miss na kita kuya.
miss ko na ung pagbu-buzz mo
pati na rin ung palaging pangungumusta.
miss ko na ung mga usapan natin na kahit walang kwenta
eh nagkakasense pa rin.
miss ko na ung mga payo mo
payo sa akin para di na ako masaktan ulit.
miss ko na ung pangungulit sau
ung pagkukwento ko ng kung anu-ano lang.
miss na kita kuya.
bat kasi kelangan mo pang lumayo?
salamat sa papuri sa mga naisulat ko dati.
salamat sa YM sessions natin noon.
salamat sa lahat ng advice at sa pagsasabing ‘take the plunge’
kundi dahil sayo, di siguro ako ganito kasaya ngayon.
salamat sa lahat.
isang buwan na rin pala tayong di naguusap.
di ko alam kung anong nangyari sa atin.
kung bat bigla na lang nawalan ng halaga ang pagkakaibigan.
kung bakit biglang, wala nang pansinan.
sana nga dumating ung oras na maiintidihan ko na
kung bakit mo ito ginawa.
umaasa pa rin naman ako
na makakausap kitang muli.
na maibabalik natin ung dati.
sana nga mangyari un.
sana talaga.
pero kung hindi na dumating ung oras na un…
gusto kong sabihin sayo ngayon..
salamat.
dahil nakilala kita.











