the call.

Add comments April 8, 2008 » 708 days ago
emo daw, writings

pd kbng mtwgn ng mga 12 mdnyt oras d2?
cge.

di ko pa binubura ung txt mo sa akin. nung nabasa ko un, di ko alam kung anong isasagot ko kaya simpleng ‘cge’ lang ang naireply ko. kinabahan ba ako? oo, mejo. dahil matapos ang higit 4 na buwang walang paguusap, ngayon ko na lang ulit maririnig ang boses mo. kinakabahan ako kasi baka..

umuwi ako sa bahay ng parang normal na araw lang. nagchat, nagbloghop. pero iniintay kong magalas-onse, dahil tatawag ka na. sabi nung kausap ko, intayin daw nyang matapos ung paguusap natin. sabi ko sige. medyo nawala ang kaba ko. naisip ko rin, ito naman ang ginusto ko. gusto rin kitang makausap para maging malinaw na ang lahat. madami akong gustong itanong sayo. mga tanong na higit 4 na buwan nang naglalaro sa isipan ko. ayoko na din kasing magtanim ng galit pa. ako rin ang nahihirapan.

nagring ang telepono, ilang minuto paglipas ng alas-onse. ako na ang sumagot dahil alam kong ikaw na un. sinagot ko ang tawag at narinig ko ang boses mo. ganon pa rin. walang pinagbago.

trenta minutos ding tumagal ang tawag. pero mas maikli pa ung mismong paguusap natin. madami kasing moment of silence sa pagitan nating dalawa. dahil na rin siguro sa tagal na nating di naguusap, nailang na tayo sa isa’t-isa. kahit ako di ko alam ang sasabihin ko. di naman ako kinakabahan. di rin ako galit. hindi ko alam kung ano ung nararamdaman ko ng mga sandaling un. basta, kausap na kita un lang. ok na un.

’sorry at salamat’, yan ang sabi mo. sabi ko, nangyari na. wala nang magagawa pa. sabi mo, nagbago ka na. malaki ang pinagbago mo. sabi ko, ako rin, di lang halata. nagpapasalamat din sa ako ginawa mo sa akin. sabi mo, makulit pa rin ako. di na ata talaga matatangal sa akin un. makulit na rin ata kasi ako since birth.

….mahirap na, baka mainlove na naman ako sayo. ayoko na.
ako rin. kaya ayoko munang tumawag sana eh.
ay pasensya.
ok lang, buti nga nakausap kita.

un na siguro ung huli nating paguusap. di mo man nasagot lahat ng gusto kong malaman, ok na rin. di mo na rin kasi kelangan pang magexplain. ang importante nakausap na kita. ok na ako.

alam kong mababasa mo ito. salamat sa tawag mo ha, saka goodluck na lang.

Mga Kahalintulad na Posts



17 Responses to “ the call. ”

  • pare says:

    maraming salamat din sayo! sorry ulit…
    ingat ka palage at goodluck
    paalam… pare…

    ====

    salamat sa comment.
    paalam din pare.

  • Pahn says:

    “di mo man nasagot lahat ng gusto kong malaman”

    nakow,, patay tayo dyan,, :P

    ====

    grabe naman. bat naman patay. :P

  • Ev says:

    ganun nga talaga siguro yung feeling kapag walang closure ang isang relationship…andaming tanong sa isipan. i dunno if we have the same story..pero i feel your entry.

    ====

    korak. madaming tanong na di masagot. mga tanong na di na talaga mabibigyan ng sagot.

    salamat po sa pagdaan. ^_^

  • arvin says:

    oo, huwag na nga. ok ka na naman na di ba? *yakap* dito lang ako para sa iyo:)

    ====

    opo. ok na ako. :) salamat sayo.
    *yakap* andito lang din ako para sayo. ^_^

  • misyel says:

    the good thing is nagusap na kayo, mas maliwanag na dba? :)

    ====

    opo ate misyel. :) mas maliwanag na ngayon. ^_^

  • ize says:

    ouch!!!! bitter ka pa rin po ba? kase.. uhm,.. wala lang. may ex din kase ako e. lolx. pero nung nagbreak kame, naging friends kame. and thought almost 1 year kaming walang communication after our break up, nung mag-usap kame, ok naman. makulet pa rin kame. hehe.

    why dont u work things out ate, kung hindi nagwork yung relationship nyo as lovers or couple, maybe as friends.. :)

    nakakatawa. pare din tawagan namin ng ex ko. waw

    ====

    di naman ako bitter. :) swerte ka dahil naging friends pa rin kayo ng ex mo. di kasi lahat ng relationships na nagend na ay pwedeng maging friends pa rin. pero di man kami friends, siguro civil naman. :)

    pare din ba tawagan nyo? ^_^ hehe.

