Kaya bumibilog ang tiyan.

Post Info 8 months ago by komski

bilog

Mainit ang panahon kaya hindi ako nakakapagkape masyado (oo, umiinom pa rin ako ng kape). Kaya napapadalas ata ang pagbili ko ng softdrinks in can. Pero yun ay kapag purga naman na ako sa C2 litro.

E kasi naman, dalawang linggo nang puyat dahil sa di matapos-tapos na projects. kaya eto nga’t pupunta pa ako sa iskul para magpresent ng para sa CS 165. Ewan ko ba at nagsususalt pa ako ng entry na ito. Ay tama, para nga pala sa litratong pinoy, dahil kada huwebes ay may photo post na kailangan gawin, kasi kasali ako, hehe. Haay, pero hindi ko masyadong napaghandaan ito kasi nga busy, kaya eto muna. Bawi na lang sa susunod na linggo:D

Huwag ka nang kabahan, hindi ko ipopost ang tiyan ko dito, hehe.

Post a Response Comment icon Posted April 3rd, 2008 at 8:25 am

22 Responses to “ Kaya bumibilog ang tiyan. ”

  1. carme

    di naman ako kinabahan. alam kong hindi picture mo ung ilalagay mo dito, kasi sabi mo nga oblong ka at hindi bilog.. hehe. ^_^ *yakap*
    nice, so every thursday, may update ka na. yey! buti naman.

    ganda ng litrato. ayan, may gamit na ung bago mong digicam.. :)

  2. yeye

    kala ko kaya bumibilog ung tiyan kasi kakainom ng alcoholic drinks..hahaha..ascites hahahaha

    oblong at hindi bilog. natawa tuloy ako hjahaha

  3. Dyes

    ayos sa bilog :) hihingi sana ako ng isang coke zero (para di lumobo ang tyan) kaya lang, bukas na lahat ng sopdring mo :D

  4. Thesserie

    Kakaibang bilog para sa L.P. itong nasa larawan mo….kahit nakaka bilog ng tyan, oks lang..ang ganda ng anggulo ng kuha mo :)

  5. Kotsengkuba

    ayus, wala pa kagabi to. nalito pa ko dun sa “wala dyan, nasa likod na yung akin” kala ko patungkol yun sa bilog mo hindi pala.

    nga pala, fanatic karin pala ni bob ong? kita ko lang sa blogger profile mo. hinahanap ko kung san na ang blog nya ngayon kase wala na yung bobongpinoy.com na hindi ko naman nakita kahit dati pa.

    may ganyan din akong kuha sa photoblog ko http://www.digital.kotsengkuba.com/2008/02/22/lets-drink-to-that/ ;-) sarado ang bahay ko ngayon at binabangungot ang host ko

  6. Meeya

    hindi pa napaghandaan yang lagay na yan? hehe! maganda naman ang iyong kuha. pati ang caption nakakatuwa. :)

    good luck sa projects mo. :)

  7. arvin

    @carme: Oo na, hindi na bilog. Hala, oo nga ano, every thursday? grabe nga ano.

    @yeye: hehehe, hindi ako umiinom ng alcoholic drinks. Pero para na rin akong may beer belly nito, asar. Oo, oblong, hindi bilog, hehehe. Carme o.

    @Dyes: Ubos na nga yung coke zero. Iba-iba yan, mountain-dew at royal, hehe. May binili ulit ako kanina, sprite naman.

    @Thesserie: Maraming salamat! Kakaiba ba? hehe, nasa harap lang ng pc ko nakahilera yan kaya nakita ko kagad, nung naalala ko yung sa LP, hehehe.

    @Kotsengkuba: Kagabi? hehe, late na nga po ako nakapagpost, tanghali na dito. Opo, isa akong kabobo, hehe. Wala na ata siyang blog e, ewan, hehe. Hindi ko rin naabutan yung bobongpinoy.com, sayang.

    @Meeya: Salamat, hehe. Waah, sana may maganda rin akong camera hehehe:D

  8. weng

    nakakatuwa talaga kung paanong nagagawang napakagandang lumabas sa larawan ng mga ordinaryong bagay. ang ganda ng larawan. :) mabuhay!

    Munchkin Mommy
    Mapped Memories

  9. Lizeth

    magandang larawan din!!!

    nakakatuwa ang gagaling ng mga larawan… kakaiba ang sayo at maganda ang pagkakakuha :)

    maligayang biyernes!

  10. mia
    mia

    wow… lumaki tiyan ko gawa ng coke.. hahaha! minsan nakakasawa na kasi ang c2 e. haha/..apir

  11. mia
    mia

    parang type ko sumali sa litratong pinoy

  12. nona

    Simpleng bagay na bilog pero nakuhanan mo ng magandang anggulo, binyag sa bagong digicam mo ;) cheers to that! Nice meeting you bro…

  13. Studio Juan

    swak na swak sa mga uhaw ang iyong larawan kaibigan na Komski(arvin)
    salamat pala sa pagiwan ng kumento sa aking post (–,)

  14. arvin

    @weng: Nakakatuwa nga. kaya gusto ko talaga magkacamera para matry ko din:D

    @Lizeth: Salamat! Magagaganda nga yung sa mga kasali. Nakakainggit nga yung iba e, hehe.

    @mia: Nakakasawa ang C2 pag marami. Pero ewn ko lang kung ano ang mas nakakalaki ng tiyan. Hmmmm. Sige, sali ka rin:D

    @nona: Maraming salamat!Binyag talaga. Buti napilit ko yung nanay ko sa pagbili, hehe.

    @Studio Juan: Maraming salamat din sa pagbisita. Swak ba? E wala na nganag laman e, hehe. Bili na lnga ulet:D

  15. Girlie

    haha natawa ako sa title…kaya pala malaki tyan ko dati…

  16. ee-ey

    hehe.. ako rin malaki na tyan.. wahahaha pero di sa softdrinks and alcoholic bev… it runs in the blood. hehe

  17. bluep

    mabuti na lang nakapagpigil din ako at di ko rin inilathala ang aking tiyan na bilog sa LP entry ko haha.

    Salamat nga pala sa pagdalaw palagi sa blog ko. natatandaan ko kasi palagi avatar mo. di naman ako makapunta rito sapagkat madalang ako magbukas ng mybloglog account ko. ngayon lang ako nakapunta dito.

  18. arvin

    @Girlie: Pero isa lnag naman yan sa mga dahilan:)

    @ee-ey: Hmmm, malas ako, parehong dahil diyan at sa angkan na rin, hehe.

    @bluep: Mabuti nga:D Palagi nga ako nakakadaan sa blog mo pero hindi naman nakakapagcomment, hehehe. Salamat sa pagbabasa:D

  19. sj87
    sj87

    Yaman oh! Pasoftdrink-softdrink na lang oh; at in can pa! Iba na talaga kapag myembro ng prominenteng pamilya ng Bulacan! Woohoo! LOL ;p

  20. juvil

    bwahaha

  21. Arvin

    @sj87: Kapag nagkacamera ka, sali ka rin:D Pero kaya na yata nung sa phone e.

    @juvil: Tawa ka diyan, hehe.

  22. Pinky

    Sobrang gandang unang entry para sa LP - congrats! Di ka pa handa sa lagay na yan? Inggit naman ako! Hahaha! :lol:

    Dalaw uli ako sa Huwebes ha? ;)

    PS Salamat din sa pagbisita sa site ko…hanggang sa muli!

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.