuhan, nalalaman mo pati na rin ang kanyang mga pangarap at mga kinatatakutan. unti-unti mo na syang nakikilala. at pwedeng unti-unti mo rin syang mahalin.
gusto ko sya. at alam kong mahal ko na nga sya. kahit di ko pa sya nakikilala ng personal, alam kong totoo ito.
BUZZ!
nagulat ako. oo nga pala, di pa ako nakakasagot sa sinabi nya. di ko na kelangang magisip, dahil alam ko naman ang sagot.
mahal na mahal din kita.













wow so is this like parang online relationship?
anyway i hope it lasts. kinilig ako. x]
====
wish ko din un. :)
kinilig naman ako dyan. ahehehe
====
hehe. uy kilig na naman ba ate? ^_^
totoo ba ito o isang fiction lamang hehe.. kung totoo man, mukang in love ka nga sa taong di mo nga nakikita.. pero what I can say is that there are more to be seen in person. dahan dahan lang, di lahat ng masarap sa pakiramdam ay tama… :)
====
hmm, totoo po ito. :)
di naman totally na di ko pa sya nakikita, nakita ko na naman sya sa webcam eh. ^_^
salamat sa advice. pero sigurado na ako na ang nararamdaman ko eh tama. :) naks.. hehe
waahhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!….pwede talagang may totoong nagmamahal sa cyberworld!!..isa ako sa living proof….3 beses n akong na inlove sa k chat ko..pero ni isa sa knila di ko pa na memeet in person..until i found out na lahat sila taken na..para nga akong sira nun e..di ko pa na memeet pero iniiyakan ko na…ganun ata ang love..ingat lang po=)
====
matagal na rin po ako dito sa cyber world pero ito po ung unang beses na nangyari ito sa akin.. single naman po sya. :)
opo, magiingat po. ^_^
Hinay lang. :)
====
opo ate raych. ^_^
karmi, oo .. pwede kang mainlove dun sa image na nabuo na sa utak mo. pero payong kapatid, hanggang hindi mo nakikita .. hindi mo nakakasama sa aktwal, ingatan mo ang puso mo sa lubos na pagbibigay tiwala. hindi ko sinasabing masamang makakilala ng mga tao sa internet, hindi ko rin sinasabi na peke ang mga tao na makikilala mo dito .. ang nais ko lang iparating, kung magmamahal ka, kung ibibigay mo ang pagmamahal mo at ang iyong buong pagkatao, nararapat lang na kilalanin mo muna ng husto .. at isang paraan na dyan eh ang makita’t makilala mo sya sa personal. kung totoong mahal nyo na ang isa’t isa, wala namang dapat magbabago eh. kumbaga, walang mawawala sayo kung gagawin mo.
====
gusto ko rin syang makilala ng personal, kaya nga magkikita kami sa june. :)
tama ka, di ko pa sya kilalang talaga para masabi kong mahal ko na sya. pero may mga bagay kasi na hindi talaga maipaliwanag. na bigla mo na lang mararamdaman. ^_^ opo, magiingat naman ako.. salamat jenn..
WAAAAAHHHHHH!!!
natutuwa ako!
natutuwa ako!
:D
====
waaaa..
ako rin noi.
ako rin. hehehe.. ^_^
aruy,, huhuhu,, mahal mahal,, anu ba yang salitang yan,, XD
====
mahal mahal nga naman…. ewan ko ba. hehehe..
Sapat na kaya na nakilala natin ang isa’t isa, sa pagbabasa sa mga blog entries nitong nakalipas na dalawang taon? Sa araw-araw nating pag-uusap nitong nakaraang dalawang buwan? Sa bawat kwento, tsismis, kapraningan, tawa at drama, masasabi na bang nakilala mo na nga ako talaga? Ewan, pero merong mga bagay na sigurado ako. Cheesy, hindi ko sasabihin sa comments ‘to, hehe:D
Sabi nga natin lagi, ikaw na lang ang kulang.
Tsaka nabuong image ka diyan, drama, hehe. Gara lang kasi nung phrase na “nabuong image sa utak”, parang inimagine lang. Medyo accurate naman ang webcam at konting discrepancies siguro sa boses ng voice chat, hmmm. Pero wala pa ring tatalo sa kung kasama mo talaga. Gara.
