photoblog #7: ako.

Add comments April 24, 2008 » 696 days ago
blabbers, photoblog

me, myself and I.

grabe. sa sobrang wala akong maisip isulat eh talagang nilagay ko na lang ang picture ko dito. ang tikas ko talaga. well, blog ko naman ito so pwede kong ilagay dito kahit ano. hehe. lalong-lalo na ang picture ko.

sino nga ba ako?

sa paglipas ng panahon, napansin kong madami nang nagbago sa akin.. ang dami ko na rin kasing naranasan.. dati mahilig akong magsayaw at kumanta, mahilig din akong gumawa ng tula, maraming pangarap sa buhay, madaming gustong magawa..

kaso biglang may nangyari, di ko inaasahan.. bigla na lang akong napadpad sa isang lugar na bago.. di ko na alam kung anong mangyayari.. araw-araw parang laging kulang, oo nga’t maraming pera, kaso di pa rin sapat un.. malungkot ako.. laging nagiisip.. laging naghihintay ng bukas at nangangarap na sana bumalik na ko sa dati kong buhay.. kasama ang mga mahal ko.. pero alam kong matagal pa un..

sa ngayon, nami-miss ko na ung dating ako.. ung makulit, madaldal, laging may inspirasyon.. sana lang makilala ko ulit ung dating ako.. para masaya..

ngayon ko lang naisip, aanhin ang pera kung di naman makagala sa megamall, libis, glorietta at makasama ang mga kaibigan.. useless ito!

ano daw? haha. ang drama. yan ang nilagay ko sa friendster profile ko dati, nung mga unang buwan namin dito sa Amerika. malungkot, homesick. gusto kong bumalik ng Pilipinas. gustong-gusto.

ngayon, 3 taon na ako dito sa Amerika, malaki na ang pinagbago ko. oo nga’t paminsan-minsa’y hinahangad ko pa ring makabalik ng Pilipinas pero di na katulad ng dati. natutunan kong yakapin ang kung ano man ang ibigay sa akin. natutong akong makibagay sa bagong mundong aking ginagalawan. napilitan akong magEnglish kahit na ayaw ko. :)

paglipas ng panahon, madami na ang nagbago sa akin. madami nga, pero poreber na ata akong magiging madramang makulit. :)

Mga Kahalintulad na Posts



18 Responses to “ photoblog #7: ako. ”

  • Chester says:

    drama ate karmi.hehehe..

    ako, gusto ko tlgang pumuntang abroad at doon na ma settle. sa ganitong kabatanga edad, i’ve made up my mind already.

    ====

    hmm, di ko rin kasi expected na aalis pala kami.. pero cguro kung age mo pa lang eh alam ko na ang mangyayari, siguro nakapagready ako. :)

  • manilenya says:

    buti ka pa maraming pera lol! kaya pala di ka nag ssponsored post e hehehehe :) pahingi naman dyan lol!

    ====

    NOON ate. noon un. :P
    hehehe. ala na akong pera ngayon…

  • rio says:

    gumaganda ka karmi ah!!=) madaming naghahangad na pinoy na makapunta dyan sa kinaroroonan mo ngayon, maswerte k at andyan ka na=)…kita kits sa june ha!=)

    ====

    ay salamat naman ate. hehehe. ^_^
    oo nga po, kaya nga po nagpapasalamat na ako ngayon.. kung dati, ayaw ko talaga, ngayon ok na. :)
    opo ate, sa june! :D

  • Sheryl says:

    Naku, kaya naman pala nagdrama si sis..eh nasa America pala siya ngayon haha..
    akala ko nandito ka lang sa Pinas eh. Anyways, mabuti at marami kayong pera…. haha XD
    pero aanhin ang pera kung di kumpleto ang pamilya.. TSK!

    madali rin lang sis lumipas ang taon…makakapagbakasyon at makakabalik karin sa Pinas..soon.
    take care :3

    ====

    malapit na nga rin akong makapagbakasyon dyan. :)
    kasama ko naman ang pamilya ko dito.. ung mga kaibigan ko ang namimiss ko dyan.. ^_^

  • Hachi says:

    Buti naman at nasasanay ka na rin dyan sa Amerika. Kaw ba naman na tumira ng 3 taon e! haha! :) pero iba pa rin pag nasa Pinas noh? kelan ba bakasyon mo dito?

