7 months, 2 weeks ago by karmi ilang araw din akong nawala. ilang araw di nakapagonline. kasi naman, sakit-sakitan portion ang mata ko. kelangan tuloy magpahinga. namiss ko tuloy magblog. sobra.
sa ilang araw na di ako nakapagonline, naisipan kong magbasa ng mga diary ko. haha. memories. ngayon ko lang narealize na sobra tange ko talaga. na bakit ganon na lang ang pagkagusto ko sa isang tao na di naman ako gusto. ah ewan. tange talaga. hehe. es2pid
nabasa ko ung 2004 na diary ko. april 23 pala ako grumaduate ng college noon. April 23, 2004. wow. 4 years na pala akong graduate. 4 years na akong di nagaaral. kaya pala nabobobo na ko. grabe, ang tanda ko na. :| syet. dobol syet.
4 years. ang tagal na rin pala. feeling ko kasi alang nagbago sa akin paglipas ng panahon. ganon pa rin ako - jologs, iyakin, makulit. ang tanging nagbago siguro sa akin eh wala na ako sa Pinas. at saka tumaba pala ako ng onti lang naman.
haaay, namiss ko tuloy barkada ko.

esel, thea, karmi, love, sheila
graduation day.
ambilis ng panahon. 4 na taon na ang lumipas ng kuhanan ang larawang nasa itaas. naaalala ko pa ang iyakang nangyari matapos ang graduation namin. nagpaalam na sa pagiging magkakaeskwela pero hindi sa pagkakaibigan. nangakong magkikita-kita pa rin kahit na hectic ang schedule. kahit na magkakalayo na’y di ito naging hadlang para mawalan na ng balita sa isa’t-isa. updated pa rin sa mga lovelife, at sa kung anu-anong nangyayari sa buhay ng bawat isa.
ika nga eh, friends forever ang drama.

es2pidas after 4 years. malamang wala ako sa litrato dahil nasa malayong lugar ako. 4 na taon na ang lumipas, malayo man ako, alam kong andyan lang sila para sa akin. handa silang pagalitan ako kapag natatanga na naman ako sa pag-ibig.
haaay, miss ko na talaga sila.
di bale, malapit na naman ang june. :) malapit ko na silang makasama. ^_^
[edit]
habang ginagawa ko tong entry ko eh may natanggap ako text message. magu-undergo ng eye surgery ung isang barkada ko. kaya para sa kanya na rin itong entry ko.
tol, basta magiging successful ung surgery mo.. pagp-pray namin yan.. be strong.. love yah! mwah!
[/edit]
buti na lang nabanggit mo na wala ka sa huling litratong nilagay mo dito kasi hanap ako ng hanap sa pretty face mo eh di ko talaga makita, hahaha! malapit na ang june, siguradong gimik to the max kayo nyan ng mga friends mo. I hope maging ok yung eye surgery ng barkada mo. i’ll pray for her.
====
sobra. excited na nga ako eh. :)
salamat ate misyel. ^_^
aww pinagdadasal ko dn ang success ng surgery nya eheh ang cute nmn ng before n after nyu well at least friends forever dba hehe
====
thanks sis. :)
prends poreber nga. ^_^
saya no pag may mga ganyang friendly frens…..=) kakamiss ang kwentuhan=)
buti at nakabalik ka na karmi..welcome back=)…hugs….
====
saya nga ate at nakakamiss talaga ung kwentuhan at kulitan.. ^_^
malapit na akong umuwi.. yay! hehehe..
gaga! tanda ka dyan… d mo ba alam na 20 is the new 30 na?! hahahaha
====
what ate?! noooohhhh!!!
hmmm, kung ganon, 10 years old pa lang ako.. hahaha. :)
oo nga lapit na ang June, magkikita na tau. sayang wala si ate melai. Masarap kakuwentuhan yan e.
====
oo nga ate! :) magkikita na tau.. ^_^
sayang, kasi sa dec. pa uuwi si ate melai….
uy reminiscing tau a!
====
oo nga kuya eh. :)
miss ko na din mag barkada kong hindi ko na nakikita. sigh!
sana maging successful yung surgery ng isa mong kabarkada.
====
sobra. miss ko na sila. haaay.
sana nga. :) salamat.
Pssst!!!! Welcome back! :P
====
hehe. advance po ah. :P
sa june kuya ha! ^_^
sana magaling ka na ng tuluyan :D… uu.. bilis talaga ng panahon :((. txt txt na lang sa pag uwi mo… kapag sinipag kami.. silip kami ni rio sa june 29 :D.. hehehe yngatz!
====
haha. ate wag na sa june 29. :P
nakakahiya, makikita nyo ako ni ate rio na naka-gown.. waaaaa.. hehehe. :)
may ganung feeling talaga. kaloka. ako nga gragraduate na, feeling ko ang dami kong mami-miss sa school. hehe. xD xD ang cute ng pic na yan! hay. nakakamiss talaga kamo.
====
hai. normal nga lang siguro un. :) hehehe.
kakamiss talaga…
advance welcome back! 2 months to go and you will be with your friends and your love one. good luck and just wait for that moment. be happy and smile always. praying for the success surgery of your friend. Godspeed…
====
thanks kuya. :)
oo nga po, less than 2 months na lang makakauwi na rin. ^_^ excited na ko. hehe..
ingatz lagi kuya. ^_^
sakit sakitan portion,, haha
kulang lng sa idlip yan,, dapat kasi naka idlip ka habang kinakalikot itong blog mo,, :lol:
====
hehe. kulang nga sa tulog. :P
di ko kasi talaga maiwan tong blog ko. ang hirap! hehehe.
wow nagbabalik tanaw. ako nman 2 years na din halos nagwwork pagkagrad ko start na agad magwork at walang patid namimiss ko na ngang magpahinga
====
hehe. pareho tau. nagtrabaho na rin ako right after maka-grad eh. :)
nakakamiss talaga ang magpahinga. pero, ok na rin naman kasi may pera. ^_^
..awwww…ngyon ko lng nabasa ang entry mong itetch….ang swet nman ng karmitot…hehe..miss ka na dn nmen…d bale…lappit na ang june…magkikitakits na ulit ang es2pidas…hehehe…miss you tol! mwah!
====
:D la un tol. hehehe. sweet ka dyan. :P
oo nga, lapit na june.. ^_^ excitement na ko.. grabe..