  • cielo says:

    bunso, may halong lumbay at ngitngit itong post naito….smile ka naman dyan and everything….

    ====

    smile na po ate. :D
    ala naman pong ngitngit. hehehe.

  • rio says:

    ** hugs** karmi…
    ramdam ko ang lungkot na naandyan s puso mo….cheer up!!
    ke ganda ganda mong bata e! yaan mo na muna yung mga bagay na hindi nabigyan ng paliwanag..darating ang panahon na malalaman mo ” in your own way” kung bakit nangyari yun…=) may sense b yung sinabi ko?? lol

    ====

    meron namang sense ate. :) salamat po.
    meron nga po atang mga bagay na di na kelangan pang ipaliwanag. kasi pwedeng masaktan ka pa sa mga malalaman mo.. dumating na po ata ung time na un ate. at un ay nung makausap ko na sya sa telepono. :)

  • camilleeee says:

    hmm, parang ramdam ko ang ‘nararamdaman’ mo ngayon. hehe
    ok lang yan, tama na yung nakapag usap kayo. yun na yun.

    basta isipin mo na lang, may mga bagay na ‘mas’ makapagpapasaya pa sa tin kung ito’y mas pagtuunan natin ng pansin ;)

    cheers karms! ate labs yu mwah! ;)

    ====

    salamat te cams. :) ito ung ikukwento ko sayo dapat. hehe. ^_^
    masaya na rin ako kasi nakausap ko na sya. at least malinaw na ang lahat.. :)

    love you too ate! mwah!

  • abou says:

    all things happen for a reason. ha? ewan, bahala ka na.

    ====

    opo nga kuya. salamat ha. :)
    kitams, seryoso ka naman eh. ^_^

  • Cindaaay says:

    omg. prang teleserye.
    galing mo magsulat.
    gumawa ka kaya ng fanfic?
    haha :)

    ====

    haha. pang-teleserye ba ang drama? :P
    nasosobrahan na ata ako sa panonood ng mga ganon.. hehehe..

  • yeye says:

    hmmm..wak na malunkot tol…*yakap kita*

    ayan hmm ako hindi ko binubura mga txt mo skin hehehehe.
    :)

    hehehehe

    ====

    salamat tol. di na naman ako malungkot. :)

    hehe, oo nga. sabi mo, ipapabasa mo sa akin ung mga messages ko sau.. :D

  • boggs says:

    is that real? was it a call from someone with whom you had a past relationship? or was it your playful mind that composed that article? hmm.. anyways enjoy life and be happy always! smile :-)

    ====

    this is real kuya. :)
    thanks po. ^_^

  • GYK says:

    aww. puro love life post natin ah? pati c ayiene, xG. ako.

    at least nagusap kayo

    ====

    love is in the air ba? summer love kasi ata. ^_^
    oo. ok na rin na nakapagusap kami.

  • repah says:

    bat ganun parang malungkot pa rin…. hayyy sabagay ganun tlga.. yaan mo sis.. pero gudluck na lng sa kanya..

    ====

    parang malungkot pa rin ba? hmmm. di naman. :)
    oo nga, gudlak na lang. ^_^

  • shane says:

    ang lalim… hinde ko alam kung ano ang ngyari… pero kung may masamang ngyari noon dapat kinakalimutan na po… pero kung gusto niyo nang itigil ang connection na namamagitan sa inyo… sayang naman din po di ba? siguro nga oras lang ang magpapahilom sa masamang kahapon…

    ====

    nakalimutan ko na po. :) gusto ko lang na official na talaga.
    hmmm. mas ok na rin na wala na lang communication. :)

  • lalaine says:

    it’s good to know na kahit papaano eh may communication na uli kayo. :)

    ====

    un na po ung huling usap namin ate. :)

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.