Kinalimutan na kita. Nagmove-on na ako.

Add comments April 10, 2008 » 704 days ago
Litratong Pinoy

gradient function

Sino nga naman ba ang makapagsasabi, noo’y kinuha ko ang aking huling exam sa math, akalian mong may silbi pa pala sa akin ang kinaaasaran kong subject na ito pagkatapos ng araw na iyon. Pero hinde para maka-solve ako ng isang problem tulad ng pagkuha ng distance between points A and B, o area directly below a continuous function g(x) and above the x-axis, double at triple integrals, optimizations, limits, roots, o pati na rin space at time complexity O(n). Maniwala ka, wala akong ideya sa mga pinagsasasabi ko ngayon-ngayon lang. Pero dahil sa kategorya para sa linggong ito ng Litratong Pinoy ay binuklat kong muli, este, binuklat ko na sa wakas ang aking libro sa math.

Ayan, makikita sa litrato ang gradient function (ata) denoted by the inverted greek capital letter delta which can be solved by evaluating the integral hmmm… hindi ko nga pala alam kung paano. Basta, basahin mo na lang yung libro kung gusto mo malaman kung paano nga.

Pero meron din namang nakakatuwang bagay sa math, at yun ay ang iba sa mga guro. Para sa aming class na natapat sa araw ng mga puso, imbis na x ang variable name na ginamit ng titser naming si Sir Rovin, ay ♥ (heart) ang ginamit niya. O ha, we found ourselves finding ‘love’ instead of finding x on Valentines day. Paniguradong may naging titser ka rin na may kung anu-anong gimik at pakulo para lang huwag tayo antukin sa isang madalas na boring na lecture sa math.

Mga Kahalintulad na Posts



16 Responses to “ Kinalimutan na kita. Nagmove-on na ako. ”

  • Thesserie says:

    Pards, bakit leyt ka? akala ko pa naman, nahirapan ka bitbitin isang katutak na soda at chichiria na ihahanda mo para sa LP members kasi nag bertdei ka he he!

    pero walang leyt-leyt…at ayos itong entry mo..na guilty tuloy ako na hindi rin nagbubuklat ng math notes nuong nag-aaral pa, nakakaloka naman kasi eh :P

  • carme says:

    buti naman at may entry ka. :) magaling-magaling.. hehehe..

    sumakit ang ulo ko pagbabasa sa entry mo. :P math kasi ung pinaguusapan eh.. hehehe. paborito ko ung teacher ko dati sa trigonometry, mabait kasi. kaya sya lang ang naaalala ko. ^_^

    masaya parati ung calculus ko dati, kasi crush ko ung seatmate ko. :) hehehe. sayang nga lang, kasi friends lang talaga kami. pero sinipag naman akong pumasok dahil sa kanya.. ^_^

  • Studio Juan says:

    hay math! napudpud ang mga daliri ko rin dati sa pagsusulat at pag-iisip ng solusyon sa kagimbal gimbal na tanong sa algebra, calculus at kung anu ano pa. simple ang iyong larawan pero maraming alaalang ibinibalik. (–,)

  • Arvin says:

    @Thesserie: Late ako kasi yung ate ko, dinala yung camera sa outing, ayun, kagabi lang bumalik. Ako rin, pero hindi lang naguilty, bumagsak pa, hehe. Haay, math. Parte ka na lang talaga ng nakalipas ko.

    @carme: Ikaw nga sa pagbabasa lang, e ako, ako nagsulat niyan kaya grabe. Binuklat ko pa talaga yung makapal kong Calculus book at hinanap ang tatsulok na yan. Sakit sa mata.

    Crush ba? Ako crush ko yung titser sa kabilang class, hehehe:) Sayang at hindi ako sa kanya nakapag-enrol, haay. Saya siguro nun.

    @Studio Juan: Ayoko na maalala! haha:)

  • jeanny says:

    Hate ko rin ang math…kaya nde ako kumuha ng kursong ng inhenyerong sibil noon…hehehe…

    cool ng prof mo ha…kung ganyang ba naman ka cool ang prof eh enjoy cguro ako sa math (cguro lang nde ako sure jan)

  • stel says:

    muntik na akong humarurot ng takbo, nakakahiya mang aminin may mathphobia ako…suwerte kang nagkaroon ng gurong tulad ni Sir Rovin!
    maligayang bersdey!

  • maenoodle says:

    tse.. kahit anu gamitin niyang variable ganun din un. math pa rin un. calculus? amp. ayoko na makabasa ng mga ganyang term?? integral.. limits chorva pambihira. pero ang kyut ng prof mo. finding love.. epektib siguro sa mga hopeless romantics. pede na rin hehe.

  • Pinky says:

    Kakaiba itong entry mo ngayong linggo, Komski, pero sobrang nakakaaliw! Hahaha! :) Ito ay isang “blast from the past” na talagang gusto ko na ring kalimutan!

    Belated happy birthday nga pala, kaibigan! Hanggang sa susunod na Huwebes.

  • ee-ey says:

    naku.. wala akong maalala na me pakulo titser namin noon eh… hmmm…

  • ris says:

    sana ganyan din ka-creative yung prof ko sa math 1 noon. eh di sana hindi ko kinailangang mag-summer ng math 1! hehe. pero astig yang LP photo mo ha :)

  • yeye says:

    wah. math

    hehe wele lang

    ako nga din eh. nung hayskul halos isumpa ko na ang math, lalo na ung calculus. kasi sabi ko di naman kelangan sa nursing. un pala, kelangan pala. hahaha. may math padin!

  • nina says:

    Parang multong bumabalik…Hehehehe :)

  • cathy says:

    ang toxic ng entry mo.. sa totoo.. ung tatsulok lang rin ang naiintindihan ko sa mga nakasulat.

    - -

    Masaya ang math kapag hindi masyado mahigpit ang guro! =)

  • Dyes says:

    magaling na tatsulok! sa wakas, nagkasilbi din ang pananakit ng ulo sa yo ng math. at least me natandaan ka sa mga pinag-aralan mo. :)

    hanggang sa susunod :) gridlines naman? hehehe

  • xienahgirl says:

    finding x?
    ahaha

    wala lang
    naaliw lang ako
    sa statement na iyon

  • Meeya says:

    hindi ako naging mahilig sa math, pero natuwa naman ako sa iyong lahok para sa LP. :) buti at nakahabol ka. :)

    MyMemes: Tatsulok
    MyFinds: Tatsulok

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.