photoblog #7: ako.

Posted almost 4 years ago blabbers, photoblog

me, myself and I.

grabe. sa sobrang wala akong maisip isulat eh talagang nilagay ko na lang ang picture ko dito. ang tikas ko talaga. well, blog ko naman ito so pwede kong ilagay dito kahit ano. hehe. lalong-lalo na ang picture ko.

sino nga ba ako?

sa paglipas ng panahon, napansin kong madami nang nagbago sa akin.. ang dami ko na rin kasing naranasan.. dati mahilig akong magsayaw at kumanta, mahilig din akong gumawa ng tula, maraming pangarap sa buhay, madaming gustong magawa..

kaso biglang may nangyari, di ko inaasahan.. bigla na lang akong napadpad sa isang lugar na bago.. di ko na alam kung anong mangyayari.. araw-araw parang laging kulang, oo nga’t maraming pera, kaso di pa rin sapat un.. malungkot ako.. laging nagiisip.. laging naghihintay ng bukas at nangangarap na sana bumalik na ko sa dati kong buhay.. kasama ang mga mahal ko.. pero alam kong matagal pa un..

sa ngayon, nami-miss ko na ung dating ako.. ung makulit, madaldal, laging may inspirasyon.. sana lang makilala ko ulit ung dating ako.. para masaya..

ngayon ko lang naisip, aanhin ang pera kung di naman makagala sa megamall, libis, glorietta at makasama ang mga kaibigan.. useless ito!

ano daw? haha. ang drama. yan ang nilagay ko sa friendster profile ko dati, nung mga unang buwan namin dito sa Amerika. malungkot, homesick. gusto kong bumalik ng Pilipinas. gustong-gusto.

ngayon, 3 taon na ako dito sa Amerika, malaki na ang pinagbago ko. oo nga’t paminsan-minsa’y hinahangad ko pa ring makabalik ng Pilipinas pero di na katulad ng dati. natutunan kong yakapin ang kung ano man ang ibigay sa akin. natutong akong makibagay sa bagong mundong aking ginagalawan. napilitan akong magEnglish kahit na ayaw ko. :)

paglipas ng panahon, madami na ang nagbago sa akin. madami nga, pero poreber na ata akong magiging madramang makulit. :)

the family that dance together..

Posted almost 4 years ago buhay SATown, so random

ano nga bang pwedeng gawin kapag sobrang BORED na sa bahay, kumpleto kayong mag-anak, may camerang nakalagay lang sa table at biglang magpapatugtog ng ‘papaya song’ sa computer?

ano pa nga ba, eh di sumayaw at ilagay ang video sa youtube. ^_^

un nga ang ginawa namin nung isang araw. kasalukuyang nasa kwarto kaming tatlong magkakapatid, nagkukwentuhan lang ng kung anu-ano nang biglang pinatugtog ng kapatid ko ung papaya song sa laptop. syempre dahil sa mga “bibo kid” kaming lahat, nagsimulang sumayaw ung mga kapatid ko. matapos ang kanta ay pumasok naman ung nanay ko. di ko na maalala kung anong pumasok sa kukote ko’t nasabi ko na lamang sa nanay ko na sumayaw sya kasama ng mga kapatid ko. eto namang nanay ko, na “bibo mommy”, eh sabing oo daw. dali-dali kong kinuha ang camera ko’t kinuhanan ng video ang dance number nila.

at ito un. :)

YouTube Preview Image
carlo, mama, mim

wala ako kasi sobrang nahiya na ako ng i-post ko ung supahpapalicious video ko dito. :P ako naman ung maingay na camerawoman. hehe.

bibong-bibo. ang saya.

ma, ilalagay ko ung video sa youtube ha.
bakit naman?
gusto ko lang. para makita din nila ate sa Pinas.
wag na baka ma-discover pa ako.
aok ma. sabi mo eh.

may pinagmanahan pala ako. hindi lang sa pagsasayaw ha, kundi sa sobrang pagkabilib sa sarili.. hehehe.. :)

sayang. di nakasali ung tatay ko at ung isa ko pang kapatid na lalake. malamang kung napasayaw ko sila, hindi ko naman mailalagay dito sa blog ung vid. mahiyain kuno kasi.. pamilya kami ng mga mahilig sumayaw.. at para sa akin, the family that dance together..

