dear blog.

Posted 4 years ago blog update

idlip,

ang tagal ko rin palang hindi nakapagupdate dito. alam mo naman, masyadong busy ang schedule. kasi diba, OT ever sa trabaho, kaya wala akong oras magblog kahit saglit. sensya na ha. alam ko napapabayaan na naman kita.

oo na, sabi mo nga, kapag gusto maraming paraan at kapag ayaw maraming dahilan. gusto ko pa rin namang magblog, wala lang talagang oras. minsan din kasi, wala akong maisip na i-update. ung tipong kahit na tumitig ako maghapon sa harap ng computer eh wala talagang ideya na lumalabas. tigang na nga ata ako sa ideya. pero promise ko sayo, makaisip lang talaga ako ng topic, ibo-blog ko agad. kahit na tungkol sa pag-ibig na naman yan. :) alam mo naman ako laging inlab diba?

actually, dapat magu-update na ako kahapon eh. naisip ko na un bago pa ako umuwi galing trabaho. bibihisan kita ng bagong theme at magu-update na din sa wakas. kaso, nagkaproblema ka naman. tuluyan ka na atang nagtampo kaya bigla kang nawala. grabe, di ko alam ang gagawin ko ng mga oras na un. kahit na nasa trabaho ako, talagang kinontak ko pa ung host ko para lang malaman kung anong problema. kaso, wala silang matinong naisagot. maghintay na lang daw ako ng 5 oras at magiging maayos ka na ulit. 5 oras? sa isip-isip ko, bakit kaya? at paano na lang kung tuluyan ka nang mawala? mawawala ang idlip ko. :(

habang wala ka, naisip kong lumipat ng ibang blog. sobrang inis kasi ako sa host ko na lagi na lang atang may problema. nagtataka ako kasi bakit sa tuwing sinisipag akong magupdate, saka ka naman nawawala. nakakainis. nakakabadtrip. oo idlip, gusto na kitang iwanan ng tuluyan. ang balak ko nga, kapag naging ok ka na, eh kukunin ko na lang ung files ko at lilipat na lang ulit sa mga free blogs na nagkalat dyan. pero, may parte pa rin sa akin na ayaw umalis. napamahal ka na kasi sa akin kaya’t di ko talaga kayang iwan ka. ikaw nga ang buhay ko eh.

matapos ang isang buong araw ata kahapon, naging OK ka na ulit. yehey! ok na ang idlip ko. muli akong nabuhayan. kausap ko ata si ate melai nang maayos ka na. sabi nya, pwede na raw akong matulog. tama sya. di na ako dapat magalala pa.

sorry ulit kung di kita napapansin nitong mga nakaraang araw. basta babawi ako sayo! aalagaan na kita. pramis yan! ^_^

– karmi

random na naman.

Posted 4 years ago so random

ang tagal na naman bago ako makapagupdate. tapos hindi pa makapagbloghop. grabe, iba talaga kapag tinamaan ako ng katam. ala na atang gamot dun. (X_X)

start na ng Holy Week bukas. spring break na rin para sa mga estudyante dito. bakasyon nila. buti pa sila may bakasyon. kakainggit. haaay, kasi naman, OT galore na naman ako. pero di ako magbo-blog leave, kasi sa tuwing sinasabi kong nakablog leave ako, di rin nagkakatotoo.. siguro bibihira na lang akong makakapagupdate at makakadalaw sa mga ka-blog. teka, blog leave na rin ata ang tawag dun. ah ewan. basta. :)

dahil Holy Week na, kelangan ko nang magpakabait.

sana maging meaningful ang Holy week nyo.. ^_^ umiwas sa karne ok? :)

==

kanina, ginising ako ng kapatid ko. hindi ko na maalala kung ano ba ung dahilan. nawala na ung antok ko kaya nagkwentuhan na lang kami. soundtrip. tapos naisipan namin na pag-aralan ung supahpapalicious na dance steps ni Vhong Navarro. hahahaha.. at gumawa pa kami ng vid. un nga lang, ako lang ang may kapal ng mukha para lumabas dun sa vid.

YouTube Preview Image
supahpapalicious

haha. trip.

==

 forever.

i want to hold your hands forever.
i want to hug you tight and never let go.
i want to stay with you.

i lo– you.

when will our forever start?

i don’t know.

 but i do know one thing.
i don’t want to lose you.
and i want to spend my ‘forever’ with you.

swerte ka ba?
oo sana. ^_^

Sa piling mo’y ang oras ay nawawalan ng halaga.

Posted 4 years ago Uncategorized

Naniniwala akong mayroong panahong nakalaan para sa ating dalawa. Panahon kung kailan, hindi na natin kailangan pang umasa. At ang mga “sana”, “sana ngayon” at “sana talaga”, sa ating pag-uusap ay maglalaho’t ang kanilang saysay ay mawawala.

Hinihintay ko ngayon ang panahong ikaw ay akin nang makakasama.

