8 months ago by karmi
nak, kausap ko tita mo kanina.
kamusta daw dad?
ok naman daw. nga pala, diba nabanggit mo dati na balak mong bumili ng bagong laptop?
opo. bakit po?
eh kasi, kung un nga ang balak mo, baka pwedeng ibigay na lang natin ung laptop mo sa kanya.
ahhh. eh dad, ung kay carlo na lang po ibigay natin tapos kay carlo na lang ung laptop ko.
pwede rin un. sige.
ok po.
ayos. mawawalan na pala ako ng laptop sa June. dapat matuloy na ung ‘balak’ ko. simula na naman ng paghahanap ng kung ano bang laptop ang maganda. hmmm.. ano nga ba?

Dell XPS ung laptop ko kaya una akong tumingin sa dell.com. nakita ko ung XPS M1530. ok na rin. parang kapareho lang nung luma ko. ang kaibahan lang, Vista ung OS. AYOKO ng Vista. ewan, basta ayoko lang. mas mahal ko pa rin ang XP. hehe. pero, since ala na atang laptop ngayon na naglalabas na XP ung OS eh, ok na rin siguro ung Vista. ok rin ung presyo, $1,324.00. sakto dahil may $1,500 na credit ang nanay ko sa Dell. pwede na. pwede ko nang bilhin ng oras na un. kaso, di ko ginawa. kasi naman..
nagbukas ulit ako ng browser at nagpunta sa apple.com. gusto ko rin kasi ng MacBook. simula pa ata nung nagisip akong bumili ng laptop last year eh gusto ko na ng MacBook. sa tuwing mapupunta ako sa Apple Store dito sa malapit sa amin, lagi akong nagpupunta dun sa mga laptops. waaa, ang ganda kasi. ganda ng itsura. hehe. basta. infatuated nga siguro ako sa itsura ng MacBook, pero sino ba namang di magkakagusto dito?
![]()

kaso, iba kasi ang interface ng Mac. iba ang OS. iba lahat. sabi nga ng bestfriend ko, adjustment lang talaga. kaya ko naman sigurong intindihin un noh? hehe. baka ma-bobo ako dun.
$1,099.00 - $1,499.00 ang presyo. halos ka-presyo lang din sya nung gusto kong laptop sa Dell. ang hirap nga lang, wala akong account sa Apple. di ko naman kayang maglabas ng $1,500 ng ganon na lang. hmm, pwede ata akong magapply ng credit sa kanila. sana lang ma-approve ako.
Mac or PC? naalala ko tuloy ung mga commercials ng Apple, na laging talo ung PC. ano nga ba ang mas maganda? ano nga ba ang gusto ko? di ko rin alam. kahit ano siguro. hehe. basta meron akong magamit na computer pagbalik ko dito galing Pinas.
ate, ung MacBook na lang bilhin mo.
bakit naman?
la lang, para iba lang.
nga naman. para iba lang. hainaku talaga. di ko alam. lahat na lang prinoblema ko. hehe.
ano nga bang mas OK? Mac o PC? para sayo ano? ^_^
once you go mac, you’ll never go back :)
ako, i’m a proud switcher. and i advise you do the same. first, isipin mo .. ano ba yung mga programs that you cant live without. check mo kung may counterparts yan sa mac. second, kung gagastos ka ng another $1500 para lang maupgrade yung current laptop mo to something slightly better, is it worth it? third, kung eversince pa … kahit may laptop ka na eh tumitingin ka pa rin sa apple store .. ano ibig sabihin nun? :)
reasons kung bakit ko isasuggest ang mac, based on experience ‘to ha. hmm .. first, less prone sa viruses. i will not say na 100% virus free kasi i read na may mga bwisit sa tabi tabi na nagaattempt gumawa ng virus para sa mac. pero as of the moment, mejo worry-free concern yan. second, less prone sa hangs. kasi ang concept daw sa mac, when it runs applications .. naga-allot yung computer ng memory para dun. parang hinahati-hati nya yung memory mo. so less ang chances na maghahang ang buong system unlike sa windows .. ctrl+alt+delete is a way of life. third, mas mabilis sya. ang boot time ko is around 20secs lang. fourth, andaming magagandang programs out there na freeware o open source. at ang saya ng mac widgets sa dashboard :) fifth, looks of course. although di ko mashado nagamit yan, kasi tinatago ko ngang naka-mac ako at baka mapag-initan pa. lastly, vista sucks.
