Kwadradong mundo

Posted 4 years ago Litratong Pinoy

Kwadrado

Sa isang maliit na kwadrado’y pinagdurugtong, ang ating magkalayong mundo. Pinagkakasya ang mga damdaming inilalakip sa mga salitang pasalit-salit na ipinapadala’t ipinararating paligid, palibot, papunta sa kabilang dako.

Dito sa maliit na kwadradong tila bagang isang salamin lang ang nagiging hadlang sa paghaplos ko sa iyong pisngi, ay nadarama pa rin ang bawat pintig ng puso mong itinitibok ang pag-ibig na sa lumaon ay hindi na natin makayanang ikubli.

Ang mga kamay nating hindi pa magawang magkahawak, ang init mula sa mga yakap na nililikha lamang ng ating isipang sabik na makasama ka sa iisang lugar, ang mga hiling natin na sana’y ikaw na at ako na ang para sa iyo’t ang para rin sa akin– ito at ang marami pang mga pangarap na binuo nating magkasama sa maliit na kwadradong naging daan para sa pagsasama ng ating mundong sa totoo’y nasa magkabilang dulo nitong tinatahanan nating daigdig.

Kung sana lamang ay sa bawat pagkikita natin dito sa maliit na kwadradong ito’y titigil din ang oras sa pagtakbo nito, dahil sa hindi na magagawang makaikot pa nitong bilog na mundo kung ang hugis nito’y magiging kwadrado.

31 Responses to “ Kwadradong mundo ”

  • adinille said,

    komski, mejo may kabigatan sa dibdib ngunit napakaganda ng tema mo… mga katotohanan sa panahon natin ngayon. haaaayyyy :)

  • ces said,

    malikha/makatha? at puno ng damdamin naman itong lahok mo! naiintindihan ko ang iyong nararamdaman. mahirap talga ang ganitong sitwasyon, ano? halina at bibigyan kita ng tsokolate:) para sumaya ka naman…

  • Pinky said,

    Wow! May pagka-senti ang lahok mo ngayon, kapatid! :lol:

    Tiyak ko, “kilig to the max” naman ang “object of your affection”, di ba? ;)

    Isang makabagbag-damdaming Huwebes sa iyo!

  • Linnor said,

    awww…. sweet naman. :)

  • ettey said,

    awwwwwww! nakaka kilig naman yan!! ahihihi!

  • lidie said,

    buti nalang at sa apat na kantong iyan ay napapalapit ka sa iyong minamahal!
    magandang huwebes sa’yo!

  • lino said,

    buti na lang may ganito nang kuwadradong teknolohiya di ba? magandang araw ng huwbes…

  • julie said,

    Mabuti na lamang at mayroong ganito para maipahiwatig ang damdaming nagpupuyos. Malayo man, ang importante ay may komunikasyon :)

  • carme said,

    parang dati, iniisip mo kung pano mo mailalagay yang picture na yan d2 sa blog mo. ngayon, nailagay mo na. salamat sa LP diba? hehe. :)

    namiss ko tuloy ung pagwe-webcam natin. antagal na rin kasi. di bale, ilang araw na lang, weekend na. ^_^ makikita na kita ulit.

    *yakap*

  • mia` said,

    maganda maganda! :)

    naalala ko tuloy ang labidabs ko.. hehehe

  • Dyes said,

    naks! damang-dama ko ang dalisay mong pag-ibig sa iyong sinisinta.

    naalala ko tuloy noong nainbolb ako sa LDLA

  • ang tamis!!! :) katuwa ang iyong entry.

    Munchkin Mommy
    Mapped Memories

  • Thesserie said,

    ahahahayyy, ka-sweet nyo naman ni bb. Carme, kapatid na Komski…romantiko ka ha, naks!

    ganyan talaga hangga’t nde pa mag-asawa! hahahahaha, biro laaaaaannnnggg!

    mahusay na akda!

  • Sweet naman ng iyong mga sinulat… maganda rin ang iyong litrato…ito ang ang kuwadro ng bagong henerasyon.

  • jeanny said,

    uy..ang sweet ha… kilig ako :)

  • Meeya said,

    masyadong na-antig ang aking damdamin sa iyong isinulat. mayroong panahon na nag-depende din kami ng aking asawa sa maliit na kwadrado na iyan. kung pwede nga lang ikahon naman ang mga yakap at halik…

    salamat sa kakaibang parisukat entry. :) hanggang sa muli!

    MyMemes: LP Parisukat
    MyFinds: LP Parisukat

  • alpha said,

    madamdamin ang apat na kanto mo :D

  • Dragon Lady said,

    una ko itong pagbisita sa iyong site. nakakatuwa naman ang iyong lahok! tama sila, ang sweeeeet! ;)

    maaari mo ring bisitahin ang aking lahok. :)

  • ize said,

    nakkss!! makata!! galing *palakpak
    waheheh. (:

  • Grey said,

    Aaawww.. nakaka-touch naman ang iyong akda tungkol sa parisukat mo. Ganyan talaga pag magkalayo, ang importante magkalapit pa rin sa puso. :) Hanggang sa susunod na Huwebes!

  • Grey said,

    medyo nahirapan ako magpost ng komento dito ah :) “stack overflow” daw.. anyway, nakaka-touch naman ang akda mo tungkol sa napili mong parisukat. mahirap talaga pag magkalayo, ang importante ay magkalapit pa rin sa puso. :) buti nga meron ng chat at webcam e. :) hanggang sa susunod na huwebes!

  • iska said,

    marubdob at malalim at maramdamin pala ang post dito. hindi lang larawan ang titingnan at makakatawag ng pansin kundi kung paano sinulat ang tungkol dito.

  • Maldito said,

    hheh..si karmi nga!kinilig naman ako..makata ka..amen.

  • aba ayos ito! kaya nga hindi ko pinalampas na bumisita sa blog mo noong mabasa ko ang latest ni ate karms! ayiii!!!!

  • Ayiene said,

    Hello! Napunta ako dito galing sa blog ni Ate Karmi. :)

    Wow. Medyo nahirapan pa akong i-absorb to. Wow talaga. :D Pag-ibig. Sana magkita na kayo, higit pa diyan sa kwadradong bagay na yan. :D

  • Chester said,

    wow naman..ang sweet nio ni ate karmi…Pag-ibig nga naman.

  • Aisha said,

    kayo ni karmi ah! <3
    ayieeeeee
    naaliw ako! heheeh

  • PinayInTheUS said,

    awwww ang sweeet naman dito :D

  • gasti said,

    syang tunay! si karmi nga..hehe! more power sa inyong dalawa!

  • theyz said,

    ..awwwwww….napadaan lng ako…hehe…ang sweet…gusto ko lng sbhin na…alagaan mo ung kaibigan ko ha…wag mo sana syang paiiyakin…mahal ko kc yan eh…prang kapatid ku na yang c karmi…ska sana maging masaya kayo lagi… :)

  • vera said,

    omg.. i have exactly the same picture! oh except, well, for the person in the snapshot. hahaha. dumaan ka na dati sa blog ko diba? komski? haha

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.