April 3, 2008 » 715 days ago
Litratong Pinoy

Mainit ang panahon kaya hindi ako nakakapagkape masyado (oo, umiinom pa rin ako ng kape). Kaya napapadalas ata ang pagbili ko ng softdrinks in can. Pero yun ay kapag purga naman na ako sa C2 litro.
E kasi naman, dalawang linggo nang puyat dahil sa di matapos-tapos na projects. kaya eto nga’t pupunta pa ako sa iskul para magpresent ng para sa CS 165. Ewan ko ba at nagsususalt pa ako ng entry na ito. Ay tama, para nga pala sa litratong pinoy, dahil kada huwebes ay may photo post na kailangan gawin, kasi kasali ako, hehe. Haay, pero hindi ko masyadong napaghandaan ito kasi nga busy, kaya eto muna. Bawi na lang sa susunod na linggo:D
Huwag ka nang kabahan, hindi ko ipopost ang tiyan ko dito, hehe.
April 3, 2008 » 716 days ago
inlove, photoblog, writings
nagpunta ako ng bookstore dahil naghanap ako ng bagong babasahing libro. tapos ko na kasing basahin ung mga nabili kong libro last month. pero sa halip na libro ang nabili ko, eh ito.

dun sya nakalagay sa may mga Naruto na manga. nang makita ko ito ay napangiti ako’t naalala kita. nakita ako ng aking kapatid na hawak ung laruan at tinanong ako kung bibilhin ko daw ba. sabi ko, oo. di na nya tinanong kung bakit, alam na ata nya kung kanino ko ibibigay.
di ako nanonood ng Naruto. ni hindi ko nga alam ung istorya nito. ngayon, di pa rin ako fan, pero naging ’special’ na rin sya para sa akin, dahil sayo. gusto ko na rin ang Naruto kahit na alam kong kapag papipiliin ka kung sino ang mas gusto mo, kung ako o si Naruto, eh ung huli ang pipiliin mo. :P
ok lang ba kung yan na ung birthday gift ko sayo? ^_^
ayoko na kay spiderman.
teka. superhero ba si naruto?
ay ninja pala sya.
ah basta, ikaw na ang superhero ko. :)