hahaha, magi-isip pa ko ng reasons. yan na muna for now :) goodluck with your laptop hunt :P
====
hahahaha. love you jenn! grabe, ikaw nga ang naisip ko nung ginagawa ko tong post.. :)
lam mo ba, ung main reason kung bakit ako bibili ng Mac eh dahil sa mga virus chuva na yan. hehehe.. pero nagdadalawang-isip pa rin ako dahil sa mga apps na baka di nga compatible sa Mac.
ayoko talaga ng Vista. ewan! hehehe..
wah, meron ako nakalimutan. another reason na importante, akala lang ng iba mahal ang mac. pero hindi. look at the specs closely, tapos icompare mo ang price sa ibang brands, you’ll find out na hindi pala sya mahal .. kadalasan, mura pa. when i bought my macbook, yung laptop na katapat nh hardware specs sa toshiba eh nasa 99k, yung macbook ko that time 65k lang.
at! since mac sya, maraming taong takot ito galawin .. kaya less ang taong makikigamit, makiki-usisa o makikialam ng computer mo. haha ang damot :P
====
hmmm. parang magma-Mac na ako dahil dun sa last reason mo Jenn.. hahaha.. ^_^
Kung ako kahit na ano basta laptop, hehe. Pero kung ok ata ako dun sa PC, parang mas komportable ako dun. Pwede ka bang magprogram sa Mac? hehehe.
====
hehe. kahit ano ba? :)
di ka ata pwedeng magprogram sa Mac eh.
o baka pwede.
teka, parang napagusapan na natin to. :) hehehe.. ^_^
MAC BOOK sakin!!! oh men,, if easy lang ang pambili, kahit parehas pa meron ako,, just have to be practical,, hirap ng buhay ngaun,, tsk tsk tsk
====
hainaku kung pwede lang talaga noh? grabe.
pwede ka namang mag install ng windows os sa mac eh.. hahaha…
mag mac ka na lang.. macbook air para mas sosyal!
windows were just stipped from mac…
====
pwede na nga. :)
sige, so far, panay Mac ang mga comments. hehehe.. ^_^
gusto ko ung MacBook Air, kaso, mahal tapos alang CD/DVD drive..
ako basta may laptop, ok na.. kung san ka sanay dun ka na lang. para di ka na mag-adjust. sige ka, baka makain ka ng laptop mo. hehe
====
haha. mahirap nga un, baka kainin ako ng laptop ko.. tsktsktsk.. :D
mac nlang haha!
kung ako kasi.. need ko ng mac.. tae computer class namin eh..
mAC ba naman @_@
pero.. panu na ang games pag mac? haha sabay gnun eh
=====
grabe ang sosyal naman sa inyo ganda. talagang Mac pa ung gamit..
haha. oo nga, pano na lang ang Counterstrike? pwede ba sa Mac un? lol
You can do almost anything with your Mac, just as what you do in Windows. They are both computers so siguro naman magagawa ni Mac ang magagawa ni Windows. Although I think they are more software available for Windows than Mac but kung basic lang naman kailangan mo, you can go for Mac. Also, there’s a software for Mac wherein you can run Windows applications (Crossover ata un). I’ve tried it so far ok naman. :)
@arvin, yup you can make programs on Mac but of course it depends on your programming language. I’m running Java on Mac. Java’s platform independent naman. But of course, you can’t easily run Microsoft programming languages on a Mac.. I guess.
Tsaka sis, if you’re getting a Mac and you’ll put Windows in it don’t try at all. Parang mawawala ung sense ng pagka-Mac mo and I think you’re opening your Mac to Windows viruses. :D
====
oo nga, nakita ko na kung pano nagru-run ung Windows sa Mac, pero un nga, bakit ko pa gagawin un diba? hehehe..
