kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

Chat with Us

Plugoo: karmi | komski: 1, 2
Y! Messenger: karmi | komski

  • glesy the great: ahehe… kaw naman.. di naman ineng… basta ba may nakakacarry pang magbasa ng post mo okay...
  • joshmarie: isan-libo at isang tears i mean 3 tears para sa Lamentations of a Withered Tin Can ni ron. :) hindi pwede...
  • joshmarie: 3 tears for longing by ice :) hindi pwede na dalawang entry ang bigyan ng 3 tears.
  • dzerom: 2 tears for enday…
  • rio: 3 tears for yods 2 tears for teresa 1 tear for ice gudluck sa lahat ng sumali=)
  • andeng: i vote for enday =) vote counted.

Thank you!

Subscribe to my feed




April 17th, 2008 | blabbers, homesickness

ilang araw din akong nawala. ilang araw di nakapagonline. kasi naman, sakit-sakitan portion ang mata ko. kelangan tuloy magpahinga. namiss ko tuloy magblog. sobra.

sa ilang araw na di ako nakapagonline, naisipan kong magbasa ng mga diary ko. haha. memories. ngayon ko lang narealize na sobra tange ko talaga. na bakit ganon na lang ang pagkagusto ko sa isang tao na di naman ako gusto. ah ewan. tange talaga. hehe. es2pid

nabasa ko ung 2004 na diary ko. april 23 pala ako grumaduate ng college noon. April 23, 2004. wow. 4 years na pala akong graduate. 4 years na akong di nagaaral. kaya pala nabobobo na ko. grabe, ang tanda ko na. :| syet. dobol syet.

4 years. ang tagal na rin pala. feeling ko kasi alang nagbago sa akin paglipas ng panahon. ganon pa rin ako - jologs, iyakin, makulit. ang tanging nagbago siguro sa akin eh wala na ako sa Pinas. at saka tumaba pala ako ng onti lang naman.

haaay, namiss ko tuloy barkada ko.

es2pidas
esel, thea, karmi, love, sheila
graduation day.

ambilis ng panahon. 4 na taon na ang lumipas ng kuhanan ang larawang nasa itaas. naaalala ko pa ang iyakang nangyari matapos ang graduation namin. nagpaalam na sa pagiging magkakaeskwela pero hindi sa pagkakaibigan. nangakong magkikita-kita pa rin kahit na hectic ang schedule. kahit na magkakalayo na’y di ito naging hadlang para mawalan na ng balita sa isa’t-isa. updated pa rin sa mga lovelife, at sa kung anu-anong nangyayari sa buhay ng bawat isa.

ika nga eh, friends forever ang drama.

es2pidas after 4 years. malamang wala ako sa litrato dahil nasa malayong lugar ako. 4 na taon na ang lumipas, malayo man ako, alam kong andyan lang sila para sa akin. handa silang pagalitan ako kapag natatanga na naman ako sa pag-ibig.

haaay, miss ko na talaga sila.
di bale, malapit na naman ang june. :) malapit ko na silang makasama. ^_^

[edit]

habang ginagawa ko tong entry ko eh may natanggap ako text message. magu-undergo ng eye surgery ung isang barkada ko. kaya para sa kanya na rin itong entry ko.

tol, basta magiging successful ung surgery mo.. pagp-pray namin yan.. be strong.. love yah! mwah!

[/edit]

April 17th, 2008 | litratong pinoy

Kwadrado

Sa isang maliit na kwadrado’y pinagdurugtong, ang ating magkalayong mundo. Pinagkakasya ang mga damdaming inilalakip sa mga salitang pasalit-salit na ipinapadala’t ipinararating paligid, palibot, papunta sa kabilang dako.

Dito sa maliit na kwadradong tila bagang isang salamin lang ang nagiging hadlang sa paghaplos ko sa iyong pisngi, ay nadarama pa rin ang bawat pintig ng puso mong itinitibok ang pag-ibig na sa lumaon ay hindi na natin makayanang ikubli.

Ang mga kamay nating hindi pa magawang magkahawak, ang init mula sa mga yakap na nililikha lamang ng ating isipang sabik na makasama ka sa iisang lugar, ang mga hiling natin na sana’y ikaw na at ako na ang para sa iyo’t ang para rin sa akin– ito at ang marami pang mga pangarap na binuo nating magkasama sa maliit na kwadradong naging daan para sa pagsasama ng ating mundong sa totoo’y nasa magkabilang dulo nitong tinatahanan nating daigdig.

Kung sana lamang ay sa bawat pagkikita natin dito sa maliit na kwadradong ito’y titigil din ang oras sa pagtakbo nito, dahil sa hindi na magagawang makaikot pa nitong bilog na mundo kung ang hugis nito’y magiging kwadrado.