pare, 6cyclemind.

Post Info 7 months ago by karmi

ayos lang basta’t kasama
konting alak lang kahit walang pulutan

nasa tapat tayo ng isetann sa cubao noon. gabi at nagaabang tayo ng masasakyan nang kinanta ko yan sayo. nahihirapan na kasi tayong makasakay kaya nagaalala ka na rin. para sa akin ayos lang kahit nasan tayo basta kasama kita. napatingin ka sa akin at ngumiti. mula nun naging kanta na natin yan.

akma ata ung kanta sa atin dahil pareho tayong tomador pero minsan lang ata tayong uminom na tayong dalawa lang. ayaw mo na iinom ako kapag kasama kita. madaya ka un ang lagi kong sinasabi sayo. lagi kitang inaaya ng drinking session pero di natutuloy. nakakagawa ka ng paraan para di tayo uminom. ang galing mo.

ay, wag naman alisin ang nagiisang panaginip
na ika’y magbabalik, magsasamang masaya at walang pagkukulang.

andito na ako sa Amerika nang sumikat ang kantang yan. tamang senti para sa atin dahil di natin alam kung anong maaring mangyari. na pano nga kung di na ko makabalik, at di na tayo magkitang muli. nung unang beses kong narinig ang kantang yan, gusto kong umiyak. dahil ayokong mawala ka sa akin. ayoko.

sige lang sandal ka lang.
at wag mong pipigilan
iiyak mo na ang lahat sa langit
iiyak mo lang ang lahat sa akin.

di mo lang alam, kanta ko yan para sayo. nung panahong madalas ay di kita nakakausap. dahil mas gusto mo pang sarilihin ang problema. dahil ayaw mong pati ako ay magalala sayo. wala akong ibang magawa kundi ang intayin kang sabihin sa akin ang problema na di naman nangyari. alam mong andito lang ako para sayo. alam mo un.

di ko man lamang nalaman na mawawala.
di mo man lamang naisip na idahan-dahan.
di ako sanay sa biglaan
unti-unti na lang sanang nawala.

sana nga unti-unti. sana naramdaman ko na mawawala. di ako handa nun eh. hindi man lang ako nakapagreact ng maayos. ganon na lang un, nawala na lang lahat. sayang.

at ngayong wala ka na
hindi alam kung san magsisimula
ang ngayon, bukas, kailanman nagiba
wala nang bukas.

wala na lahat ng pangarap natin para sa isa’t-isa. pwedeng-pwede nga palang mangyari un. na parang isang bula ay parang walang nangyari. di ko alam kung anong gagawin ko ng panahong un. di ko alam kung pano ko maibabalik ung dating ‘ako’ na nakilala mo. ang hirap. pero wala na naman akong magagawa eh. i have to move on.

nang mawala ka sa buhay ko, saka ko na-realize kung gaano kaliit ang mundo ko. na sayo lang pala ito umiikot. nasaktan mo ako pero natuto ako. salamat sayo.

4 na kanta ng 6cyclemind. kahit na magkaiba na ang landas natin, sa tuwing pinapatugtog ang mga kantang yan eh ikaw talaga ang naaalala ko - both good and bad memories natin.

ang minsan, naalala
at di magtatagal tayo ay liligaya.

alam ko magiging maligaya rin tayo. :)

Post a Response Comment icon Posted May 2nd, 2008 at 7:28 am

18 Responses to “ pare, 6cyclemind. ”

  1. Antonette

    karamihan sa mga kanta nakarelate ako.. same songs.. same feelings..

    6cyclemind lang pala ang sagot sa writer’s block mo.. hehe..

  2. Kandis

    Fan ako ng 6cyclemind. At ako ang number one fan mo. Ang galing talaga, astig ng mga blogs mo ate. Kahit di ko siya kilala. Parang AWWW. nakakatouch. Shett.

  3. Manel

    Favorite ko din yung Biglaan nung dati din na BIGLA nalang NAWALA yung lalake na pogi na kadate ko lagi dati. Haha!

  4. Joelle

    whoa talagang nagfit ang mga kanta nila sa love story niyo ha. napakinig tuloy ako sa biglaan ngayun. haha. i like the 6 cyclemind’s songs. =)

    i hope na magkita ulit kayo. para happy. =)

    god bless.

  5. vanny

    aww. may kumanta din sa akin nyang sandalan.. parang nakonsensya nmn ako nung kinanta nya yun for me. kc feeling ko nakalimutan kong i have him aside sa nagpapaiyak na isang him. hah. gulo ko. ^_^

    tska yung 6 years 9 months na intro nila.. ganda.. ^_^

  6. rio
    rio

    di ko man lamang nalaman na mawawala.
    di mo man lamang naisip na idahan-dahan.
    di ako sanay sa biglaan
    unti-unti na lang sanang nawala.

    ……mas gusto ko yung biglaan para bigla din yung sakit para immune kagad…
    ayaw ko ng dahan dahan..torture para sa akin yun e..=)

  7. daniel

    gusto ko yung kanta nila na yun.. :D nakakatuwa no? minsan pag narinig mo un kanta na un, sobrang nakakarelate ka. galeeng :D

  8. Hachi

    awww… feeling ko tuloy ngayon nagsesenti ako. hehehe. kamusta ka naman ngayon? naka-move on na?

  9. Manel

    Eh antipatiko kasi e. Porque pogi sya bigla nalang akong inisnab! Yabang! Haha! Ikaw naman?

  10. GYK
    GYK

    hehehe. di ko alam ico2mment ko. di ko alam kanta eh.

  11. master

    Bida pa rin si Pare?! :P

  12. kathrinx

    hala.. nkrel8 aq
    sa lhat ng knta nila ah.
    ma-dl q nga. haha

  13. Ayei

    I used to really love their songs kasi may laman :) and I love it :)

  14. kingdaddyrich ?

    si ate karms, senti na naman. hehehe… iba talaga pag inspired. wag ka mag alala, yung sikret natin sa atin lang dalawa! :))

  15. shane

    haai… ate ang lungkot ng entry na ito…

  16. janelle

    isa yan sa mga favorite ko :) kasi tumador din ako. pero never pumasok sa isip ko yung deeper meaning ng kantang yan. grabe ha! parang ginawa ata yan para sa love story nyo. oh well, sana nga gaya ng lyrics sa kanta, bandang huli liligaya din kayong dalawa :D

  17. Arvin

    Hangad ko rin ang ‘yong kaligayahan *yakap*

  18. yeye

    dalhin mo ako sa iyong palasyo.hahaha
    la lang
    kumanta lang. :)

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.