photoblog #8: faces.

Posted 4 years ago photoblog

isang 23 years old.
isang 14 years old.
at isang one year old.

isang isip-bata.
isang pwede pang ituring na bata.
at isang kelangang alagaan dahil bata pa.

isang iyakin.
isang mahilig mang-asar.
at isa namang gusto’y sya ang masusunod parati.

isang bente-tres.
isang katorse.
at isang kakabirthday lang.

pare-parehong makukulit.
pare-parehong mahilig sumayaw.
pare-parehong gusto si Hello Kitty.

at pare-parehong mahilig magpose kapag nakakakita ng camera.

quickie

Posted 4 years ago so random

isang YM convo:

arvin: lagi ka na lang may sakit ah. baka pumayat ka nyan.
karmi: sana nga pumayat ako eh noh.
arvin: hehe.

masama na naman pakiramdam ko.
sakit na naman.
NA NAMAN.

hayup naman talaga.

usapang rebate

Posted 4 years ago buhay SATown, current events

Tax rebates coming earlier.

yan na ata ang pinakamaganda balitang nabasa ko sa Yahoo page.

ayon sa Savvysugar.com:

Those of you eagerly awaiting your tax rebate checks will rejoice at the Treasury Department’s announcement that they’re depositing the checks ahead of schedule. Their original announcement stated that May 2 would be rebate check opening day, but they’ve updated their schedule with the early start date of Monday, April 28.

siomai! makukuha ko na ung rebate ko next week! :D sakling-sakto na panggastos at sa paguwi ko ng Pilipinas.. yehey na yehey ito!

bakit nga ba may rebate? kasi ayon kay President Bush:

“The rebates — up to $600 for an individual, $1,200 for a couple and an additional $300 for each dependent child — are the centerpiece of the government’s $168 billion stimulus package, enacted in February. Roughly 130 million households are expected to get them.”

“The money is going to help Americans offset the high prices we’re seeing at the gas pump, the grocery store, and also give our economy a boost to help us pull out of this economic slowdown.”

ang taas na rin kasi ng presyo ng gasolina at bilihin dito. di lang halata pero humihina ang ekonomiya ng US. kelangan ng pera ng mga tao na panggastos. kelangan ko ng perang panggastos! hehehe.

ma, punta tayo ng mall.
bakit? may bibilhin ka ba?

wala po. maghahanap.
maghahanap ka ng bibilhin? wag na. gastos lang yan. dito na lang tayo sa bahay.

ma, kelangan nating tulungan ang ekonomiya ng Amerika.
……
saka kelangan ko rin po ng bagong damit. :)

*****

source:

http://news.yahoo.com/s/ap/20080425/ap_on_bi_ge/bush_economy

Anung una mong nasasambit mo ‘pag nakakita ka nito?

Posted 4 years ago Litratong Pinoy
Pila

Ang haba!

O ha, pasok na pasok ito para sa kategorya ng Litratong Pinoy sa linggong ito. Pinoy tayo kaya imposibleng hindi mo naranasang tumayo’t maghintay sa likod ng maraming tao, tama, isang pila. May pila para makakuha ka ng class tuwing enrolment, at kahit para mabawasan ka ng subject ay may pila pa rin. May pila bago makapasok sa mall, pila para makapagtry ng damit sa fitting area, at pila na rin kapag bibili ka na. Pila sa Jollibee kapag nagugutom at pila naman sa cr pag nasobrahan pagkatapos. Pila sa sinehan, sa sakayan ng dyip, at sa kung saan-saan pa. Oo,

Habang may buhay, may pila.

Paggising ko pa lang ay may pila kaagad na dapat ako ang mauna, dahil kahit tatlo lang kaming magkakapatid ay nakapila pa rin kami sa iisang banyo. Ang problema, parehong babae ang kapatid ko at (wala nang kokontra) matagal silang maligo. At kailangang bilisan dahil nagsisimula pa lang ang araw at marami pa akong pilang pipilahan.

Sunod ay sa may MRT na pila, ang mother-of-all-pila, na kapag nalampasan mo ito, kakayanin mo na ang kahit na ano pa mang pila na darating sa buhay mo. Sa may North Ave. station ako sumasakay bandang 7.30 ng umaga at sinasabi ko sa iyo, grabe, sa dami ng tao, nasasakop namin yung dalawa sa tatlong lanes ng kalsada ng EDSA. Bakit kamo ito ang pila above all other pila? Kasi naman, sa isang ordinaryong pila ay nasa harap at likod mo lang ang may tao, e sa pila sa MRT, lahat ng direksyon meron! Kaliwa kanan, harap at likod.

At any point in time ay may walong taong nakadikit sa iyo, parang minesweeper. Sige, bilangin mo next time na sumakay ka tuwing rush hour. Nakakabaliw, sa sobrang nakakabaliw, magsasawa ka na sa kabaliwan at magiging ok ka na at pagkatapos nun ay mababaliw ka ulit. Apat ang hagdanan paakyat sa MRT, apat na beses din uulit ang cycle na yan (Results may vary with metabolism).

Pagkababa ko naman sa MRT ay may pila ulit pagsakay ng bus, yung kinuhanan kong litrato sa taas. Korning pila, diretso, maayos, maaliwalas, hindi pwedeng sumingit! Wala kang magagawa kundi i-embrace ang kahabaan ng kapilahan. Maghintay, maghintay at maghintay pang muli.

At pagpasok ko sa building ng opisina para sa aking ojt, ooops, pila pa rin. Pila naman sa elevator. Ayan, sa loob ng unang tatlong oras sa araw-araw ay matinding pilahan na ang sinusuong ko, grabe. Haaay, paano nga naman ba ang mundong walang pila? Pwede ba yun?

Isang mahabang entry para sa isang mahabang bagay para sa lingguhang kategorya. Opsops, pila-pila lang sa comments ha:)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.