iWANNAholdYOURhand

Post Info 7 months, 2 weeks ago by karmi


I Wanna Hold your Hand

ilang oras ko nang ginagawa itong post,
pero wala akong matapos.
wala akong matinong maisulat.
hindi ko mailagay dito ang mga nais kong sabihin sayo.
ano pa nga bang hindi mo alam diba?
alam mo na ang nararamdaman ko.
at alam ko na rin ang kung ano ang sinasabi ng puso mo.

teka. chessy ung last line. hehe. oh well.

haay, magkikita na tayo.
malapit na.
excited ka na ba?
ako kasi oo.
walang araw na dumaan
na hindi ko iniisip kung pano kaya ung magiging pagkikita natin.
basta alam ko magiging masaya.
masaya dahil personal na kita makukulit at maaasar. :)
sana lang hindi ako mahiya sayo.
sana hindi ako matorpe. :|

masabi ko kaya sayo lahat ng gusto kong sabihin?
sana.
at kung mangyari man un
kung hindi ako mahihiya,
gusto ko..

hawak ko ang kamay mo. :)

Post a Response Comment icon Posted April 18th, 2008 at 9:51 pm

17 Responses to “ iWANNAholdYOURhand ”

  1. manilenya

    hmmnn ano kaya ang mangyayari sa susunod na kabanata?
    paano kung kahit na feeling nyo inlab na inlab kayo sa isa’t isa e hindi pala ganoon kapag personal na kayo nagkita?

    medyo brutal yung tanong ko pero yun yung nasa isip ko in case na magkikita kami nung ina eye ko e nyahahaha!! hirap nun karmi kaya hindi ako makapagbitiw ng mga salita na katulad ng binibitawan mo…baka sumemplang hehehehe!!

    di ko alam kung cowardice yung termino na yun….
    pero tama cowardice nga….go lang karmi go!! wag kang gumaya sa ate lol!

    ====

    word of the day: cowardice. hmmm. maingat ka lang siguro ate, hindi ka naman coward. :) hehe.

    nakausap na kita tungkol dito diba? :) hmmm. basta kita na lang tau sa buffalo.. hehehe. ^_^

  2. jacque

    sana naman malaman nya na mahal na mahal mo xa.

    ====

    alam naman ata nya. :)

  3. shane

    wow! ang galing… buti naman at magkikita na kayo… good luck!

    ====

    salamat. :) goodluck nga. hehe.

  4. GYK
    GYK

    gusto ko talaga tong layout na to.

    ====

    ako rin gyk. :)
    kaso baka magpalit ulit ako eh.. hehehe. ewan. ^_^

  5. Aisha

    aba yan ang mga hirit eh
    NYAHAHAH!

    ====

    hehehe. pwede na ba sis? lol

  6. cielo

    oisttttttt, nag iimagine na si karmiiiiiiiiiii ng magiging kaganapan sa kanyang homecoming…

    see yahhhhhhhhh sis.

    at kung sino man ang iyong kakatagpuan sa manila, hope it will bring a smile in your face and a kabog in your heart hehhehe

    ====

    hehehe. nagiimagine na nga ako ate. :P
    kita kits ate ha.. :D excited na ko..

    sana nga na our meeting bring kabog in my heart. :) hehehe..

  7. vanny

    ayiiiI!! cheesy! hahaha. ^_^

    pa-cheeseburger ka naman! ^^,

    aww. sana lam mo yung joke na yun, (about new mcDo ad) kundi,.. never mind na lang. haha.

    ====

    hahah. gusto mo ng chesseburger sis? :P
    opo, alam ko ung commercial ng Mcdo na un.. hhehe, cge sa june, papa-cheeseburger ako.. :)

  8. rose

    elow sis how are you…
    i hope your fine…
    wooot ang ganda naman ng kanta…
    take note di lang kanta ang maganda….
    pati ang nilalaman ng post…
    eheeheh makata ka talaga sis…
    mabuhay si sis karmi woooooot…

    ====

    ganda nga ng kanta. :) hehe.
    makatang post ba? random nga lang yan. ^_^
    ganyan ata epekto ng inlab. hehe.

  9. rio
    rio

    karmi..inaantay namin ang iyong pagdating…
    ipahahanda na ba namin ang red carpet sa NAIA?lols..
    excited na din ako kung sino man ang i memeet mo d2 sa pinas…
    sana kapatid nya si CPA..lols

    ====

    ate sa june! ^_^
    hahaha. red carpet? naku wag na po ate. di naman ako ganon ka-special eh. hehe..
    sana ba kapatid ni Mr. CPA? hmmm.. hehhe. :P

  10. kandis

    Whew. Namiss ko talaga ang mga ganitong post mo Ate Karmi. :)) Kinikilig naman ako. Nyahaha buti mag kikita na kayo. Wag ka na matorpe, ikaw din, baka mag sisi ka pa. Be proud, kung di man maging maganda kalalabasan at least you tried it diba? :D

  11. Chester

    ganda ng song..lab it..

    ====

    love it too. :)

  12. boggs
    boggs

    Goodluck to your homecoming.

    ====

    thanks kuya. :)

  13. Rachel

    nice ang nice ng song pati ng makatang post

    ====

    wow. thanks. :)

  14. master

    Kaninong hand? Hehehehe!

    ====

    sikret kuya. hehe. :P

  15. ize
    ize

    nice. galing mong magsulat. idol na kita. heheeh.. sino kumanta nun?

    ====

    wow salamat naman. :D hehe.
    ung kanta, originally eh Beatles song yan, pero yang song na yan eh galing dun sa Across the Universe na movie. :) ganda noh?

  16. yods

    sarap talagang magbasa ng mga post ng mga in lab. nakakakilig! susubaybayan ko talaga ang magiging pag-uusap niyo at sana ipost mo dito ha. :D

    ====

    sinong inlab? :) hehe.
    hmmm, malamang, di lang ako ang magpost nun. sya rin cguro. hehe. ^_^

  17. lalaine

    yihee! im sure nde ka na mapakali nyan sa ngaun.. at kulang na lang eh hatakin mo na ang mga araw… hehehe

    ====

    mejo gusto ko na ngang magjune ate. :) hehehe.
    excited. ^_^

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.