Kinalimutan na kita. Nagmove-on na ako.

Posted 4 years ago Litratong Pinoy

gradient function

Sino nga naman ba ang makapagsasabi, noo’y kinuha ko ang aking huling exam sa math, akalian mong may silbi pa pala sa akin ang kinaaasaran kong subject na ito pagkatapos ng araw na iyon. Pero hinde para maka-solve ako ng isang problem tulad ng pagkuha ng distance between points A and B, o area directly below a continuous function g(x) and above the x-axis, double at triple integrals, optimizations, limits, roots, o pati na rin space at time complexity O(n). Maniwala ka, wala akong ideya sa mga pinagsasasabi ko ngayon-ngayon lang. Pero dahil sa kategorya para sa linggong ito ng Litratong Pinoy ay binuklat kong muli, este, binuklat ko na sa wakas ang aking libro sa math.

Ayan, makikita sa litrato ang gradient function (ata) denoted by the inverted greek capital letter delta which can be solved by evaluating the integral hmmm… hindi ko nga pala alam kung paano. Basta, basahin mo na lang yung libro kung gusto mo malaman kung paano nga.

Pero meron din namang nakakatuwang bagay sa math, at yun ay ang iba sa mga guro. Para sa aming class na natapat sa araw ng mga puso, imbis na x ang variable name na ginamit ng titser naming si Sir Rovin, ay ♥ (heart) ang ginamit niya. O ha, we found ourselves finding ‘love’ instead of finding x on Valentines day. Paniguradong may naging titser ka rin na may kung anu-anong gimik at pakulo para lang huwag tayo antukin sa isang madalas na boring na lecture sa math.

the call.

Posted 4 years ago emo daw, writings

pd kbng mtwgn ng mga 12 mdnyt oras d2?
cge.

di ko pa binubura ung txt mo sa akin. nung nabasa ko un, di ko alam kung anong isasagot ko kaya simpleng ‘cge’ lang ang naireply ko. kinabahan ba ako? oo, mejo. dahil matapos ang higit 4 na buwang walang paguusap, ngayon ko na lang ulit maririnig ang boses mo. kinakabahan ako kasi baka..

umuwi ako sa bahay ng parang normal na araw lang. nagchat, nagbloghop. pero iniintay kong magalas-onse, dahil tatawag ka na. sabi nung kausap ko, intayin daw nyang matapos ung paguusap natin. sabi ko sige. medyo nawala ang kaba ko. naisip ko rin, ito naman ang ginusto ko. gusto rin kitang makausap para maging malinaw na ang lahat. madami akong gustong itanong sayo. mga tanong na higit 4 na buwan nang naglalaro sa isipan ko. ayoko na din kasing magtanim ng galit pa. ako rin ang nahihirapan.

nagring ang telepono, ilang minuto paglipas ng alas-onse. ako na ang sumagot dahil alam kong ikaw na un. sinagot ko ang tawag at narinig ko ang boses mo. ganon pa rin. walang pinagbago.

trenta minutos ding tumagal ang tawag. pero mas maikli pa ung mismong paguusap natin. madami kasing moment of silence sa pagitan nating dalawa. dahil na rin siguro sa tagal na nating di naguusap, nailang na tayo sa isa’t-isa. kahit ako di ko alam ang sasabihin ko. di naman ako kinakabahan. di rin ako galit. hindi ko alam kung ano ung nararamdaman ko ng mga sandaling un. basta, kausap na kita un lang. ok na un.

‘sorry at salamat’, yan ang sabi mo. sabi ko, nangyari na. wala nang magagawa pa. sabi mo, nagbago ka na. malaki ang pinagbago mo. sabi ko, ako rin, di lang halata. nagpapasalamat din sa ako ginawa mo sa akin. sabi mo, makulit pa rin ako. di na ata talaga matatangal sa akin un. makulit na rin ata kasi ako since birth.

….mahirap na, baka mainlove na naman ako sayo. ayoko na.
ako rin. kaya ayoko munang tumawag sana eh.
ay pasensya.
ok lang, buti nga nakausap kita.

un na siguro ung huli nating paguusap. di mo man nasagot lahat ng gusto kong malaman, ok na rin. di mo na rin kasi kelangan pang magexplain. ang importante nakausap na kita. ok na ako.

alam kong mababasa mo ito. salamat sa tawag mo ha, saka goodluck na lang.

Minsa’y ang mahalaga ang hindi napupuna.

Posted 4 years ago Uncategorized

Magiging masaya, mapangarap, mahirap, matrabaho ang aking bakasyon– ooops, hindi pala ito magiging isang bakasyon dahil ako ay sasailalim sa isang on-the-job training. Late na kaming dumating sa may conference room, dito sa ikapitong palapag ng Net Square building, Fort Bonifacio [map]. Yang sa wikimapia ang aking pilit tinandaan bago kami unang beses pumasok sa kumpanya. At oo, naligaw kami, hehehe, konti lang naman.

Basta malapit sa may McDo.
Teka, nasan ba yung 28th Street?
Ewan, uy uy kumakaliwa tayo.
Bababa na ba? Saan ba kasi?
Oi bumukas na yung pinto, baba na tayo tara bilis!