====
cheesy nga.
pero totoo naman lahat ng nilagay ko sa post ko. masaya ako dahil sayo. at sa halos araw-araw nating paguusap eh lalo kitang nakikilala. lagi mo rin akong inaaway. :P
tama ka, iba pa rin kapag nakakasama na talaga. kaya sana magjune na. ^_^
..*kilig mode* nnman ang kaibigan ko.. inlab na inlab na.. masaya tlga ako para sayo tol…sana lng ay alagaan ka nya ng mbuti at mahalin ng tunay..dahil alam kong un ang nararapat sa isang tulad mo na totoong magmahal.. labyu tol! namimiss na kita.. :)
====
grabe tol. salamat.. kakaiyak naman tong comment mo. hehehe. arte. :P
miss u too! basta kita-kits na lang taung es2pidas.. ^_^ mwah!
wow. sila na. ganyan rin ako kaso kami natatampuhan pa. haha.
====
hehe. normal lang ata ang tampuhan.. :)
oi, i’m back! girl, walang masama dyan… pero payo lang mula sa may experience sa ganyang sitwasyon, wag masyadong magpakabaliw… konti lang… dapat balanse pa rin. kasi para yang bumubuo tayo ng puzzle. kumpleto ang bilang ng piece, pero yung isa pala hindi para dyan sa puzzle na ginagawa mo… basta… mas maganda pa rin na magkita na kayo… hehehe… link mo ako!!!!
====
welkam back ganda! :D yehey, blogger ka na ulit.. ^_^
magkikita naman kami.. lapit na nga eh.. :D
oo naman, link talaga kita noh! ^_^
uy bagong renovate… bagong lablyf din ba?
–>> “posible nga kayang mahalin mo ang isang taong di mo pa talagang nakikilala ng personal? posible bang magustuhan mo sya ng dahil lang sa kung ano ang nabuong image nya sa utak mo?”
oo posible… lalo na kung may magandang image kang nakikita sa kanya… pero sasabihin ko lang sayo.. ingat ka! nde mo pa yan gaano kakilala… nde mo alam kung sya talaga yung taong kilala mo o baka naman isang imahinasyon lang din sya… yung bang gawa gawa lang ng kausap mo… at tipong sya yung kabaliktaran ng pinapangarap mo ;)… yngat ka lang :)
====
bagong lablyp ba ate? hmmm.. mejo. :) hehe.
hmmm.. nakita ko na naman sya ate. at tingin ko naman na totoo sya. :)
salamat sa payo. ^_^
ayihiiiii!!!! wuhooo! (pede tumalon?!) nyahaha :lol:
ako din, ako din, labyutu beri mats……..karms! ;) weeeeeee
ate’s soooo hapi for u. mwah!
====
hahaha. pwedeng-pwedeng tumalon ate, sabayan pa kita.. lol
lab yu too ate!! mwah!!! ^_^
wow! inlaaaaaaab :D haha! suportahan taka :) yihee!
====
hehe. salamat sa suporta ganda.. :D
waaahh!! in love na nga si karmimay! ahihihi. ^_^
hmmm.. im sure nakangiti ka ngayon.. aysus! :D
be sure, gumagana ang preno mo ha? (weeh. si vanny, nag advice.. as if pina-practice ang advice..) haha
====
hahaha. sobra nga ung ngiti.. :P
opo, ate vanny.. hehehe.. ^_^
waaaaaaaaaaah…
is this for real?? haha
magical talaga ang love.. XP
====
it is real. :)
huwaw!!! sana wlang masaktan ah..kahit alam kong parte yung ng tinatawag na “mahal na mahal kita”…miningpul di ba?…lolz!
====
opo ate random. :D
hehehe
aun
talaga…
posible un karmi
bakit kami?
once pa lang nagkita pero..
ganun talaga..
hehehe
malapit na karmi. malapit na.
:)
====
malapit na nga. :) excited na.. hehe..
waa.. kinikilig ako kinikilig ako!!! my gawd!! uwi kanaaaa :)
====
kung pwede lang na umuwi na ko ngayon, ginawa ko na. :) hehe.