8 months ago by karmi wala akong magawa dito sa trabaho kaya naman mega bisita ako dito sa idlip. naglogin ako sa wordpress at sumagot na rin sa mga nagcomment. pinuntahan ko ung manage tab at nakita ko ung mga post ko nitong mga nakaraang araw. grabe. di ko maitago ang kasiyahan ko. :D
salamat. sobrang salamat sa mga taong laging nagpupunta dito sa idlip. salamat sa mga comments nyo. grabe, ngayon lang ata naging ganito kadami ung mga nagco-comment sa mga post ko. talagang dobol-digits lahat?! grabe.. ^_^ kahit na lagi na lang madrama ang mga post ko eh nagtya-tyaga kayo. grabe. sobrang thank you talaga! :D di nyo lang alam kung gaano nyo ako napapasaya. ^_^
hehe. ambabaw talaga ng kaligayahan ko. pero, i really appreciate it. :) (naks, english?)
tenk you..
– sa mga ka-idlip ko.. arvin, yeye, noime at thea na lahat ata eh naka-hiatus. hehe.
– kay ate melai na lagi kong nakakausap at kinukulit. :)
– sa mga regular commentors.
– sa mga pers time na napapadpad sa idlip na nagtatag sa shoutbox at nakikipag ex-links.
– sa mga di nagpaparamdam. ung di nagiiwan ng kahit na anong bakas. hehe. ^_^
– kay kuya boggs! hehehe, (ayan kuya special mention ka).. sa mga comments mo, nakakatuwa dahil kahit mga hindi blogger eh napapabasa ng blog ko. :)
– sa mga nagse-search sa google at yahoo tungkol sa “wanted textmate/chatmate”, “pano nga ba maging masaya”, “pano magpapayat”, “EDSA” at kung anu-ano pa na napapadpad sa blog ko. sana may napulot kayong kapaki-pakinabang dito. :)
– sayo, na nagbabasa nito. :) salamat.
mga ilang beses ko na atang nasabi ung thank you noh? hehehe. ^_^
April 1 ngayon, 4 months na rin ang idlip. kahit na ilang beses nang nagkaproblema ung site, andito pa rin. going strong at madrama pa rin ung may-ari. :) hehe.
ang galing, kala ko di ako makakapagpost ngayon. sobrang natuwa lang kasi ako. :) hehe..
muli.
SALAMAT! ^_^
[edit]

ate cams: salamat sa post mo. :) grabe, na-touch po talaga ako.. ^_^ love you ate.. sana talaga naging kapatid na kita.. :) sa june ha! mwah!
[/edit]
wow naman.. ahaha masya nga talaga magbasa ng past memories.. ahehe
====
oo nga. :)
salamat sa laging pagco-comment ha. ^_^ tc!
halata na happing happy ka sa ngayon…nakakatouched talaga pag nakakabasa ng mga suggestions/opinions ng ibang bloggers lalo na’t kapag may SENSE ^.^
congrats at 4months na tong blog mo at haha…going strong? hanep ah parang relasyon lang jokeness. goodluck sis and kaya mo yan. mwah!
====
halata bang happy? :) hehe..
oo, parang ka-relasyon ko na tong blog ko.. lol hahaha. i really need to get a life.. :P
likewise super thank you too. thank you for the special mention in bold letters. hehe :-)i should be the one to thank you for filling up my senses in reading your articles. your so emotional and yet your also makulit haha… just continue what your doing. enjoy! goodluck
====
naman kuya. :) hehe. wow, may sense pala ung artiks ko.. ^_^
emotional & makulit. sakto un description mo kuya. hehe.. ^_^ salamat ulit.. :)
magblog ka na rin po…
add kita sa blogroll ko ha
====
salamat. :) add din po kita.
walang anuman.. wui!! Happy April Fool’s Day!! may ppalaro ako sa inyo.. check mo sa April 1 post ko :P
====
^_^
cge, check ko ung post mo…
salamat din sa blog mo, at nakilala kita.
di ka talaga makakalimutan ni ate. ;)
mwah! tecee lagi karms! ;)
====
*hugs* ate.. salamat din sayo.. :) grabe, ang dami kong naikwento sayo tungkol sa mga kagagahan ko.. hahaha.. ^_^
kung meron ata akong ate, eh ikaw ata un.. magkaugali kasi tau diba?
lab yah ate!! mwah!
ay mas lalo naman ako, dami ko din naikwento sa u haha.
pero, tsiklet na yun. waaaa
eto… isang post para sa u. http://camilleeee.wordpress.com/2008/03/28/panu-nga-ba-kita-nakilala/
labyu karms! mwah!
====
waaaa.. ate, pinaiyak mo naman ako.. *sob*
sobrang touched naman ako.. :)
salamat. sana nga naging kapatid na kita noh?
haaaay.. ^_^
lab yah ate!!!
i love you carme ..hehehehe nabasa ko dito sa the sisters ni danielle steel yung apat na magkakapatid na babae laging nagsasabi ng i love you sa isa’t isa kaya ginaya ko lol!!
walang anuman..pansin ko nga na marami kang readers at commenter ngayon..ganyan talaga mababait na tao :) laging dinadalaw at kinakausap :)
====
love you too ate. :)
hahaha. mabait po ako? lol
mas mabait ka po sa akin.. hehehe.. ^_^
mwah!
hi, mam hope you can drop by sa blog ko pakinggan mo yun song sa new entry ko at hope you comment sa song good or bad. thank you
====
salamat po sa pagdaan. :)
wow, mam. hehe, nagulat po ako dun.. ate na lang po itawag mo sa akin. :D
cge po, magco-comment po ako dun sa entry nyo.. tc! ^_^
april fools ba ito?
hehehe :) joke lang XD panalo naman! andami mo na palang bwisita dito at isa na ako dun :D hehehe XD sana lalo pang dumami ang mga bwisita mo ate karmi :D mwaaaaaaahness :D hahaha XD
====
haha. di nga sakto sa april fool’s tong post ko diba? masyado daw kasi akong mabait para manloko.. hehehe.
naman, isa ka po sa mga madalas bumisita d2 sa idlip. kaya sobrang tenk you sau..
talagang bwisita? di naman.. hehehe.. ^_^
Syempre naman, comment galore ako dito kasi enjoy ang pagbabasa ko! :D
Ayun, yerr welcome ate. :D
Salamat din at part ka ng online life ko.
Ay may ganun? HAHA.
====
wow. tats naman ako ayiene.. :)
salamat din at naging part ka ng online life ko.. ^_^
haappy 4th monthsary sa idlip!
====
thanks po! :)
hi karmi namiss kita =) mwah!
====
roselle.. musta na?
missed you too.. mwah!
awww… buti naman po at masaya ka na… be happy ate! love you!
====
thank you. :) lab yah too! ^_^
Super thank you rin:D ikaw kasi e *yakap*
tinignan ko yung search keywords nung sa timid.
ang nasa top e, hehe, yung pangalan ng crush ko dati
“kathlyn charmaine juansing”. isang stalker entry, hehehe.
Nag-iisang result sa Google yan, adik.
====
*yakap*
grabe. stalker ka talaga. lol
complete name? tsktsktsk.. hehehe..
talagang cnabi na nakahiatus kame hehehehe senxa na tol. babalik na din ako…
====
nu ka ba? ok lang un. :)
gudlak sa grades.. ^_^