photoblog #4: toma.

Post Info 8 months, 1 week ago by karmi

tama na yan, inuman na!

may limang bote ng beer sa loob ng rep namin. siguro kung tomadora pa rin ako hanggang ngayon, ubos na yan. pero hindi na eh, di na ako umiinom tulad ng dati. di rin alam ng mga magulang ko na umiinom ako. mahirap na, baka mahuli pa ako. ^_^ kaya heto, hanggang picture na lang muna.

pero nakakamiss din pala ang toma. nakakamiss ung inuman sessions naming magkakaibigan. nakakamiss ang Lights, Red Horse at GinPo. haaay, those were the days. naalala ko nung unang beses akong nalasing, nakakahiya. nakakahiya pero di pa rin ako tumigil sa paginom. madalas sabihin sa akin ng mga kainuman ko na may catheter daw ako kasi sige lang daw ako sa inom. nakakamiss. sobra.

ilang taon na rin palang hindi nadadaluyan ng alak itong katawan ko.

kaya paguwi ko sa june. babawi talaga ako. babaha ang alak. inuman na ‘to. :)

Post a Response Comment icon Posted March 26th, 2008 at 2:08 pm

17 Responses to “ photoblog #4: toma. ”

  1. misyel

    sa lahat ng beer yan ang gusto kong brand, sunod sa strong ice. hinay-hinay lang sa paginom ha at baka di ka makapasyal ng husto sa atin. :)

    ====

    opo ate misyel. :)
    every other day lang ako iinom.. hehehe. ^_^

  2. ishii

    ahhaha .. masarap Red Horse at Gin-tubig .. awww tapos puluttan bopis .. sarap non .. ako din namimiss ko din ung inuman, matagal an rin akong hindi nakakaamoy ng red horse mas fave ko yan e ..

    ====

    haha. Gin-tubig, ayoko nun, tumba ako dun. lol
    kapag may budget kaming magkakaibigan, sisig pulutan namin, kung wala naman, kahit ano na lang na chichirya na mabibili sa tindahan.. :D

  3. mish

    tol pano yan pag nagkita-kita tayo nina raych, wag na inuman… nde na rin ako umiinom for good! hehe… mas masarap daw mga beer dito sa atin kaya gustong-gusto ng mga expats. try mo compare…

    ====

    actually, totoo. mas masarap beer dyan! hehehe.. ayoko ng beer dito, di ko gusto ung lasa..
    nakakamiss ung Lights! hehe..

    oo nga, malamang di na tayo magiinuman nila Raych. di umiinom ung babaeng un.. hehehe.. paka-bait na rin ako?! ^_^

  4. arvin

    Sabi ko nga e. Hmmm, medyo hindi ko pa maimagine to, hehe. Absorb ko muna:D

    ====

    sige absorb mo muna. :)
    baka kung ano ini-image mo ha. hehe..
    *yakap*

  5. camilleeee

    huli akong nalasing nung… waaaaa lam mo pala yun! nyahaha

    minsan ok din na ‘mabasbasan’ ng konting alkohol ang katawan natin.
    wag lang sumobra.
    kundi.
    may aatakihin. haha :lol:

    (ops! di ako yun) ;)

    p.s.
    di nko iinom talaga. :D

    ====

    haha. oo nga, parang alam ko kung kelan un.. :D
    mahirap nga kapag nasobrahan ng inom ate.. naku, baka kung anong mangyari.. lol

    ano, inuman na tau paguwi ko dyan? hehehe..

  6. manilenya

    naks ang ganda ng shot ha :)

    ====

    waaa, talaga ate? :D salamat!!
    ang hirap gawin ng shot na yan. hehehe.. ang dami kasing kalat sa background, kaya talagang tinanggal ko pa lahat.. ^_^

  7. vanny

    awww. i dont drink beer. new year’s resolution ko for 2008.

    nakakataba kc ng tummy ang beer, kaya iwas na. hehe. margarita na lang. haha. kala mo umiwas n atlga s ainuman eh, noh. hehe. ^_^

    ====

    hehehe. oo nga,may beer belly na ako.
    nung mapunta ako dito, margarita na iniinom ko.
    pero, parang mas gusto ko pa rin Lights.. hehehe

  8. ria
    ria

    iimbitahan mo ba akong makitagay sa june? hehehe :)

    ====

    tara ate.. EB! :D

  9. arvin

    ewan, no comment:|
    hehe.