Naniniwala pa rin ako sa bumaba-pagbukas-ng-pinto rule, dahil kahit hindi man ito ang pinakamainam na gawin, safe ka naman. Malay mo hindi na ulit bumukas yun at habambuhay na kayong nagpaikot-ikot sa paligid ng The Fort?

Ang layo. Doble ata ang layo nito sa karaniwang tinatahak ko mula sa amin papuntang iskul. Gudluck sa pagiging isang prominenteng late-comer. Alas-otso ang pasok kaya gudluck sa biyahe, lalo na sa bandang North Avenue station ng MRT. Dati rati ako’y namamangha lamang habang nakaupo sa loob ng bus at nakatanaw sa mga nagsisiksikan, naggigitgitan, at hindi makahulugang-kara– hmmm, at hindi makahulugang-butas ng karayom na dami ng tao na sasakay. Grabe.

Malay ko bang makikiisa na ako sa kabaliwang ito? Ang mangyayari’y sa kalahatian pa lang ng biyahe ay bagsak na ang katawan ko. Pero ang mainam sa lahat ng ito, naka-aircon ako buong summer, woohoo! Hehehe. Yun nga lang, gudluck pagkauwi sa bahay. Paniguradong diretso na ako kaagad sa kama para makapagpahinga, ‘tas gising na lang ng 12 ulit para makapag-online, di ba carme? Hehe.

Ah, magkano po yung magiging allowance namin?

This was the moment of truth. Pinagpalit ko yung isa pang kumpanya na tumanggap din sa akin para dito, hehe. Kaya dapat mas malaki ang sweldo:) Malaking factor din naman kasi di ba? Sino ba naman ang hindi gusto ang malaking sweldo?

Nagkangitian kami, pero mas malaki ang ngiti niya, ang HR manager ng kumpanya. Hinihintay namin ang kanyang sagot, tahimik kaming nakinig sa susunod niyang sasabhin.

… Allowance niyo? … Surprise na lang yun!:D … …

Nasurprise kami sa kanyang sagot (oh yes, the irony). Kung bakit naman sa lahat ng pwedeng itagong aspeto nitong ojt ay yung sweldo pa ang napili niya. Pwede namang:

Surprise! Actually hindi kayo magpoprogram, marketer kami ng sabon at kayo e ipapakalat namin sa makati business area para maglako ng mga pampaputi na sabon, summer pa naman kaya in na in ‘to.

Ganun, ayun, surprise talaga yun. Pero surprise ang sweldo? Sana lang masayang surprise yun:D

Baka naman iniisip mo kung anu yung tinutukoy ko na mahalagang bagay na baka hindi napupuna. Hmmm, baka lang naman, kasi kung titignan mo yung location bar sa taas, wala ka na sa tim.kundiman.net, kundi ay nasa kundiman.net ka na.

O ha, kundiman.net na ako, hehehe. Salamat sa regalo carme:D

Kaya paki-update naman yung may mga links sa akin, hehe:) Hmmm, mga lima lang naman yun alam ko, hehehe.

Update April 8, 2008 12:00 am: Sa mga naghahanap ng isang birthday post, dahil birthday ko, a pumunta lang sa entry ni carme ko:D *yakap!*

a birthday post.

Posted 4 years ago blabbers

Date: 01/2/2007 9:19 pm
Subject: Re: oi!

Message:

carme wrote:
> bday mo pala ng jan. 1? hehehe..

arvin replied:
> hindi ko bday ang jan 1, hehe=)
> sensya na, nasanay lang na jan 1
> ang nilalagay ko kapag nagsisign-up.
>
> april 8 ang bday ko
> (mahirap magscroll kapag
> nagsisign-up e, hehe)

Jan. 2007, babatiin sana kita ng Happy Birthday. nagulat kasi ako na Jan. 1 ung birthday mo, ayon kay Mr. Friendster. un pala, tinatamad ka lang magpalit ng date ng birthday nung nagsign-up ka. grabe, magso-scroll down na nga lang, tinamad pa. :P

April 7, 11am dito. sakto namang 12mn ng April 8 dyan. kaya naman pwede na kitang batiin ng HAPPY BIRTHDAY! ^_^ isa ka nang ganap na adult. hehe. mas matanda ka na sa akin. hmmm, di rin pala. ^_^

Happy birthday sau.
marami akong gusto sabihin.
isa na siguro dun ang salamat.
salamat dahil andyan ka para sa akin.
kahit na sobrang kulit ko, natatagalan mo.
kahit na minsan eh pareho tayong madrama, nagiging masaya pa rin.
salamat dahil nakilala kita. :)
basta andito lang din ako para sayo.
kahit na lagi mo akong tinatawag na ‘ate’. :P

goodluck sa lahat ng plano mo sa buhay.
sana matupad lahat.
basta kapag sikat ka nang rakstar, wag mo akong kakalimutan ha. :)
kahit na libreng album lang at poster na may autograph, pwede na. ^_^

dito lang ako.
idol kita eh & i’ll be the greatest fan of your life. ^_^

HAPPY BIRTHDAY ARVIN. :)
*yakap*

happy birthday!

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.