nasa restawrant kami ng aking nanay at kapatid na lalake. nagtsi-tsismisan tungkol sa kung anu-ano nang biglang.
are you rich?
tanong yan nung isang matandang lalaki dun sa kabilang table. ung kapatid kong lalake ang kausap ata nya. natigilan kaming tatlo.
excuse me?
sagot ng kapatid ko.
are you rich?
tinanong ulit. napakunot na ang noo ko dahil bakit kaya tinatanong un nung manong. ang weird naman nung tanong nya.
no, sir.
but i wish i was.
sumagot ang kapatid ko. nakita ko na lang na natawa ung kasama nyang babae. lalo tuloy akong nagtaka. bat naman ganon ung tanong, tapos tumawa pa. pati tuloy ung kapatid kong lalake eh napatingin sa amin ng nanay ko na nagtataka rin. weird. sobrang weird.
no, what i meant was, are you richard?
oh no sir.
aun naman pala. haha. tinatanong lang pala kung sya si richard. malay ko ba. eh ang intindi ko, actually naming tatlo eh tinanong kung mayaman kami. hahahaha. naloko na.
nang papaalis na ung lalake, pinuntahan nya kami sa table namin. kinausap nya ang kapatid ko.
i met a young man yesterday and he looks like you. that’s why i asked if you are richard.
i am so sorry, i misunderstood you.
you have a good day sir.
you too.dyahe. nakakahiya talaga.
hehe. ok lang un tol. buti nga ganon ung sinagot mo sa tanong nya kanina eh. at least, alam natin kung bat ganon un tanong nya.
oo nga. pero nakakahiya pa rin.naks tol, mukha ka palang mayaman. hehe.
moral lesson of the day: kapag tatanungin ka ng ‘are you rich?’ sagot ka na lang ng NO. para tapos na ang usapan, di ka pa mapapahiya, pati na rin ung kausap mo.. hehe.













Bakit naman kasi di binuo yung tanong nya dba? Nickname pa ginamit, ahahaha! Nga pala may tag ako sayo. :)
====
oo nga. malay ba naming pangalan pala un. hehehe. ^_^
opo, try kong gawin missmisyel. tinag din sa akin ni random un eh.. :D
ngeks!!! habang nagbabasa ako sa first part, kala ko duguan ang scenariong mangyayari…inumbag ng kuya mo ang taong yun kasi akala nya nang-iinsulto (Karmi:Indi naman warfreak kuya ko random)…nyahahah!!! ..ganun pala yung nickname ng mga richard…rich..hahaha…cge, ita-try ko rin yan minsan…sa crush ko…whahahahahah
====
hahaha. di naman masyadong nosebleed ganda. keri naman.. lol
hindi ko sya kuya actually.. hehe, pero tama ka, di sya warfreak.. nahiya nga sya sa sinabi nya eh..
so richard pala ang pangalan ng crushness mo?! eh pano na si bookstore boy? ung ilang beses kang niyakap? hehehe.. ^_^
hahha… nakakatawa naman yan! si melo ba yun?
====
si Carlo yan ganda. :) hehe..
Pareho kami ng tanong ni Michelle, si Melo ba yan o si Carlo? :P
====
si Carlo yan sis. o diba, mukha na syang mayaman ngayon. hehehe. bagong gupit kasi siguro.. :P
Kahit ako intindi ko rin rich na mayaman…hehehe.
====
salamat mami ann. akala ko, mali lang kami ng intindi. hehe..
ehehehe. sosyal nmn kc ng nickname nya, pang mayaman! nagulo tuloy ang utak nyo. hehehe. :D
====
nagulumihanan talaga kami dun sa tanong nya. hehe.
“Are you rich?”, una ko talaga maiisip yung naisip rin ng kapatid mo, ate:D kahit na may kakilala akong rich din ang nickname, babae nga lang, richelle. Pero kahit na, ok lang yun. Haha, may naalala ako, hehe. kwento ko mamaya:D
====
buti na lang may naalala ka d2 sa post ko, nagupdate ka tulog ng blog. :D hehehe..
ate ka dyan. kutos.. lol
american pa ung nagtanong? kase ganun sila, may kakilala akong ganun din ung richard, pinapaiklian ng rich ..hahah … maski ako kapag ako tinanong ng ganun (kong lalaki ako) unang papasok sa utak ko rich as in mayaman .. lol
====
hehe. un talaga ang unang pumasok sa isip namin.. di naman namin inexpect na pangalan nga pala un.. :D
Ayun naman kasi.
Are you Richard? HAHA. X))
Srsly, tawa ako ng tawa.
PS. Namiss kita Ate Karmi.
====
namiss din kita ganda. :) musta naman? ^_^
Hahahaha, nakakatawa naman yang experience na yan. LOL.
====
nakakatawa talaga. hanggang ngayon, binibiro ko pa rin ung kapatid ko na mukhang mayaman.. hehehe
hindi nga bunso makasagot kc baka mautangan hehehhe
====
hahaha. baka nga mangungutang ate. lol
AHAHAHA. Naloka naman ako. HAHA. Langyang tanong yan. Kasi naman, sana inayos nung lalake yung tanong niya diba? AHAHAHA. Pero sana si Kuya, di na lang dinugtungan nung ‘but I wish I was’ na sagot. Hehehe. Labyuh Ate!
====
buti na nga rin at sumagot ng “i wish i was” ung kapatid ko. at least nalaman namin kung ano talaga ung tanong nung lalake. hehehe.
pero nakakahiya talaga! :P
ay nde ko nakilala yata si carlo. si melo lang…
====
nakita mo na siguro si Carlo.. baka di mo lang maalala. :)