Ayos naman ang Mac, pero… hay, siguro loyal lang talaga ako sa PC :))
Actually, kahit ano naman okay eh. hehe. Basta may kapalit ang laptop, hindi ba? :D
====
hehe. actually, oo, kahit ano ok basta may magamit. :)
karmi, karmi .. babatukan kita kung bumili ka na ng dell! kung magbabayad ka ng more than $1000 para lang maupgrade ng konti ang current laptop mo!!! :(
@arvin, of course pwede magprogram sa mac. java, oracle, php, html .. meron lahat yan sa mac. and if you really need windows, may bootcamp or parallels naman :) best of both worlds nga.
and kung san ka comfortable should never be an issue, IT person ka karmi .. change is inevitable. you should welcome it, kasi masaya talaga sya! :D
====
sorry jenn. pero nabili ko na sya. :)
i know know, babatukan mo ako, pero i love it din naman. ^_^
hmm. di naman upgrade ng onti, mas maganda talaga ung bago kong ‘toy’ ngayon. :)
next time na siguro ako bibili ng Mac. ^_^ hehe..
haay sis! same problem here. haha. dell din laptop ko, pero gusto ko ng magpalit. actually dec pa alng gusto ko ng bumili ng bago. mali pala, gusto ko ng magpabili sa dad ko. haha. kaso di ako makapagdecide anong ipapalit ko. at same din tayo na panay ang dalaw sa apple store, titingin ng macbook at halos himatayin na sa inggit! haha. :D
====
haha. buti ka pa ibibili ka ni daddy. ako kaso, ako ang magbabayad.. hehe. :)
hainaku, baka next times na talaga matutuloy ang pagbili ko ng Mac.. ^_^
may mga websites na hindi mac friendly, like wordpress.
Ang mac, wala pang virus. Ang windows, hindi kumpleto pag walang virus.
Ang mac, mahal ang softwares. Ang windows, pag mahal ang software, naloko ka ng napagbilhan mo.
Personally, I don’t like mac. Why? Expensive masyado. It’s not meant for a typical juan dela cruz.
Saka uso lang ngayon ang mac.
We have a macbook pro, and I don’t like it.
Windows pa rin ako, kahit kakarag-karag ang desktop ko, mas naasahan ko sya.
====
salamat po sa dalaw at sa comment. :)
buong buhay ko rin PC na ang gamit kaya siguro masasabi ko na mas sanay na ako dito..
gusto ko lang sigurong sumubok ng iba. kaso, di rin natuloy. hehe. kulang kasi ang pera..
kaya aun, PC pa rin ang nabili ko. :)
nakakalula ang mga laptop! sana nga po matuloy yun balak mo… hehehe… maganda pag Mac para sosyal! hahhaa
====
natuloy na nga po. :) hehe..
kakalula noh? kugn pwede lang bilhin lahat! ^_^
ako mas okay sa kin kung meron silang self-help na button kapag hindi mo alam kung ano gagawin mo, hahaha. good luck sa choice mo!
====
haha. para ala nang problema noh ate? galing.. sana nga may ganon.. ^_^
ibigay mo na lng skin girl ung luma mo.. hehehe.. macbook na lng mganda yun..
====
hahaha.. maganda nga Macbook, kaso lang kadatungan..
next time na lang siguro.. :)
@tapsiboy, pano po hindi naging mac friendly ang wordpress? I’m running on a Mac and Wordpress seems fine.
====
nga naman. hmmm..
Given a chance, I will let go of my Acer PC & buy a Mac, iba kasi ang graphics ng Mac, built for photographers & visual artists. Maybe in the future…. just maybe….
====
sakto nga un kuya sa profession mo.. :)
bili ka na po.. ^_^
raych, yung mac dito sa bahay, hindi sya wordpress friendly. Ewan ko kung bakit…
Pag gumawa ka ng entry using mac, sa wordpress, kailangan mo pa lagyan ng html codes, para umayos yung entry mo. kung hindi, dikit-dikit sya.
Yan ang experience ko with mac. kung okay ang mac nyo sa wordpress, well and good.
====
hmm, that is weird..
bakit nga kaya iba ung nagyayari noh?
hainaku, basta kahit ano ang gamitin ko, basta makakapagblog pa rin. :)
Hehe, ubuntu na lang ako, para maiba.
====
badtrip naman na virus un. :(
@tapsiboy, baka sa safari (mac’s built-in internet browser) may problem .. hindi sa mac mismo :) although for me, im using both safari 3 and firefox 2, lahat ok. actually, maraming web developers gumagamit ng mac. at galit ang web developers sa IE. :P
====
nagiging exchange of views na tong post ko na ito. :) nice. kapag may napadpad na kung sino man dito na naghahanap about sa Mac and PC, madami syang makukuhang info. :D
ah basta may laptop. tapos. buti ka pa may pamibili hahahahaha
====
haha. sabi na sau eh, lahat na lang pinoroblema ko.. :P