Anung una mong nasasambit mo ‘pag nakakita ka nito?

Post Info 7 months, 1 week ago by komski
Pila

Ang haba!

O ha, pasok na pasok ito para sa kategorya ng Litratong Pinoy sa linggong ito. Pinoy tayo kaya imposibleng hindi mo naranasang tumayo’t maghintay sa likod ng maraming tao, tama, isang pila. May pila para makakuha ka ng class tuwing enrolment, at kahit para mabawasan ka ng subject ay may pila pa rin. May pila bago makapasok sa mall, pila para makapagtry ng damit sa fitting area, at pila na rin kapag bibili ka na. Pila sa Jollibee kapag nagugutom at pila naman sa cr pag nasobrahan pagkatapos. Pila sa sinehan, sa sakayan ng dyip, at sa kung saan-saan pa. Oo,

Habang may buhay, may pila.

Paggising ko pa lang ay may pila kaagad na dapat ako ang mauna, dahil kahit tatlo lang kaming magkakapatid ay nakapila pa rin kami sa iisang banyo. Ang problema, parehong babae ang kapatid ko at (wala nang kokontra) matagal silang maligo. At kailangang bilisan dahil nagsisimula pa lang ang araw at marami pa akong pilang pipilahan.

Sunod ay sa may MRT na pila, ang mother-of-all-pila, na kapag nalampasan mo ito, kakayanin mo na ang kahit na ano pa mang pila na darating sa buhay mo. Sa may North Ave. station ako sumasakay bandang 7.30 ng umaga at sinasabi ko sa iyo, grabe, sa dami ng tao, nasasakop namin yung dalawa sa tatlong lanes ng kalsada ng EDSA. Bakit kamo ito ang pila above all other pila? Kasi naman, sa isang ordinaryong pila ay nasa harap at likod mo lang ang may tao, e sa pila sa MRT, lahat ng direksyon meron! Kaliwa kanan, harap at likod.

At any point in time ay may walong taong nakadikit sa iyo, parang minesweeper. Sige, bilangin mo next time na sumakay ka tuwing rush hour. Nakakabaliw, sa sobrang nakakabaliw, magsasawa ka na sa kabaliwan at magiging ok ka na at pagkatapos nun ay mababaliw ka ulit. Apat ang hagdanan paakyat sa MRT, apat na beses din uulit ang cycle na yan (Results may vary with metabolism).

Pagkababa ko naman sa MRT ay may pila ulit pagsakay ng bus, yung kinuhanan kong litrato sa taas. Korning pila, diretso, maayos, maaliwalas, hindi pwedeng sumingit! Wala kang magagawa kundi i-embrace ang kahabaan ng kapilahan. Maghintay, maghintay at maghintay pang muli.

At pagpasok ko sa building ng opisina para sa aking ojt, ooops, pila pa rin. Pila naman sa elevator. Ayan, sa loob ng unang tatlong oras sa araw-araw ay matinding pilahan na ang sinusuong ko, grabe. Haaay, paano nga naman ba ang mundong walang pila? Pwede ba yun?

Isang mahabang entry para sa isang mahabang bagay para sa lingguhang kategorya. Opsops, pila-pila lang sa comments ha:)

Post a Response Comment icon Posted April 24th, 2008 at 10:06 pm

19 Responses to “ Anung una mong nasasambit mo ‘pag nakakita ka nito? ”

  1. Buge

    Ang haba nga ng pila!!! Naalala ko tuloy nung nag-aaral pa ko… samasakay din ako ng LRT naman sa may Monumento. Pede ka nang ndi maglakad at kusa kang gagalaw. Haha!

    Gandang araw sa yo! :)

  2. thess

    Ang haba ng pila ekkkk!! Naku malamang sasabunutan ko sarili ko kung ako ang kailangan pumila sa ganyan.

    Hindi naman late post mo ha, Huwebes pa rin eh :D

    o paano, kitakits ulit neks wik!

  3. yvelle

    nag-aapply ba yan ng trabaho? nice one! have a great day! :)

    http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/04/lp-4-hugis-ay-pahaba.html

  4. Munchkin Mommy

    naku, uwi na lang ako at ang haba ng pila! hahaha! :) matinding pasensya ang kailangan para makatagal sa pagtayo at paghihintay. :)

    Mga Pahaba sa Dallas
    Mga Pahaba sa Houston

  5. Meeya

    nag-eenjoy talaga akong bumisita sa iyong mga LP entries, pramis :)

    nung una akala ko linya yan sa pagkuha ng passport sa DFA, or clearance sa NBI. :) korning pila nga, hehe. noong nag-aaral din ako, batikan akong LRT pasahero. tama yung sabi ni buge, kahit hindi ka gumalaw makakasakay ka ng kusa dahil naitutulak ka papasok. yun nga lang, pagbaba mo kaamoy mo na lahat ng nakatabi mo. :)

    maligayang huwebes!

    MyMemes: LP Pahaba
    MyFinds: LP Pahaba

  6. carme

    pila. yan ata ang namiss ko rin sa Pinas. hmm, di rin pala..

    grabe naman yan, pila ba talaga sa bus yan?! OA ha, kala ko pila ng mga taong maga-audition sa wowowee.. hehehe..

    kaya pala lagi kang late sa work eh. :P

  7. iska

    ahaha! oo nga naman basta ganyan ang makita iisa lang ang masasambit… ang haba! kailangan ang haba ng pasensya pagka-ganyan :-)

  8. ris
    ris

    nice one komski! mahaba nga yang pila. reminds me of UP days. sabi nga, University of Pila. haha.

  9. lidie

    naisip ko rin yan! pero hindi ako nakahanap ng maayos na pila!
    magandang araw sa’yo!

  10. juvil

    tama walang katapusang pila. pero kapag vip ticket mo wala nang pila kasi mejo konti lang yung meh ganon haha

  11. Grey

    Naisip ko din ang MAHABANG PILA! Heheheh.. :D tunay nga na mahaba yan! At least sumusunod sa pila, wag lang magsingitan.. hehe.. Maligayang LP! :)

  12. mnel

    siguro kung para lang tayong bejeweled game na pag nagkakatabi-tabi ang 3 o higit pang tao na pare-pareho ang kulay ng damit… tiyak… mauubos ang pila.

    may pila rin ng sasakyan sa daan… lalo na pag traffic.

  13. Pinky

    Akala ko e pila sa NFA rice! Kuwento kasi sa amin dito e ito daw kasi ang “latest” at “hottest” pila in town ngayon sa Pinas - kalungkot pero totoo…

    Happy weekend sa iyo!

  14. Clicking Away

    Habang may buhay, may pila! Tama ka nga diyan. Pero mabuti nga at may mga nakapila. Naalala ko dati eh unahan lahat… kung sino ang mataba at malakas mambraso ay panalo.

    Gusto ko itong entry mo. Panalo!

  15. mia
    mia

    ang haba ng pila.. ayaw na ayaw ko pipila talaga. :)

  16. christine

    ang smart ng kuhang ito. talagang pahaba! ha ha.

    have a good week! :)

    *My LP 4 Entry*

  17. LJ
    LJ

    grabe naman..
    kung gayon di pala ako pwede sa Global City mag work, haha

  18. yeye

    pila ata ito sa bilihan ng NFA ice hehehehe

    ^^,

  19. cathy

    haha! aliw! pero oo nga ano..puro pila dito sa Pinas, ang problema magulo pa rin!

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.