photoblog #4: toma.

may limang bote ng beer sa loob ng rep namin. siguro kung tomadora pa rin ako hanggang ngayon, ubos na yan. pero hindi na eh, di na ako umiinom tulad ng dati. di rin alam ng mga magulang ko na umiinom ako. mahirap na, baka mahuli pa ako. ^_^ kaya heto, hanggang picture na lang muna.
pero nakakamiss din pala ang toma. nakakamiss ung inuman sessions naming magkakaibigan. nakakamiss ang Lights, Red Horse at GinPo. haaay, those were the days. naalala ko nung unang beses akong nalasing, nakakahiya. nakakahiya pero di pa rin ako tumigil sa paginom. madalas sabihin sa akin ng mga kainuman ko na may catheter daw ako kasi sige lang daw ako sa inom. nakakamiss. sobra.
ilang taon na rin palang hindi nadadaluyan ng alak itong katawan ko.
kaya paguwi ko sa june. babawi talaga ako. babaha ang alak. inuman na ‘to. :)