At sa pagdating nitong pinakamimithi’y masasabi kong akin ka na talaga, dahil nilisan mo nang tuluyan ang mundo ng aking panaginip; at sa pagdating ng araw na yao’y yakap ko’y iyo nang tunay na madarama. Kaya’t mga salitang *yakap* ay siya na ring mawawalan ng kanyang halaga, ‘pagkat mga kamay ko’y abot na ang katawan mong sa bisig ko’y hahayaan kong ikaw ay mahiga’t makapagpahinga.

Alam kong itong umusbong sa pagitan nati’y hindi magtatapos dahil sa ikaw ay akin nang nahanap, nakita. Ito’y simula lamang sa pagtahak natin sa daan patungo sa isa’t isa at sa tamang panahong tunay nating ikaliligaya.

Darating din ang panahong hindi na natin kailangan pang mangarap at umasa, dahil sa panahong yao’y ang ikaw at ako, ay wala na; dahil tayo ay magiging isa.

ligaya

Posted 4 years ago inlove, writings

pilit mang abutin ang mga tala
basta sa akin wag kang mawawala

ako’y alipin mo kahit hindi batid
aaminin ko minsan ako’y manhid
sana ay iyong naririnig
sa ‘yong yakap ako’y nasasabik

gusto kong batuhin ung radyo eh. sa lahat naman ng mga patutugtuging kanta, yan pa ang napili ng DJ. madami tuloy akong naalala. mga nangyari noon na pilit ko nang kinakalimutan. akala ko rin nakalimutan ko na, pero heto ako ngayon at nagda-drama-dramahan na naman dahil lamang sa isang kanta.

nais ko sanang iparating
na ikaw lamang ang aking iibigin

ako lang ang iibigin eh bakit mo ako niloko? bakit mo ako pinaiyak? bakit ang dami ngayong pangakong di naman natupad? yan ba ang sinasabi mong ako lang ang iibigin mo? bulkrap pala un eh, kasi asan ka na? bigla ka na lang nawala at iniwan akong nagiisa.

hay naku, titigilan ko na nga ang pagiisip, baka ma-late pa ako sa lakad ko. ayoko namang paghintayin sya.

nakasakay na ako ng jeep nang maalala ko kung san ako patungo. sh*t na naman. bakit pa kasi dun ko pa sinabing magkita kami. lugar kasi natin un dati eh, lugar na kung san nagtapat ka ng pagmamahal mo sa akin. tapos ngayon babalik ako dun matapos lang ang ilang buwan. ayos naman na araw ito, bakit parang lahat na lang eh nagpapatungkol sayo? ikaw na gusto ko nang kalimutan. ikaw na gusto ko nang mabura ng tuluyan sa buhay ko. ikaw na.. ah ewan, wala na rin namang patutunguhan ito.

gusto ko lang namang maging masaya eh. gusto lang ng taong magaalaga sa akin. ung taong di lang mangangako, kundi gagawin talaga nya lahat ng sinasabi nya. akala ko noon nakilala ko na sya, pero nagkamali ako.

ano ba tong iniisip ko? nakaraan na naman, pano naman ba ako magiging masaya nito? haay, iiwas na lang muna ako sa mga kanta na makakapagpaalala sa kanya.

one missed call.

may tumawag pala, di ko tuloy narinig. sino kaya to?

ikaw pala.

ang hirap nang magtiwala ngayon, lalo na kapag ilang beses ka nang nasaktan at naloko. magingat ka na ngayon ha?

yan ang sabi ng kaibigan ko habang nagkukwento ako tungkol sayo. sinabi ko kasi na masaya ako ngayon at ikaw ang dahilan. sa tuwing naaalala kasi kita, di ko mapigilan ang ngiti. masaya ako sa tuwing nakakausap ka, masaya kapag paulit-ulit kong binabasa ang mga mensahe mo. minsan nga, di ko na maipaliwanag kung gaano ako kasaya. basta masaya un na un.

gusto kitang alagaan habambuhay.

sana nga mangyari. sana nga di mo ako iwan. dahil sa kakaunting panahon na nakilala kita, natutunan na kitang mahalin.

mama, para po.

naku, late na ata ako sa usapan natin. sensya na, trapik kasi. habang naglalakad ako, narinig ko ang boses ni Ebe Dancel, ang lakas kasi ng patugtog sa isang bahay.

Alaala ng lumuluhang kahapon
Dahan-dahan ko na ring kinakahon
Natagpuan ko na ang tunay kong ligaya
Lumabas ako ng kwarto’t naroon siya..

natigilan ako at di ko namalayang nagring ang telepono ko.

o bakit ka natigilan dyan?
huh? anong natigilan? pano mo nalaman?
tingin ka sa may tindahan.

hinanap ko ang tindahan at andun ka. napangiti na lang ako nang makita kang papalapit sa akin.

di ko na kailangang alalahanin ang nakaraan dahil andyan ka na. hindi na rin ako kayang saktan ng sino man dahil alam kong ipagtatanggol mo ako. di na ako kelangan malungkot pa, dahil sayo. ngayon, masasabi kong natagpuan ko na ang tunay kong ligaya.

at ikaw un.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.