pd kbng mtwgn ng mga 12 mdnyt oras d2?
cge.
di ko pa binubura ung txt mo sa akin. nung nabasa ko un, di ko alam kung anong isasagot ko kaya simpleng ‘cge’ lang ang naireply ko. kinabahan ba ako? oo, mejo. dahil matapos ang higit 4 na buwang walang paguusap, ngayon ko na lang ulit maririnig ang boses mo. kinakabahan ako kasi baka..
umuwi ako sa bahay ng parang normal na araw lang. nagchat, nagbloghop. pero iniintay kong magalas-onse, dahil tatawag ka na. sabi nung kausap ko, intayin daw nyang matapos ung paguusap natin. sabi ko sige. medyo nawala ang kaba ko. naisip ko rin, ito naman ang ginusto ko. gusto rin kitang makausap para maging malinaw na ang lahat. madami akong gustong itanong sayo. mga tanong na higit 4 na buwan nang naglalaro sa isipan ko. ayoko na din kasing magtanim ng galit pa. ako rin ang nahihirapan.
nagring ang telepono, ilang minuto paglipas ng alas-onse. ako na ang sumagot dahil alam kong ikaw na un. sinagot ko ang tawag at narinig ko ang boses mo. ganon pa rin. walang pinagbago.
trenta minutos ding tumagal ang tawag. pero mas maikli pa ung mismong paguusap natin. madami kasing moment of silence sa pagitan nating dalawa. dahil na rin siguro sa tagal na nating di naguusap, nailang na tayo sa isa’t-isa. kahit ako di ko alam ang sasabihin ko. di naman ako kinakabahan. di rin ako galit. hindi ko alam kung ano ung nararamdaman ko ng mga sandaling un. basta, kausap na kita un lang. ok na un.
’sorry at salamat’, yan ang sabi mo. sabi ko, nangyari na. wala nang magagawa pa. sabi mo, nagbago ka na. malaki ang pinagbago mo. sabi ko, ako rin, di lang halata. nagpapasalamat din sa ako ginawa mo sa akin. sabi mo, makulit pa rin ako. di na ata talaga matatangal sa akin un. makulit na rin ata kasi ako since birth.
….mahirap na, baka mainlove na naman ako sayo. ayoko na.
ako rin. kaya ayoko munang tumawag sana eh.
ay pasensya.
ok lang, buti nga nakausap kita.
un na siguro ung huli nating paguusap. di mo man nasagot lahat ng gusto kong malaman, ok na rin. di mo na rin kasi kelangan pang magexplain. ang importante nakausap na kita. ok na ako.
alam kong mababasa mo ito. salamat sa tawag mo ha, saka goodluck na lang.


![E[kwento]MO: bawat emo, may kwento.](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small.png)