    ====

    *yakap* :)

  10. rio
    rio

    huh?? umiinom k pala karmi? hehehe….gusto mo tuba galing d2 sa cotabato? yun nlang kaya pasalubongko instead of durian candy?? hehehe=)
    balitaan mo ako pag nakauwi k na ha!=) sa umaga lang pala kao Online..pero cge try ko mag online d2 ng gabi..mga wat time k ba online?? ako kasi 10am to 5 pm pinas time..

    ====

    hehehe. naku, tuba ba ate? matapang ata yan. hehehe, natakot daw ako, baka kasi bagsak ako agad dyan isang baso pa lang naiinom ko..
    ahhhh.. :) sige po try kong abutan kau ng mga ganong oras.. :)

  11. noime

    wahaha. naalala ko tuloy yung uminom ako ng sadiqi. di alam nang tatay ko. hahahaha. tinamaan agad ako nun kase pers taym. second year lang ako nun. dito pa sa saudi. eh bawal alak dito. hehe. kaya tago kame. =]

    ====

    hahaha.. lagot kang bata ka. :P
    HS na ata rin ako nung natuto akong uminom.. haaay, those were the days talaga.. hehehe..

  12. isha

    wow. buti ka pa po nakakatagay nang pa-simple! hehe. :D makakatikim din ako nyan soon. lols.

    ====

    natatakot nga akong inumin ung beer. malalamang nila ung sikreto ko.. hehehe..
    soon ba? basta hinay lang ha.. :)

  13. repah

    ang sosyal naman nyan.. budweiser aba msarap tlgang tomahin yan..hehehe

    ====

    mas masarap pa rin Ginebra! hehehe. ^_^

  14. lalaine

    nung first time ko din uminom eh kasama ko mga college friends ko…. natakot pa nga ako kase nagpandal buong katawan ko kinabusakan.. at ang init na makati pakiramdam…. hehehe… allergy pala ako (emperador ininum namin nun eh)..

    nung mga sumunod na inuman eh mga light na lang.. tapos hanggang sa nde na talaga ako umiinom sa ngaun… hehehe… kakalaki ata ng tyan alcohol eh… totoo ba yun? =D

    ====

    hmmm.. ala pa naman po akong naiinom na allergic ako.. hehehe. ^_^ pero, madalas ding mamula ung mukha ko.. at opo, mainit nga sa pakiramdam.. :)

    nakakalaki nga ng tyan ate.. hehehe.. beer belly ito.. lol

  15. lalaine

    nga pala… nu pala ym mo? pwede ba makuha? hehehe… alam ko nga magkatwitter din tau eh =)

    ====

    opo. magkatwitter nga po tau. :)
    cutecarme po ID ko.. ^_^

  16. yeye

    naku karmi
    pag nag-eb tayo at may inuman
    nakoooow
    wag nio ako aayain uminom

    pramis
    pag pinilit nio ko
    lalayasan ko kayo

    seryoso.
    hehehehe
    :)

    ====

    naku. ok lang, di naman talaga tayo magiinuman.. :) hehehe..
    ayoko namang layasan mo kami.. ^_^

  17. Pahn

    oh yeah!! sarap talga pag may alcohol na naka stock sa bhay.. ako nag iistock ng mga hard drinks,, vodka, rhum, gin, martini, etc.. so far ung mga mumurahin na minimix,, hehe,, gusto ko maglagay ng bar sa bahay :yay:

    ====

    wow. parang gusto kong pumunta sa bahay nyo. :) hehehe..

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.