    ====

    iba pa rin talaga dyan. :)
    hmmm, uuwi kami sa June.. 3 weeks lang, pero ok na rin. ^_^

  • tapsiboy says:

    waw chinitang tsiks! hehe

    ====

    aba, andito ang gwapong masokista.. :) hehe.

  • gasti says:

    haha! anlaki ng pic pero liit pa rin ng mata..chinita nga..naks! uu tama ka masarap talaga gumala..tambay nga ako lagi dyan sa megamall eh. solo nga lang :D

    ====

    naks ka dyan. hehehe. :P
    sobrang tol, miss ko na gamol..

  • abou says:

    parang nahihiya na ako managalog sa yo kasi sanay na sanay ka guro mag ingles dyan he he

    ====

    nye. gudlak naman kuya. hiya ka dyan. :P

  • Ayiene says:

    ate karmi yan. nagddrama. woo. ayos lang yan.
    ako, gusto kong pumunta ng states ngayon,pumunta ng vallejo at tumira bahay ng pinsan ko. tae, di pa rin ako makapagmove-on.

    ate karmi, pretty pretty. :D

    ====

    *hugs* ganyan talaga. nakakamiss naman talaga ung closeness nyo ng pinsan mo… pihadong namimiss ka rin nun.. :)

  • finch says:

    madramang makulit i would love that lol

    ====

    LOL. :)

  • juvil says:

    wow dami pera..pa-cheese burger ka naman..burger! burger! wahaha joke lang hehe.. malalampasan din ang kalungkutan at sasaya na ng lubusan..Ü

    ====

    nyahaha. sa june. lol
    salamat juvil.. ^_^

  • jhoana says:

    naks! ganun talaga lahat nagbabago.. ngayon lang ulit ako nakadalaw dito ah? bago na theme mo, huling huli na talaga ako sa balita!

    ====

    :) madalas akong magpalit ng theme kaya laging bago yan. :) hehhe..

  • lalaine says:

    asus! ang drama… hehehe… dami mo pala pera eh… sagot mo sa june ha? hehehe

    =====

    drama ba ate? hehehe. :P
    sagot ko po ba sa june? cge po, sagot ko ung kwento.. :D hehehe..

  • vanny says:

    ayun nama, picture galore! hehe.

    kaya nga ako, ayaw ko sumama sa US eh. ayaw kong maramdaman yung mga naramdaman mo nung mga unang buwan mo jan.. hehe. baka lumuwa na mata ko kakaiyak. :D

    ====

    hainaku. lumuwa talaga ang mata ko kakaiyak noh. gudlak!
    pero ngayon ok na naman.. ^_^ hehehe..

  • Pahn says:

    at least di mo nasabing.. “I have a boring day and nothing much to share today” hahaha

    ====

    haha. muntik-muntikan na. :P

  • arvin says:

    Ang sabihin mo, gusto mo lang talaga ipost yung picture mo dito, hehehehe:D loveyou

    ====

    bat alam mo? :P
    kaya mahal kita eh.. ^_^ hehe..

  • yeye says:

    andrama. yaan mo magagamit natin ang mga kaperahan mo. sa june. wahahahaha

    =====

    hehehe.. arte lang yan.. :P

  • misyel says:

    cutiepie naman ng pic! two weeks ago nakausap ko sister ko sa ym, sabi niya ate ganito na lang ba tayo? may marangyang buhay pero magkakahiwalay naman? gulat ako sa kanya kasi di naman ganun yun, unti-unti pumatak mga luha ko at bigla parang gusto kong bumalik sa dati. good for you na kasama mo family mo, ako kaya kelan? uyy emo daw, hahaha! nga pala bakit ganun di kita ma-add sa blogroll ko? waaahh!

    ====

    salamat miss misyel.. :)
    hay, korak. oo nga, mas mahirap pala ung sa iyo.. :( haaay.. basta makakasama mo rin sila ate.. *hugs*

    di pa rin pala kita na-aadd ate.. ganon? ayaw? hmmm, bat kaya?

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.