7 months ago by karmi nakatitig ka na naman sa monitor. ano ba ginagawa mo?
eh kasi, gusto kong magsulat kaso di ko naman alam kung tungkol saan.
eh di ba last week lang may naisip ka na?
oo nga eh, kaso nawala na. saka di ko na feel un.
writer’s block ba ito?
writer ba ako?
hehehe. eh di feeling writer’s block?
nye. korny.
eh di magsulat ka tungkol sa Legally Blonde: The Musical.
oo nga eh, may gusto kasi akong kanta dun. basta parang gusto kong gawan ng kwento.
o, eh bat di mo gawin?
actually, un nga ung balak kong isulat kaso, ala talaga eh. nawala ung gana ko sa pagsusulat.
tama nga siguro si arvin, baka madami ka lang kasing iniisip.
hmmm, maaari. pero ano naman?
ewan ko sayo, may gumugulo ba sayo ngayon?
ala naman.
relax ka lang kasi. masyado kang apektado sa mga nangyayari sayo eh.
opo.
eh kamusta na ba pakiramdam mo?
mejo ok na. kahapon, uminom ako ng tylenol kasi ang sakit ng ngipin ko.
ngipin naman ngayon? kamusta naman un?
oo nga eh. matapos ubuhin at sipunin, nilagnat ako dahil sa ngipin ko.
baka naman dahil sa masama pakiramdam mo kaya di ka makapagsulat.
siguro. pwede ring dahil tinatamad na ako.
katam. wala na ata talagang gamot dyan.
kahit advil?
ako ba ang korny o ikaw?
fine.
teka, ano nga pala ung dramang nabasa ko sa twitter mo?
alin dun? panay kadramahan lang nalalagay ko dun.
hmm, ung tungkol sa idlip. ung pag nawala chuva?
ah un ba?
balak mo nang tumigil?
oo. mejo. mga ilang araw ko ring pinagisipan un.
nye, bat naman? sayang naman itong blog mo.
sayang nga eh. ayoko ring iwan ito. minsan lang kasi napapagod na ako.
ilang beses mo na ring binalak tumigil eh. pero di mo naman nagawa.
hindi nga. hindi ko rin kinakaya eh. break lang siguro pero ung titigil, hindi naman..
so may naisip ka na bang isulat?
sa awa ng Diyos, blanko pa rin ung notepad.
babalik din ung gana mo sa pagsusulat.
sana nga.
wag mong pilitin ang sarili mo.
opo. hindi na.
note: di ko na pinilit tapusin ung monologue dahil sa di ko maisip kung pano ito tatapusin. malalang writer’s este feeling writer’s block na ito..
pahinga lang kelangan nyan :).. wag ka naman magpapaalam… mababawasan ako ng babsahin.. :)
yngat! :)
====
salamat naman ate. :) *hugs*
opo. papahinga lang ako..
sakit na ata minsan ng mga blogger yan. nakakaranas din ako ng ganyan. yung tipong 2 linggo di nakakapag update. hehehe. pero pls, wag mo naman sanang iwan ang idlip. T.T
====
sakit na nga ata yan. :)
opo, di ko iiwan ang idlip.. ^_^
parang writers block na nga. ahe..
O, anong nangyari sa’yo?
ako laging ganyan nagyayari sakin
madalas nangyayari yan. ako months na nabblanko. madaming nakatype sa phone ko na pwede iblog. pero pag isusulat ko na talaga. blanko nah.
tamang inspirasyon lang kaylangan jan. :D hehehe.
tylenol din ininom ko nung masakit ang ipin ko! ^_^
hmmm….mental block ba tlga yan??
wag dedeletin ang blog….
ang mag delete ng blog…PAnget!! hehehe=)
nice monologue. writers block? wow. its been awhile. keep on writing.
hehehe
ako naman eh
nablock na ng oras
minsan na lang makapag-update. haru