wag na lang sana.

Add comments March 27, 2008 » 722 days ago
emo daw, writings

nanaginip ako. at tungkol sayo un.
pero sana..

sana hanggang panaginip lang ito.

isang ordinaryong araw. nasa mall daw ako, sa Mega. naka-puting t-shirt ako’t naka-maong na palda. tanghaling tapat sa labas kaya naman napakadaming tao sa loob ng mall. di matanggal ang ngiti sa aking labi dahil nakapunta ulit ako ng Mega. 2 taon na rin pala ang lumipas. madami na rin ang nagbago. para akong batang tuwang-tuwa sa nakita ko sa aking paligid.

nasa tapat ako ng Powerbooks. gusto kong pumasok sa loob, pero di ko ginawa. iniintay ko rin kasi ung mga barkada ko na malapit na ang lunch break sa trabaho. ilang minuto na lang ay makikita ko na sila ulit. miss na miss ko na ang mga kaibigan ko. miss ko na ang daldalan, ang mga kwento. nakatayo lamang ako sa gilid ng powerbooks at pinagmamasdan ang mga taong dumadaan. ilang beses ko na ring tinitingnan ang aking celphone baka kasi tumatawag na ung barkada ko. 1:30pm, sabi sa orasan ng celphone ko. antagal nila.

di ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan. habang nakatayo kasi ako’t naghihintay, may nakita akong pamilyar na mukha. kahit sa malayo pa lang ay alam ko nang sya nga un. ang kanyang tindig, kanyang paglakad. positibo, sya nga iyon. ngayon ko naisip na sana pala eh sa loob na lang ako ng powerbooks naghintay. sana andun na lang ako sa loob para di ko sya nakita. para di ko sila nakita. sya at ung gf nya.

gusto kong pumasok sa loob ng bookstore pero huli na ang lahat. nakita nya na ako, nakita ko sa mga mata nya ang pagkabigla. di nya rin siguro inaasahang makikita nya ako dun. natigilan sya sa paglakad, di ko na alam kung anong susunod nyang gagawin. nagring ung celphone ko.

nagising na ako.

ayoko. ayokong mangyari un. ayoko nang makita ka. oo nga’t nakalimutan na kita, pero di ko pa rin alam kung anong pwedeng mangyari kapag nakita kitang muli.

wag na lang sanang magkrus muli ang mga landas natin. wag na sana.

Mga Kahalintulad na Posts



11 Responses to “ wag na lang sana. ”

  • camilleeee says:

    ayoko din mangyari sa kin yan, pero nangyari na talaga. hehe.

    guess wat? yun pagkikita namin.. it hurts. big time! (takte)
    oh well, ganun talaga eh. 2 yrs na nakalipas…pero naaalala ko pa din. waaaa
    haayyy..

    *hugsss* mwah!

    ====

    ganon ata talaga ate. kaya nga ayoko nang mangyari un.. ayoko talaga.

  • jacque says:

    naku naman binasa ko talaga yung buong post kasi mukhang interesting, alam ko kung ano nararamdaman mo, kasi ganyan rin ako pero wala nga lang gf yung akin, pero basta ewan ko na sa kanya, iwanan natin sila, mga problema lang yan sa buhay. haha.

    ====

    hehehe. korak. problema lang talaga sila.. haaaayyy.. :)

  • vanny says:

    hmmm. me too. ganyan feeling ko dati, tipong ayaw ko dumaan sa mga posibleng daanan nya. mismong sa bus na posibleng sakyan nya, ayaw kong sumakay! haayz.

    at ang masaklap nameng pagkikita after mor dan one year eh sa office ko b4. pano? surpresang “dinalaw” ako ng gf nya na nakikipag kaibigan (daw?) sa akin. at kasama cya. wala kameng gnawa kundi simangutan ang isat isa. err. bad break up eh. kumusta nmn ang muling pagkikita na yun db!

    ====

    wow. friendly ang gf ha?! kamusta naman talaga un..
    di ko alam gagawin ko kung sa akin mangyari yan.
    bad breakup din ung amin eh..

  • juvil says:

    hehe baliktad tayo. ako gusto ko sya makita para maitulak ko sya sa eskaleytor kung sa eskaleytor kami magkita bwahaha. pero mas mabuti nga siguro kung wag na magkita. hehe baka kung ano pa magawa ko. haha

    ====

    hahaha.. sana nga magawa ko sa kanya un.. lol gumanti eh noh..
    oo nga. mas mabuti pa nga atang di na lang natin sila makita.. :)

  • yeye says:

    sino un tol
    si ano ba

    kung siya
    yaan mo
    ang panaginip ay kabaligtaran ng reality.
    hehehe
    toink

    depende. hehe
    panaginip lang yan tol hehe

    ====

    si ex yan tol.
    sana nga kabaligtaran. :) hehe.

  • hirap talaga pag ganun, pero n’ng ’sang araw lang nangyari sakin to.. awkward pero ok lang, at least friends na kmi ngayon.

    ====

    buti friends na kayo. :) di ko alam kung magiging friends pa kami..

  • arvin says:

    Nabasa ko dati, ang panaginip raw ay ginagamit ng ating isipan upang mailabas ang kung anumang tensyon na nananahan sa kaibuturan ng ating kamalayan. Ito ay paraan upang maihanda ang ating sarili sa isang bagay na pinag-uugatan ng isang hindi man napapansin ngunit natatago lamang na pagkabalisa. Sa pamamagitan ng pagsasalang sa ating walang malay na ulirat sa isang sitwasyong bagamat hindi man totoo ay naipadarama pa rin sa atin ang mga emosyong nagpapabagabag sa ating kalooban.

    Ito ay nangangahulugan na ang iyong naranasan, kahit sa mundo ng panaginip naisakatuparan, ay iyo nang maituturing na isang parte na lamang ng nakaraan, kayat maaari nang makalimutan.

    ====

    bago ako ito mapanaginipan, pumasok kasi sa isip ko kung pano nga kaya kung magkita kami. sabi ko sa sarili ko, ok lang siguro, wala na syang epekto sa akin. pero mali ako.

    ayoko talagang mangyari ito. ayoko…

  • eumi says:

    bakit ayaw mo na siyang makita? :(

    ====

    ayoko kasi maaalala ko lang ung ginawa nya. :( gusto ko nang makamove on eumi eh..

    miss u!

  • mish says:

    uy sad ending ba carme? sino ba kasi toh. kwentuhan mo ako… mukhang mas maganda yata na makaharap mo siya na may ngiti ka na sa mga labi. parte naman siya ng nakaraan mo. nagkataon lang na hindi na kayo nagtuloy… =)

    ====

    ummm. di ko ata magagawang ngumiti kapag makikita ko sya. hehehe.
    ganon na lang siguro. isa na lang syang part ng past ko na ayoko nang balikan pa. :)
    bitter?! hehehe..

  • noime says:

    aaaahh! kung sinuman siya!! panget niya. LOL

    =====

    hahaha. pangit talaga sya. lol

  • yeye says:

    3tears!
    hehehe

    sana manalo ka karmi
    hjahaahaha
    mabuhay ang mga saling ket :)

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.