…may choreography. :)

Ang Nakikibasa: Pucha.

Posted almost 4 years ago Uncategorized

<< unang pahina

(Haay, busy naman kasi, grabe. Nasa’n na nga ba yun.)

Mabilis na inisa-isa ng kanyang mga daliri ang mga librong nakalagay sa istante. Pilit hinahanap ang natatanging librong kung papansining maiigi ay kakikitaan ng maliit na siwang sa isa sa mga pahina, dulot ng iniipit na papel bilang marka sa huling talatang kanya nang nabasa.

(Hmmm, sana naman e alang nakabuklat nun, haaay.)

Ilang araw na rin ang nakalipas ng huli niyang binuklat ang librong yoon. Oras na hindi abot sa panahon kung kailan ang mga ganuong bagay tulad ng numero ng pahinang kanyang huling binuklat ay lumalagi pa sa kanyang alaala. O masyado lang talaga siyang maraming iniisip dulot ng mga gawain sa trabaho kaya’t nitutulak na paalis sa utak ang mga maliliit na detalyeng napakadaling malimot. At siguro’y nasanay na rin talaga sa pagmamarka sa kung saan siya dapat magsimula, ang unang pahina, talata, at salita.

Sa ilang sandali pa’y nakita na niya. Napasama pala sa katabing estante ang librong kanyang hinahanap. Siguro’y sa kaiiwas sa mga taong dumadaan habang siya’y nagbabasa’y nagawi siya doon tapat. Kinuha niya ang libro at tinignan maiigi ang pabalat nito. Napawi ang kaba, sumandal nang hindi nakabalandra, binuklat ang aklat sa tamang pahina at nagsimula sa kanyang pagbabasa.

(Ang cute talaga nito:D)

Iilang minuto pa lang siyang nakatayong tahimik ay nangawit kaagad ang kanyang mga paa. Ibinaba niya muna ang librong halos isang buwan na niyang pinagtyatyagaang puntahan upang mabasa. Konting inat, lakad-lakad at lingon sa mga taong tumitingin-tingin sa mga nakahilerang librong naghihintay sa bibili sa kanila.

At sa pagtaas niyang muli sa hawak-hawak na libro’y may kung anung dilaw na papel ang bigla na lang nahulog mula sa sa tingin niya’y huling pahina ng librong kanyang binabasa, nahulog sa sahig at napansin niyang may nakasulat kaya’t kanyang pinulot para makita.

Ay, pucha.

iWANNAholdYOURhand

Posted almost 4 years ago inlove, LSS

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

I Wanna Hold your Hand

ilang oras ko nang ginagawa itong post,
pero wala akong matapos.
wala akong matinong maisulat.
hindi ko mailagay dito ang mga nais kong sabihin sayo.
ano pa nga bang hindi mo alam diba?
alam mo na ang nararamdaman ko.
at alam ko na rin ang kung ano ang sinasabi ng puso mo.

teka. chessy ung last line. hehe. oh well.

haay, magkikita na tayo.
malapit na.
excited ka na ba?
ako kasi oo.
walang araw na dumaan
na hindi ko iniisip kung pano kaya ung magiging pagkikita natin.
basta alam ko magiging masaya.
masaya dahil personal na kita makukulit at maaasar. :)
sana lang hindi ako mahiya sayo.
sana hindi ako matorpe. :|

masabi ko kaya sayo lahat ng gusto kong sabihin?
sana.
at kung mangyari man un
kung hindi ako mahihiya,
gusto ko..

hawak ko ang kamay mo. :)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.