
12 beautiful novels. 1 great author.
been a fan ever since reading A Walk to Remember til the last pages of The Choice.
can’t wait for his next novel. :)
you did it again Mr. Sparks. you never fail to make me cry.
kundiman[dot]netdahil ang tanging panalangin ko ay ikaw.
12 beautiful novels. 1 great author.
Sino nga naman ba ang makapagsasabi, noo’y kinuha ko ang aking huling exam sa math, akalian mong may silbi pa pala sa akin ang kinaaasaran kong subject na ito pagkatapos ng araw na iyon. Pero hinde para maka-solve ako ng isang problem tulad ng pagkuha ng distance between points A and B, o area directly below a continuous function g(x) and above the x-axis, double at triple integrals, optimizations, limits, roots, o pati na rin space at time complexity O(n). Maniwala ka, wala akong ideya sa mga pinagsasasabi ko ngayon-ngayon lang. Pero dahil sa kategorya para sa linggong ito ng Litratong Pinoy ay binuklat kong muli, este, binuklat ko na sa wakas ang aking libro sa math. Ayan, makikita sa litrato ang gradient function (ata) denoted by the inverted greek capital letter delta which can be solved by evaluating the integral hmmm… hindi ko nga pala alam kung paano. Basta, basahin mo na lang yung libro kung gusto mo malaman kung paano nga. Pero meron din namang nakakatuwang bagay sa math, at yun ay ang iba sa mga guro. Para sa aming class na natapat sa araw ng mga puso, imbis na x ang variable name na ginamit ng titser naming si Sir Rovin, ay ♥ (heart) ang ginamit niya. O ha, we found ourselves finding ‘love’ instead of finding x on Valentines day. Paniguradong may naging titser ka rin na may kung anu-anong gimik at pakulo para lang huwag tayo antukin sa isang madalas na boring na lecture sa math. |