nanaginip ako. at tungkol sayo un.
pero sana..
sana hanggang panaginip lang ito.
isang ordinaryong araw. nasa mall daw ako, sa Mega. naka-puting t-shirt ako’t naka-maong na palda. tanghaling tapat sa labas kaya naman napakadaming tao sa loob ng mall. di matanggal ang ngiti sa aking labi dahil nakapunta ulit ako ng Mega. 2 taon na rin pala ang lumipas. madami na rin ang nagbago. para akong batang tuwang-tuwa sa nakita ko sa aking paligid.
nasa tapat ako ng Powerbooks. gusto kong pumasok sa loob, pero di ko ginawa. iniintay ko rin kasi ung mga barkada ko na malapit na ang lunch break sa trabaho. ilang minuto na lang ay makikita ko na sila ulit. miss na miss ko na ang mga kaibigan ko. miss ko na ang daldalan, ang mga kwento. nakatayo lamang ako sa gilid ng powerbooks at pinagmamasdan ang mga taong dumadaan. ilang beses ko na ring tinitingnan ang aking celphone baka kasi tumatawag na ung barkada ko. 1:30pm, sabi sa orasan ng celphone ko. antagal nila.
di ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan. habang nakatayo kasi ako’t naghihintay, may nakita akong pamilyar na mukha. kahit sa malayo pa lang ay alam ko nang sya nga un. ang kanyang tindig, kanyang paglakad. positibo, sya nga iyon. ngayon ko naisip na sana pala eh sa loob na lang ako ng powerbooks naghintay. sana andun na lang ako sa loob para di ko sya nakita. para di ko sila nakita. sya at ung gf nya.
gusto kong pumasok sa loob ng bookstore pero huli na ang lahat. nakita nya na ako, nakita ko sa mga mata nya ang pagkabigla. di nya rin siguro inaasahang makikita nya ako dun. natigilan sya sa paglakad, di ko na alam kung anong susunod nyang gagawin. nagring ung celphone ko.
nagising na ako.
ayoko. ayokong mangyari un. ayoko nang makita ka. oo nga’t nakalimutan na kita, pero di ko pa rin alam kung anong pwedeng mangyari kapag nakita kitang muli.
wag na lang sanang magkrus muli ang mga landas natin. wag na sana.












